Chapter 34: In His Arms

18.8K 324 38
                                    

Daniel appeared simple pero undeniably striking habang suot nito ang isang black Armani suit over a crisp cyan polo shirt with buttons undone down to his chest at naglalakad papasok sa hall kung saan marami ng taong bihis na bihis din gaya nya. Muntik na nga syang ma-late dahil nasa stage na ang emcee nang pumasok sya sa loob.

Naisip nya na it would have been more appropriate kung nagsuot sya ng necktie. Pero pagkatapos ng mga nangyari sa kanilang dalawa ni Kathryn kanina ay nawalan na sya ng gana na mag-dress up at hindi na nya kailangan pa ng tie dahil he was already feeling choked enough.

Tumingin sya sa paligid at nakita na naroroon na ang ilang mga kilalang tao sa business world. Patuloy syang naglakad papunta sa table kung saan nakaupo ang barkada nya.

Maririnig ang malakas na bulong bulungan habang naglalakad sya. Alam nyang sya na naman ang big talk of the business world. This is beyond doubt, his night. Lahat ng attention ay sa kanya naka-focus dahil lahat ng achievements nya as an entrepreneur will be highlighted. Pero kahit gayunpaman, tanging nods of acknowledgement lang ang naibigay nya sa mga bumabati at wala talaga sya sa mood na madama ang pagiging proud sa achievements nya sa mga oras na ito. Nothing felt right.

Agad napansin ng mga kaibigan nya ang mood nya. Besides, never na-late si Daniel sa mga awarding ceremonies na gaya nito.

“Huy DJ, okay ka lang ba?” Agad na tanong ni Khalil nang makaupo na sya sa tabi nito.

May isang bakanteng upuan sa tabi nya. Alam nyang para kay Kathryn dapat iyon. At lalo lamang syang nalungkot at that thought.

“Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?” Deadpan na sagot nya at isang pilit na ngiti ang pinakita sa kaibigan.

“Nasaan si Kath?” Tanong ni Julia M.

Pakiramdam nya ay sumikip ang dibdib nya sa tanong na iyon. Pinilit na lang ni Daniel na wag pansinin ang kakaibang pakiramdam na iyon.

“Hindi sya dadating.” Sagot nya at iniwas ang tingin sa mga kaibigan.

“Bakit hindi?” Tanong uli ni Julia M. na mukhang oblivious sa nararamdaman ni Daniel.

“May iba syang appointments.” Naiilang at naiinis na si Daniel sa usapan.

Halatang halata ng mga kaibigan nya ang ‘dark cloud’ na nakapalibot sa aura ni Daniel ngayong gabi at alam nilang may kinalaman dito si Kathryn.

“Sinabi mo ba sa kanya yung tungkol dito sa event na to?” Hindi pa rin tumitigil si Julia M sa pagtatanong.

Tiningnan ng masama ni Daniel si Julia M. Ramdam ng mga tao na kasama nila sa lamesa na naiinis na ito at sasabog na any moment.

“Of course. Pero hindi ko naman sya pwedeng kaladkarin dito lalo na at may MAS IMPORTANTE syang mga bagay na kailangang asikasuhin diba?” Nagngingitngit sa galit na sambit ni Daniel.

After AllWhere stories live. Discover now