Chapter 45

887 37 3
                                    

"I see you made her agreed into this. Pa'no mo nagawa ng ganito kabilis? I was thinking nakabalik na ko sa US, hindi ka pa din tapos sa pag-convince sa pasyente ko." Komento ni Dr. Yago pagkatapos makwento ni Dr. Gail ang lahat.

Quite impressed, hinanda na rin niya ang record ni Meryl. 

"I'm more than surprised of how she thinks, sir. I believe she's had everything planned out before going to my office alone." Sabi ni Dr. Gail. Hindi pa niya halos nagagalaw ang kapeng hinanda ng sekretarya ng kanyang dating propesor. 

"I also don't understand kung bakit niya nilalabanan ang epekto ng love chip. It's 95% accurate based on my research. There's nothing wrong with your treatment, in fact it's the best thing that any doctor can do if his patient is a psychopath."

"I have a feeling that this Japs has something to do with her past. I have no evidence of sort, this is purely hypothetical. But Jan Meryl, that child, would protect someone from the start till the end. If by chance there was an incident that the two met before I even had an opportunity to treat her, and that incident involves Japs getting into trouble, then Meryl will most likely remember that.

Especially if it's the first time she's used her ability." Paliwanag ni Dr. Yago.

"Paano si Vince Fermano? I mean, I know about their family's past but sir, he's part of the treatment and Meryl did admit that she loves him. Although sa bandang dulo ng interview, inamin din niyang epekto ng love chip ang lahat."

"Perhaps Meryl did not see any need of protecting Vince from the start." Binuksan ni Dr. Yago ang kanyang drawer para kunin ang isang flash drive at inilapag sa lamesa. "This flash drive has my interview with Meryl Danes. Review it, and you'll see what I'm talking about, and what's important for her."

"I'm guessing," napaisip tuloy bigla si Dr. Gail, "she loves what she wants to protect,"

Tumango-tango lamang ang kanyang propesor, at bago pa niya makalimutan ang sasabihin ay muling nagsalita. 

"Once you finish the case study, save a copy for her brother. His name's Jay-Jay. He'd love to read about his sister's case. That kid doesn't have any problems in dealing with people. He's just really intellectual." 


***


Papunta na si Vince sa Tagaytay pagkatapos manggaling sa bahay nila Japs. Sakto namang naabutan pa niya ang ina nitong si Amanda at na-kwento nga nito na magkasama si Meryl at Japs papunta doon. 

Wala na siyang dapat sisihin kung hindi ang sarili oras na may mangyaring masama kay Meryl. Hindi niya dapat ito iniwang mag-isa sa bahay. Hindi niya dapat pinabayaan ang babaeng noon pa lang, alam na niyang dapat protektahan.

Sa sobrang pagmamadali tuloy ay hindi niya napansin ang palikong sasakyan. Buti na lang ay agad siyang nakaiwas at hindi kalakihan ang sira sa kanyang sasakyan. 

Agad namang bumaba ang may ari ng sasakyang nakabanggaan niya. 

"Hoy! bumaba ka dyan!" Malakas ang pagkakakatok ng lalaki sa kanyang bintana. 

Bumaba din naman si Vince upang maayos na makipag-usap dito. "Pasensya na po, hindi ko talaga napansin. Nagmamadali ho talaga ako ngayon,"

"Hindi napansin? Naka-ilaw na nga ako e!" Galit na sagot ng lalaking 'di hamak na mas matanda sa kanya. "Bayaran mo 'yung sinira mo!"

"Kuya, pareho naman ho yata tayong nawalan ng kontrol,"

"Maayos 'yung pagmamaneho ko! Baka ikaw, malay ko ba kung lasing ka, ha?!"

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Where stories live. Discover now