Chapter 19

888 45 2
                                    

"Ano ba kasing nangyari? Bakit ganu'n na lang yata 'yung galit ni Vince sa'yo?" Tanong ni Japs habang naglalakad sila pabalik sa dorm ni Meryl.

Napapansin niyang napapadalas na yata ang paghatid nito sa kanya, ngunit sa hindi malamang dahilan ay natutuwa naman siya kahit papaano. Para mapagaan din ang loob ng dalaga ay binilhan pa niya ito ng ice cream.

"Hindi ko nga rin alam e, basta ang natatandaan ko lang, pagkagising ko, siya kaagad 'yun hinanap ko," sagot naman ni Meryl. Nang dahil sa ice cream ay nanumbalik nanaman ang kanyang sigla.

"Ha? Na-coma ka ba? Tsaka ano 'yung sinasabi niyang iniwan mo siya?"

"Hindi ko alam, basta nasa U.S. ako, tapos..." panandaliang huminto si Meryl at napahawak sa kanyang ulo. 

Ilang larawan ang bigla na lang lumilitaw sa kanyang isipan. Lahat ito malalabo, simula sa kanyang pagkabata, hanggang sa pagkakakilala nila ni Vince.

"Aaahh!" Sigaw nito at nabitawan ang kanyang ice cream. 

"Sisa! A-ano nanamang nangyayari sa'yo?" 

Agad namang inalalayan ni Japs ang dalaga nang muntik na itong matumba. Nakahawak pa din siya sa kanyang ulo na ano mang oras ay pakiramdam niyang sasabog sa sakit. 

"Aaahh! Ayoko na!" Sunod sunod na ang kanyang pagsigaw at pag-iyak. 

Naalala niya ang kanyang kapatid, si Jay-Jay.

Naalala niya ang mga kaklaseng madalas tawaging baliw ang kanyang ina.

Naalala niya si Vince. Ang tree house. Ang science lab. 

Bagama't nagpapakita ang mga ito sa kanya, hindi pa din niya maintindihan kung anong ibig sabihin ng mga ito. 

"Meryl, meryl!" Patuloy si Japs sa pag-alalay sa babae, hanggang sa unti-unting tumigil ang pag-ungol nito.

Napatitig sa malayo si Meryl. Mula sa kanilang tinatayuan ay natanaw niya ang isang batang tahimik na nakaupo sa swing.

Abalang nakikipag-usap ang kanyang magulang sa kumare nito kaya hindi nito napapansin ang anak na kanina pa humihiling na itulak siya para gumalaw naman ang swing.

"Sisa... I mean, Meryl, okay ka na ba?" Tanong ni Japs, at inalis ang kanyang kamay mula sa bewang ng babae nang mukhang kaya na nitong tumayo mag-isa.

Sinundan niya ang tingin ni Meryl. Napansin niyang nakatitig ito sa batang nakaupo sa swing. 

"Uy, ayos ka lang?" Pangungulit niya, ngunit wala pa rin siyang nakuhang sagot. 

Pinagmasdan niya ang dalaga, at nang ibalik niya muli ang titig sa kung anong tinitignan nito, pakiramdam niya ay mahihimatay na siya ano mang oras.

Unti-unting gumagalaw ang swing, at unti-unti, natutuwa ang bata. Ngunit sa unti-unting pag-galaw nito ay unti-unti din itong lumalakas, hanggang sa nagsisimula nang umiyak ang bata. 

"S-sisa... Sisa, tama na..." Puno ng pangambang sabi ni Japs at hinawakan sa balikat si Meryl. Nanginginig na ang kanyang kamay, pero hindi na niya ito alintana dahil sa mga oras na ito, iniisip niya ang kapakanan ng bata.

Masyado ng malakas ang andar ng swing, pati na ang pag-iyak ng bata. Maging ang ina nito ay nagpapanic na, ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya mapatigil ang swing.

"JAN MERYL!" Kasabay ng malakas na sigaw ni Japs ay ang paghawak niya sa magkabilang pisngi ng dalaga. 

Sa wakas ay napahinto ang swing, ngunit kailangan naman niyang harapin ang titig nito. 

Napakurap si Meryl na para bang bumalik sa kanyang wisyo. Sunod-sunod ang kanyang pag-ubo, at tila nauubusan ng hininga matapos gamitin ang kanyang kakaibang kakayanan. 

Habang si Japs, nagpapasalamat na lang na ligtas ang bata. Napaupo na lang din ito sa pagod at sobrang kaba. Hindi ito makapaniwala sa nakita, at ito na ang pangalawang pagkakataong mapanood niya ang kayang gawin ng dalaga.

"Tao ka ba talaga?" Nanghihinang tanong nito. 

"Hindi ko alam... hindi ko alam kung ano ako..." mahina niyang sagot.

***

Umuwi si Vince sa kanilang bahay at hindi muna dumeretso sa dorm malapit sa kanilang unibersidad. Pagbaba nito ng sasakyan ay napahinto ito sa puno kung saan itinayo ang tree house.

Naalala nito ang kanyang ina na kasa-kasama niyang naglalaro noong bata pa lamang siya, hanggang sa sumagi nanaman sa isip niya ang mga oras na hinihintay niya si Jan, na walang kasiguraduhang babalik pa ito.

Pagpasok niya sa kanyang kwarto ay naalala niya ang archived papers na nahanap niya dati nang marinig ang tungkol sa mercy killing chip.

Muli niya itong hinalungkat at binuksan ang kanyang laptop. Ilang taon na rin ang nakalilipas simula nang mabasa niya ang tungkol sa chip kaya nakalimutan na niya halos ang karamihan sa mga impormasyong nahanap.

"Vince?" 

Hindi na naitago kaagad ng binata ang mga nire-research nang dumating ang kanyang ama. 

"Your door is open, so pumasok na 'ko agad. Hindi ko alam dumating ka na pala," 

"Ah, Dad, sorry I had to do some research..." sagot nito at patagong nililigpit ang mga papel. 

"You're still into it?" Natatandaan ng kanyang ama na nagresearch na rin siya tungkol dito noong high school pa lamang siya. "You know, Vince, wala ka talagang mahahanap na accurate and enough information tungkol diyan through the internet. Let alone the newspapers. You've to ask the right persons about it."

"Who are the right persons, Dad?"

"Me. I know all about the mercy killing chip, how it works, and the other people involved in it." Sagot ng kanyang ama, si Richard.





The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin