Chapter 35

768 32 0
                                    

Hindi alam ni Japs kung bakit siya pinatawag sa university director's office, in other words, sa opisina ng kanyang ama. 

Imposible namang tawagin siya para lang sabihin ng kanyang ama na pwede na ulit siya at ang kanyang ina na tumira sa mansyon nito, dahil pwede naman niya itong puntahan sa kanilang bahay-- na malabo namang mangyari. Umaasa naman siyang naayos na ng kanyang ama 'yung insidente kay professor Draco kaya hindi na sana ito tungkol pa du'n.

"Have a seat," pormal na tugon ni Mr. Hernandez at pinaupo ang kanyang anak sa upuan katapat ng malawak nitong lamesa.

Sa kabilang upuan ay naroon si Dr. Gail. Namumukhaan lang siya ng kaunti ni Japs, ngunit dahil hindi naman nito talagang nakausap ang forensic scientist noong tinulungan niya si Meryl ay hindi niya ito gaanong natatandaan.

"John Patrick? I'm Dr. Gail."

"JP na lang po, sir." Sagot ni Japs at tinanggap ang inaalok na shake hand ng scientist.

"Dr. Gail wants to meet your friend, Meryl Danes. I would prefer to call her over, but he insisted to meet you first." Paliwanag ni Mr. Hernandez.

"Ah, regarding that, I do need your help, JP. I'm certain that Meryl Danes will make a good topic for my case study. I've done my background research, all I need is her agreement."

Kumunot ang noo ni Japs. "Bakit mo pag-aaralan si Meryl?" Sa isip-isip nito ay posibleng may alam na ang doctor sa kakayanan ng kaibigan. Ngunit isang beses pa lang naman sila nagkita, at hindi naman basta-bastang ginagamit 'to ni Meryl.

"You see, I know her doctor, Dr. Yago. Alam kong mas may alam ka tungkol sa kanya, at may tiwala na siya sa'yo. The very reason why I need your help."

"I don't think I should be the one you're talking to, Dr. Gail. Hindi ho ba mas maganda kung parents niya ang kausapin niyo?"

"I need her to agree with this study personally, and I need you to convince her." Hinila niya ang tatlong papel na naka-staple mula sa kanyang folder, pagkatapos ay inabot niya ito kay Japs.

"You may read this proposal and convince her to sign it. She has to willingly sign it."

Tinanggap naman ito ni Japs. Pakiramdam niya ay hindi naman siya pinapakinggan ng doctor kahit anong excuse pa ang sabihin niya. 

"Susubukan ko po."

"Meryl trust you the most, kaya ikaw ang nilapitan ko." Seryosong sambit ni Dr. Gail. He's done his research. Kilala din niya ang boyfriend ni Meryl na si Vince Fermano, ngunit hindi niya ito pwedeng lapitan dahil sa maraming dahilan. 

Tulad na lamang ng pagkakasangkot ng love chip, at ng pamilyang Fermano, Danes, at Villegas.

Naniniwala din si Dr. Gail na alam ni Japs ang iba pang lihim ni Meryl lalo't sila ang magkasama noong mangyari ang insidente kay professor Draco.

***

Nang lumabas sa opisina ay kunot-noo niyang binabasa ang proposal habang naglalakad sa hallway. Ngunit halos hindi naman niya ito masyadong maintindihan kakaisip sa sinabi ni Dr. Gail.

"Meryl trust you the most, kaya ikaw ang nilapitan ko." 

Ha. Pa'no naman mangyayari 'yun, e mas kailangan nga niya si Vince. Tugon niya sa sarili.

"Meryl!"

Nang marinig niya ang pangalan ng babae ay napaangat ang kanyang ulo. Ilang hakbang na lang pala ang distansya nila sa isa't-isa. 

Papasok na kasi sa klase si Meryl nang mahagilap ng kanyang mga mata si Japs. Walang pinagbago, palagi itong nagbabasa. Lalapitan niya sana ito nang sa kaliwang bahagi ay tinawag naman siya ni Oz. Hindi talaga tumitigil ang lalaki kakakulit sa kanya, maging sa text.

Muling tumingin si Meryl kay Japs habang palapit ang Alpha Beta sa kinatatayuan niya. Ngunit nang mag-iwas ng tingin ang lalaki, tumalikod, at lumakad na lang paalis ay halo-halong emosyon nanaman ang kanyang naramdaman. 

Nalulungkot siya dahil tinupad na nga ni Japs ang pangakong iiwasan siya. Nalulungkot siya dahil wala nang tumatawag sa kanyang 'Sisa' kahit hindi naman ito ang kanyang pangalan.

"Meryl, may gagawin ka ba after class?" Tanong ni Oz habang napapakamot sa kanyang batok. Sinabihan kasi siya ni Jobert na cool para sa mga babae tuwing ginagawa ito ng mga lalaki. 

"Boss, ayusin mo naman, nagmumukha kang unggoy," natatawang bulong ni Ivan habang nagpipigil ng tawa. Nakahawak pa kasi si Oz sa kanyang tyan.

"G*go ka ah! Ako ba'ng sinasabihan mong unggoy?!" bulyaw ni Oz at tinulak ang kasama. Hanggang sa naalala nitong kaharap nga pala niya si Meryl.

"Wala na ba kayong matinong sasabihin? May klase pa kasi ako."

"Meron! Meron pa! Ah, 'yung tanong ko? After class?"

"Madami e. Tsaka alam mo namang kami ni Vince, 'di ba? Kasama ko siya pag-uwi ko." 

Napahawak si Oz sa kanyang puso na para bang isang pana na may lason ang tumama dito. 

"Una na 'ko ha," Tumalikod na si Meryl para maglakad.

"Wait!" Humabol si Oz at hinarap ang babae. "Pa'no mo nalamang Oliver ang pangalan ko?"

"Tinext mo sa'kin, 'di ba?"

Tumingin si Oz kay Jobert, nilabas ang phone at sa wakas nagkaroon na din ng lakas ng loob basahin ang mga message na pinagsesend ng tropa. 

Habang kumukulo na ang dugo ni Oz ay umalis na si Meryl at baka masangkot pa siya sa gulo ng Alpha Beta.

"Oy Jobert! Ano 'tong salitang alien!" Sigaw ni Oz at hinabol si Jobert na pinanghaharang ang mga kasama upang hindi siya malapitan ng kanilang leader.

"Boss uso 'yan!"

"Jeje 'to e! Noong unang panahon pa 'to! Pinagloloko mo talaga akong g*nggong ka!"

"Boss move on na. Hindi ka na talaga magugustuhan no'n. Sirang-sira ka na." Tugon ni Carl na tinanguan naman ng karamihan.

"Kaya wala kaming tiwala kay Jobert e. Siya lang naman nakakaintindi ng lengguahe niya." Dagdag pa ng isa nilang miyembro. 

***

Nakatulog si Japs sa bench na kanyang hinihigaan. Nagising na lang siya nang may naririnig siyang iyak mula sa 'di kalayuan. Tinignan niya ang oras, alas sais na pala. 

Knew it. Si Sisa lang naman ang palaging nang-iistorbo sa'kin. Bumangon si Japs at pinulot ang librong nahulog niya nang makatulog siya.

Kung normal lang sana lahat at walang alam si Japs sa posibleng mangyari kay Meryl, malamang nilapitan na niya ito at pinakinggan sa kung anong problema nanaman ang meron siya. 

Ngunit hindi na niya pwedeng gawin pa ito. He can't be selfish. He has to let Vince do it. 

Tumayo siya at naglakad pabalik ng campus. Sakto namang nakasalubong niya sa hallway si Vince at mukhang may hinahanap. Parang dati lang, si Sisa ang hanap ng hanap sa kanya. Sambit ni Japs sa sarili.

"Nasa abandoned playground siya." Pagkasabi noon ay lumakad na rin siya paalis.

"Thanks, Japs."

Nang makalayo na si Vince ay saka lamang niya naalala ang proposal letter. Sa isip niya ay sana pala pinaabot na lang niya ito kay Vince. 

"Meryl?"

Nakatayo na rin ang dalaga at mukhang pabalik na din pagdating ni Vince. Ngumiti ito sa binata. 

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Vince.

"Ah, I took photos. Para lang sa assignment ko." 

Inalis ni Vince ang kanyang jacket at ipinatong ito sa dalaga. "Let's go?"

"Tara. Let's go home." Sagot ni Meryl. 


The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Where stories live. Discover now