Chapter 12

1K 46 0
                                    

"Mr. Fermano, late ka nanaman?" Striktong komento ng kanyang propesor. Pangalawang beses na niya ito nagiging prof. Isa kasi ito sa mga subject na binagsak niya.

"Paano kita ipapasa niyan kung sa first and second meeting pa lang natin ay thirty minutes late ka?"

Kainis, ipapahiya nanaman ako ni tanda. Dumeretso lamang ng lakad si Vince para maghanap ng bakanteng upuan. As usual, doon siya sa likod pumwesto.

Nagtaka naman ang prof nang makita ang isang babaeng sumusunod sa kanyang estudyante.

"Miss, estudyante din ba kita?" Tanong nito. Sa isip-isip niya ay hinihiling niyang estudyante niya ito dahil una pa lang ay nakakabighani na nga ang kanyang kagandahan.

"Hindi po, sinamahan ko lang po 'yung boyfriend ko," masiglang sabi ni Meryl na ikinainis ng professor.

Sa lahat pa ng magiging boyfriend niya, iyong batugang estudyante pa niya.

Nagtawanan at nagbulungan naman ang mga kaklase ni Vince sa naging sagot ni Meryl.

"Ah, kaya ka pala late, Mr. Fermano. Puro ka kasi landi." Masakit talaga magsalita ang professor, si Dr. Draco, lalo na kung ayaw niya sa estudyante.

"Hindi po! Ako po talaga 'yung lumandi sa boyfriend ko," agad dumepensa si Meryl, "niyakap ko po siya, tapos nagka-holding hands kami sa hallway,"

Naputol ang mga sinasabi ni Meryl nang bigla itong hinila ni Vince sa bakanteng upuan katabi niya.

Hindi na napigilan ng mga estudyante ang matawa sa ka-weirduhan ng babae.

"Stop it, will you?" Inis na tugon ni Vince. Masyado na silang nakakuha ng atensyon. Ito pa naman ang ayaw na ayaw niya.

"Sorry sir, promise hindi na po siya mag-iingay," sabi na lang nito, at pinalampas na lang muna ng professor.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Nagtatakang tanong ni Vince nang mapansin niyang kanina pa nakangiti at nagnanakaw ng tingin ang dalaga.

"Hinawakan mo kasi 'yung kamay ko kanina, nu'ng hinila mo 'ko."

"Just why," bulong ni Vince sa sarili at napa-face palm na lang.

Hindi niya talaga maintindihan si Jan, na ngayon ay si Meryl... kahit kailan.

***

"Danes, Meryl?"

Tinawag ni Dr. Draco ang pangalan ng estudyanteng pumukaw sa kanyang atensyon nang i-dismiss ang klase.

Hindi naman agad nakasagot si Meryl dahil abala ito sa pagtitig kay Vince. In fact, buong klase siyang naka-kalumbaba habang pinagmamasdan ang lalaki.

Si Vince naman ay hinayaan at tiniis na lang muna ang ganoong scenario para na rin hindi siya pag-initan ni Dr. Draco.

"Ms. Danes?" Inulit ng propesor ng mas malakas, buti na lang at tumayo na rin si Vince upang umalis, kaya nakuha na nito ang atensyon ni Meryl.

"Yes, sir?" Sagot nito na bahagyang susundan na sana ang kanyang 'boyfriend', ngunit ginamit ng propesor ang kanyang kamay upang sumenyas na palapitin ito.

Lumapit naman ang dalaga, at sinamantala naman ito ni Vince upang makawala at makatakas mula sa kanya.

Kailangan niya munang huminga at mag-isip, dahil pakiramdam niya ay nasasakal na siya ng bagong Meryl.

Nagka-amnesia ba siya kaya nag-iba ang kanyang personality? Nabaliw kaya siya? Ito ang ilan lamang sa mga 'weird' na katanungang tumatakbo sa kanyang pag-iisip.

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Where stories live. Discover now