Chapter 21

901 39 7
                                    


"Ice cream?" Nang hindi siya muling pansinin ni Japs ay hinawakan na ni Meryl ang kamay ng lalaki at saka inabot ang ice cream.

Pagkalabas kasi nila galing ng director's office, hindi na kumikibo si Japs. Kanina pa rin siya tanong ng tanong kung ayos lang ba ito, saan siya pupunta, ngunit walang kibo ang binata, hanggang sa dumeretso ito sa university park at umupo sa bench.

Panandalian munang bumili ng ice cream si Meryl sa canteen, at pagbalik ay nakatulala pa rin si Japs. Kaya naman kinailangan pa niyang ipahawak ng mabuti ang popsicle. 

"Uh... Sisa," Sa wakas ay napansin din niya ang dalaga. Tila nagising na lamang siya sa isang masamang panaginip nang maramdaman ang lamig na hawak. "Thanks, bumili ka pala."

"Kanina pa nga kita kinakausap e. Kanina pa din ako nagte-thank you, tulala ka naman. May problema ka ba, Japs?"

Napangiti ito nang marinig ang pagsambit ni Meryl ng kanyang pangalan. Simula kasi nang mag-away sila ni Vince ay si Meryl na lamang ang tumatawag sa kanya ng Japs.

"Sorry... ganito lang ako 'pag malalim ang iniisip," tugon nito.

"Ano ba'ng iniisip mo? Pwede mo namang sabihin sa'kin, 'di ba kaibigan mo 'ko?" Nakangiting sagot ng dalaga.

Napatingin si Japs sa mga mata ng kausap. Deja vu. Ito ang pakiramdam niya ngayon nang marinig ang linyang iyon mula kay Meryl. Tila ba nasa harapan niya ngayon ang isang taong mapagkakatiwalaan niya. 

"Japs?"

Inalis ni Japs ang tingin, napayuko, at huminga ng malalim bago muling magsalita. "Nu'ng bata ako, madalas akong awayin ng mga kapatid at pinsan ko. Nakatira pa 'ko noon sa malaking bahay... sa bahay ng mayaman kong tatay,

Isang araw, sinama ako ng mga kapatid ko sa labas, akala ko maglalaro kami. Akala ko magkakasundo na kami, pero pagti-tripan lang pala ako. Pumunta kami sa isang lugar, sa tapat ng isang bahay na sa pagkakatanda ko ay hindi na halos naaalagaan. Sa tapat kasi nu'n, may nakakulong na asong naglalaway na. Alam mo 'yun, dahil sa hindi na naalagaan, na-ulol na?"

Tumango lamang si Meryl habang nakatingin na nakikinig kay Japs.

"Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi ko pa rin makakalimutan 'yung itsura ng asong 'yun. Iyon kasi ang unang beses na nakakita ako ng ganu'ng klaseng aso, lalo na nu'ng pinakawalan pa ng mga kapatid ko, tapos tinulak ako palapit. Ako naman, sa sobrang lampa, nadapa at naiwan habang nagtatakbo na sila." Bahagyang napangiti si Japs. Hindi niya akalaing matapos ang ilang taon ay tandang-tanda pa niya kung ano'ng nangyari nu'ng araw na iyon.

"Akala ko talaga katapusan ko na nu'n e. Iyak ako ng iyak habang sumisigaw ng tulong, pero wala talagang lumalabas na tao mula sa bahay na 'yun. Hanggang sa may isang batang babae na lang ang dumating. Alam mo, kahit na mas bata at mas maliit siya sa'kin, nabuhayan pa din ako ng loob. Pakiramdam ko kasi, hindi ako nag-iisa.

Tapos biglang sabi niya nu'n, pumikit daw ako. Siya daw ang bahala."

"Ano'ng nangyari?" Interesadong tanong ni Meryl.

Muling napangiti si Japs sa naalala. Kung dati'y takot na takot siya, ngayon naman tinatawanan na lang niya. 

"Hindi ko alam kung paano pero... namatay 'yung aso. Tapos hindi ko na ulit siya nakita."

"Kawawa naman 'yung aso," Malungkot na sambit ni Meryl.

"Tuwing naaalala ko 'yun, naaawa talaga ako. Isipin mo, iniwan na nga siya, namatay pa siya sa ganu'ng paraan."

"Pero kung hindi naman siya mawawala, paano ka naman?"

"Ewan ko, minsan nga, naiisip ko, kung ako na lang siguro ang nawala, hindi na rin siguro mahihiripan si Nanay, pati ang Tatay ko."

"Uy Japs, 'wag mo namang sabihin 'yan," Komento ni Meryl dahil pati siya ay nakakaramdam na din ng lungkot. 

"Pero syempre nagpapasalamat pa din ako sa batang 'yun. Kung hindi dahil sa kanya hindi mo makikilala ang kasing bait at kasing gwapo na tulad ko." Pa-joke nitong sabi at nagawa nang ngumiti, kaya maging si Meryl ay napangiti na rin. 

"Kakainin mo ba 'yang ice cream mo? Kasi matutunaw na,"

Hawak pa rin ni Japs ang binigay na popsicle ice cream ni Meryl at dahil nga nagkwento muna siya ay hindi pa niya ito nabubuksan.

"Ang takaw mo din 'no, Sisa? Pero binigay mo sa'kin e, wala ng bawian." Nang mabuksan ito ni Japs ay agad niyang sinubo ang popsicle sa kanyang bibig para lang asarin ang dalaga.

Napatingin si Meryl sa kanyang hawak, stick na lang ng ice cream na kanina pa niya kinakain. "Hati tayo, please?"

"Wala na, nasubo ko na lahat e," Pang-iinggit pa ni Japs.

Sumimangot ang dalaga at umurong palapit kay Japs, na agad namang nilayo ang popsicle. "Hoy Sisa lumayo ka nga, binigay mo 'to sa'kin e."

"Iba kasi 'yung flavor, alam mo bang gusto ko din tikman 'yan?"

"O, bakit hindi ito 'yung pinili mo?"

"E gusto ko din naman kasi 'yung nauna, hindi ko ba pwedeng makuha pareho?" Tanong ni Meryl, kasabay ng pagtayo niya at saka hinarap si Japs upang muling subukan kung maaagaw niya ang popsicle mula dito.

"Sige na please, 'wag ka nang madamot pahingi na," Pagpupumilit nanaman nito, habang nakataas na ang kamay ni Japs at nilalayo ang ice cream para lamang asarin ito.

"Alam mo, hindi lahat ng gusto mo makukuha mo," hindi pa halos tapos si Japs sa kanyang sasabihin nang bigla na lamang siyang nawalan ng balanse at natumba mula sa kanyang kinauupuan. Sa isang iglap, napahiga ito sa ibabaw ng damuhan at si Meryl naman ay aksidenteng napapatong sa kanya.

Ngumiti ang dalaga dahil sa wakas, nakuha din niya ang ice cream.

Napatitig lamang si Japs sa babaeng nasa ibabaw niya. Bago pa man ito makatayo ay hinawakan niya ito sa kanyang bewang, habang ang isang kamay niya ay inalis ang ice cream mula sa bibig ng dalaga. 

"Meryl," seryosong tugon ni Japs, "hindi mo pwedeng makuha pareho kasi hindi lahat ng tao, gustong may kahati." Matapos sabihin iyon ay hindi na napigilan pa ni Japs ang kanyang nararamdaman. Hinawakan niya sa mukha si Meryl at hinalikan ito sa labi. 

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Where stories live. Discover now