23

701K 8.8K 873
                                    

ALEXA'S POV

My week went good so far. Medyo nakakailang din kasi alam nyo na hindi na kami ganun nagsisigawan ni goon. Well nagaaway pa din kami, hindi na yun mababago. Tom and Jerry nga kami di ba? Madalas din kaming magtalo sa klase. As number one daw sa klase di daw sya papayag na mapalitan ng isang saling pusa lang sa klase. Ang bait nya no? But infairness to him magaling din talaga sya. Dagdag pogi points pa yun. Ano pa kayang madidiscover ko sa goon na yun na makakadagdag sa reason kung bakit ko sya nagustuhan.

OxO

Sinabi ko bang nagustuhan? Oh well, nagustuhang kaibigan. Pwede naman yun di ba?

Okay fine, dedeny pa daw ako eh alam nyo na naman kung anong totoo. Gusto ko naman sya yun nga lang di ko alam kung gusto din nya ko. Alam nyo na, mahirap mag-assume. Isa pa di ako sanay ng ganito. Di naman nya sinasabing gusto nya ko at hindi ko naman pwedeng iconsider yung mga actions nya kasi pwedeng yun yung totoong sya. Sweet at mabait sa mga babae. Yun eh kung babae nga tingin nya sa'kin. Hay naku, kaya ayokong mag-iisa eh. Paano ang dami ko na namang naiisip! Eto kasing Jezhi na 'to nagkaboyfriend lang ng heartthrob eh natuto nang kumain sa cafeteria. Ano pandisplay lang si Val? Kawawang Val, biktima na din sya ng mga kabaliwan ni Jezhi.

(/-\)

Who the hell? Biglang may mga kamay na tumakip sa mata ko. Pinipilit kong tanggalin pero di ko matanggal.

"This is not funny! Sino ka man alisin mo na yan or I'll rip your head, I'm serious!" pananakot ko habang tinatanggal yung kamay sa mukha ko. "Ah ayaw mong tanggalin ha. Magsisisi ka!" kinapa ko yung bag ko para kumuha sana ng ballpen para ipantusok sa kamay ng kung sino man pero hindi ko makapa yung bag. Parang biglang lumayo sa tabi ko.

I folded my arms over my chest. "Okay, you can do that the whole day. I won't mind!!!!!" sarcastic kong sabi. "Pero kapag bumagsak ako sa kahit isa kong subject magtago ka na. You don't know me – "

Magsasalita pa sana ko ng marinig kong may tumatawa. Boses ng isang lalaki? Di ko pala sure, parang nagpipigil kasi ng tawa.

"Anong nakakatawa?" pinilit ko ulit tanggalin ang kamay nya and this time natatanggal ko na ng paunti-unti. Lumuwag yung pagkakacover nya sa mata ko siguro dahil natatawa kasi sya. Umangat na yung index finger nya kaya binend ko pa para masaktan sya.

"Aray!! Aray!! Hoy!!!" at biglang nawala ang kamay. Tumingin ako agad sa likuran at nakita ko si – si goon na hawak-hawak ang kamay nya at tinitingnan yung index finger nya na muntik ko nang mabali.

"Wala ka na ba talagang alam kundi manakit? Napakabrutal mo. Grabe ka pa manakot! Paano kung ibang tao na lang yung gumawa nun sa'yo? Malamang nagtatakbo na yun! Ganyan ka ba talaga? Kaya wala sigurong nanliligaw sa'yo no?"

A – ano daw? Bakit ba ang daldal nya? Kalalaking tao napakadaldal.

"Hoy ang kapal mo din no? Hindi ako brutal. Hindi ka lang talaga nice so I don't need to be nice to you at isa pa ang higpit ng pagkakacover mo sa mukha ko, paano kung lumuwa yung mata ko?" I rolled my eyes. "And so what kung walang nanliligaw sa'kin? That doesn't mean I'm a monster or a witch!! Choosy lang talaga ko!!!!"

Bigla syang umupo sa tabihan ko at nakangiti pa. "Good then." May kinuha syang apple sa bulsa ng jacket nya.

"Good ang ano? Pagood-good ka pa dyan!!" inabot ko yung bag ko na medyo napalayo nga sa'kin. Siguro  sinipa nya 'tong bag or what.

"Sana tinawagan mo ko para may kasama ka dito." Bulong nya.

"Bakit ko naman gagawin yun?"

Tumingin sya sa'kin ng masama. "Aba't – ikaw na nga sasamahan ikaw pa may ayaw!!! Ang arte-arte mo talaga!!!!"

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon