Chapter 5

1.1K 53 0
                                    

"Hon, hindi ba si Jan iyon?" gulat na tanong ni Mia nang masilayan ang kanyang anak na buhat-buhat ang kapatid niya. 


Nagkataon namang kinailangan nilang bumalik dahil may naiwan silang mga papeles. Agad namang hininto ni Levi ang sasakyan, pareho silang kinakabahan sa kung ano ang binabalak ng anak.


"Jan!" Sigaw ni Mia bago pa man sila makalayo.


Huminto naman si Jan, lumingon, at lumakad palapit sa kanyang mga magulang na nakababa na mula sa sasakyan. 


"Bakit po?" Inosente niyang tanong.


"Anong bakit po, saan kayo pupunta? Saan mo dadalhin 'yung kapatid mo?" May pag-aalalang tanong ni Mia at kinuha na ang umiiyak pa ring si Jay-Jay mula sa kamay ng kanyang panganay. 


"Jan, anong gagawin mo sa kapatid mo, bakit kayo nasa labas?" Tanong ni Levi. 


"Gusto ko po kasi siyang patahimikin. Ang ingay po niya."


Nagkatinginan sina Levi at Mia. Tila namumukhaan nila ang ganitong klaseng Jan. Matagal-tagal na rin bago nila narinig ang mga pa-inosente niyang sagot.


"Tapos, paano mo papatahimikin dito?" muling tanong ni Levi. 


"Papatayin ko na po sana."


Halos madurog ang puso ni Mia nang marinig iyon, at bagama't takot din ang bumalot kay Levi, hindi pa rin nito maiwasan ang magalit. Dala na rin ng gulat niya sa naging sagot ng anak ay malakas niya itong sinampal.


"Kapatid mo 'yan, Jan!"


Napahawak na lamang si Jan sa kanyang mahapding pisngi. Napaluha ito, ngunit hindi niya magagawang humingi ng tawad dahil alam niyang tama ang kanyang ginawa.


"Levi, umuwi muna tayo..." wika ni Mia na tila nanghihina na sa mga nangyayari. 


"Get in the car, Mia. Uuwi na tayong tatlo." 


"Tatlo?" pagtataka ni Mia. "Si Jan?"


"If she wants to be outside then so be it." Seryoso nitong tugon, "You stay here and think of what you've done."


Bago pa man makapag-protesta si Mia ay pinasakay na silang mag-ina ni Levi sa backseat, at iniwan si Jan na mag-isa sa labas ng kanilang village.


"Levi, bakit mo ginawa 'yun? Hindi natin siya dapat iniwan, she's so helpless!" 


"Hindi mo ba narinig 'yung sinabi niya? Gusto niyang patayin 'yung kapatid niya!"


Nang makapasok ang kanilang sasakyan ay kinandado ni Levi ang gate. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Jay-Jay dahil kanina pa halos sila nagsisigawan.

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Where stories live. Discover now