Chapter 16

944 43 1
                                    

Maayos at walang bahid ng kabaliwan naman ang kwarto niya, ito ang unang sumagi sa isip ni Japs nang makarating sila sa dorm at kwarto ni Meryl. 

Gusto na sana nitong umalis din agad lalo na tuwing naaalala nito ang tila kakaibang pangyayari kanina, ngunit konsensya na lang din niya sakali mang may mangyari nanamang hindi maganda sa babae. 

"Wala ka bang roommate, Sisa?" 

Kumunot ang noo ni Meryl nang marinig ang pangalang itinatawag sa kanya. Agad namang napa-atras si Japs nang makita ang ekspresyon ng babae. Ano mang oras ay nakahanda itong tumakbo palabas.

"Sisa? Sisa tawag mo sa'kin?" Inosente nitong tanong.

"Ay sorry, hindi mo ba kilala yun? Anyway, hindi ko kasi alam itatawag sa'yo." Sagot nito habang napapakamot sa kanyang batok. 

Hindi na lamang ito pinansin ni Meryl at lumakad na lamang papunta sa ref upang kumuha ng isang basong tubig. 

"A-ayos ka lang ba?" Kabadong tanong ni Japs at naglakas-loob muling lapitan si Meryl. 

Sa sobrang hilo ay hindi na rin nakasagot pa si Meryl. Ramdam niya ang panghihina ng kanyang katawan kaya naman minabuti niyang itulog na lamang ito. 

"Matutulog ka na?" Tanong ulit ni Japs kasabay ng paghiga ni Meryl sa kanyang kama. "Uh, sabi ko nga, matutulog ka na. Nakahiga ka na." Napakamot na lamang sa ulo si Japs dahil sa unang pagkakataon ay kinakausap niya ang hangin. 

***

Nagkakagulo sa  college of engineering. Kalat na sa buong unibersidad ang pagkamatay ni Prof. Draco, ngunit wala pa ni isa ang makapagsabi kung sino ang may gawa nito. 

Ayon sa nag-iimbestiga ng kaso, si Professor Draco ang huling tao sa faculty at siya ring nagpatay ng CCTV kaya naman wala silang accurate illustration ng krimen, pwera na lang kung may witness. Sa ngayon ay mga estudyante ni Draco ang lead ng mga pulis. Base sa mga nakalap na impormasyon, may record na ang professor na nananadya ng mga babaeng estudyante sa dati nitong eskwelahan.

"Vince ano ba?! Sagutin mo nga ako!" Galit na sabi ni Zayne sa kabila ng crisis na kinakaharap ng kanilang unibersidad ngayon. 

Nakatambay lamang sa hallway si Vince nang sugurin siya ng kanyang 'trophy' girlfriend. Wala itong imik, dahil hangga't maaari ay ayaw na niyang patulan pa si Zayne. 

Sa loob-loob niya ay hindi rin niya gustong masaktan pa ang babae, ngunit kailangan niyang gawin dahil ito ang gusto ng Alpha Beta.

"Bakit biglaan, Vince? Nu'ng isang araw okay naman tayo 'diba? Anong nangyari?!" Sunod-sunod nitong tanong na natuloy na sa paghikbi sa sobrang bigat na ng kanyang nararamdaman. 

Marami na rin naging nobyo si Zayne, ngunit sa lahat ng lalaking nakilala niya ay si Vince lamang ang sa tingin niyang pinakanahulog siya. At ngayon, hindi na niya alam kung saan na siya pupulutin gayong iniwan na lamang siya sa ere.

Nasanay kasi siyang siya mismo ang nang-iiwan, not knowing na mas masakit pala ang layuan at hindi na kausapin ng taong mahal mo. 

"Nu'ng mga panahong hindi na 'ko nagpaparamdam," Finally ay nakaisip na rin ng isasagot si Vince. "those were the times when I was thinking how to break up with you."

"How selfish of you, Vince! Iniisip mo na 'yun without even telling me first, without even telling me what's wrong so we can work things out together?" Umiiyak na sagot ni Zayne, "Sana man lang kinausap mo 'ko. Tapos malalaman kong may bago ka na agad?! If I know pinagsabay mo pa kami!"

"What do you mean? Anong bago?" Pagtataka ni Vince.

"Pwede ba Vince 'wag mo nang i-deny!" 

Hindi pa tapos magsalita si Zayne at balak na sanang hampasin ng bag si Vince sa sobrang inis nito nang bigla na lamang dumating si Japs.

"Hoy Vince!" Malakas at may galit ang pagkakasabi ni Japs at sinuntok na lang bigla ang kaibigan. 

Napatumba si Vince at napahawak sa kanyang kanang pisnig kung saan siya sinuntok. Agad naman itong tumayo upang harapin si Japs.

"What the- anong problema mo?!" May tumulong dugo sa gilid ng labi nito, ngunit hindi na niya ito alintana. Mas nangingibabaw ngayon ang inis at pagtataka sa ginawang pagsugod ng kanyang tropa. 

Hindi pa nga tapos si Zayne ay may dumating nanamang panibago. 

"Anong, anong problema? Mambababae ka na nga lang, hindi mo pa alam protektahan!" Bintang ni Japs. Sinisisi niya si Vince sa nangyari kay Meryl.

"Ano bang sinasabi mo? Walang akong babae." Depensa ni Vince. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit pinagpipilitan ng dalawa na may babae siya. In the first place, kailangan approved muna ng Alpha Beta kung sino man ang balak niyang ligawan.

"Why do you still deny it Vince? Pati tropa mo alam na may babae ka. Don't tell me may iba pa? Kaya hindi mo na alam kung sino 'yung sinasabi namin?" Tugon naman ni Zayne, still sobbing. Ito na ang pinakamahaba niyang iyak nang dahil sa lalaki. 

Hinigit ni Japs ang kwelyo ng tropa. Naiinis ito sa kapabayaang ginawa, at ngayon wala pang balak aminin ang tungkol sa kanila ni Meryl. 

"For God's sake Vince, she was almost raped because of you," 

Maging si Zayne ay nagulat sa narinig. Agad nitong naalala ang balita tungkol kay Professor Draco. 

"Vince!" Bago pa man masuntok muli ni Japs ang kaibigan ay dali-daling lumapit si Meryl at pinaghiwalay ang dalawa. 

Bagamat nakasimangot ay agad nagtaka si Japs dahil mukhang nanumbalik kaagad ang sigla ng babae. Walang bahid ng trauma, as if wala na siyang maalala tungkol sa nangyari kahapon. 

"Ano bang ginagawa niyo?" Inosenteng tanong ni Meryl. "Okay ka lang ba, Vince?" Inayos nito ang kwelyo ni Vince. 

Lumakad na lamang paalis si Zayne at baka kung ano pa ang magawa niya. Halong galit at sakit ang kanyang nararamdaman, kaya kung patuloy pa niyang papanoorin ang dalawa ay baka mawala na siya sa sarili. 

"W-wait, Meryl, stop." Mariing tugon ni Vince at inalis ang kamay ni Meryl. Hindi na talaga nito nagugustuhan ang kinikilos ng kaibigan. 

Meryl pala ang pangalan niya, bulong naman ni Japs sa sarili. 

"Siya ba, Japs? Siya ba 'yung sinasabi mong babae ko?" Iritableng tanong ni Vince. 

"Hindi ba?" 

Sa una ay sarcastic na napangiti lamang si Vince, hanggang sa napatawa na lamang ito. Iyong tawa na may halong inis, galit, at lungkot. Iyong tawa na may panghihinayang at puno ng pagtatanong ngunit kinalimutan na lamang ang pagnanasang magkaroon ng kasagutan. 

Ngumiti si Meryl, na para bang iniisip niya ay natuwa si Vince sa kanyang ginawa. 

"Babae ko ha? Kailan pa?" Iyon na lamang ang huling sinabi ni Vince bago lumakad paalis. 

Hahabulin pa sana ni Meryl ito ngunit agad siyang hinawakan ni Japs sa braso upang pigilan. "Sisa, 'wag mo nang sundan. Hayaan mo na muna siya." 

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon