Chapter 22

850 37 1
                                    

Bago pa makarating si Meryl sa engineering department ay agad siyang umikot at lumakad pabalik. Hindi niya maintindihan kung bakit ganu'n na lang kalakas ang tibok ng puso niya tuwing naaalala nanaman niya ang nangyari kahapon.

Umalis na lang kasi si Japs na walang sinabing kahit ano, kaya pati siya ay litong lito. Napahinga siya ng malalim at napagdesisyunang sa iba na lang dumaan papunta sa kanyang classroom.

"Sisa?"

Nang marinig iyon ni Meryl ay nanigas nanaman siya sa kanyang kinatatayuan. Dahan-dahan niyang inikot ang sarili upang harapin ang lalaking kahapon lang ay kasama niya.

"Alam mo para kang pusang binuhusan ng malamig na tubig," natatawang sabi ni Japs at ibinaba ang nakataas na balikat ni Meryl. "Himala ha, hindi mo ba pupuntahan si Vince ngayon?"

"H-ha?" Pagtataka nito at parang wala sa sarili. 

"Tao ka rin pala Sisa," Natatawang sabi ni Japs, "namumula din," Sa sobrang pula kasi ni Meryl ngayon ay tila nagmumukha na itong kamatis.

"Meryl," mula sa hallway ay lumakad palapit si Vince sa dalawa. Agad namang inalis ni Japs ang kanyang kamay mula sa balikat ng babae. 

Hindi pa nag-uusap ang dalawang binata simula nang sila'y nagkainitan. 

"Hatid na kita sa room mo," tugon ni Vince at hinila palayo si Meryl.

"Vince?" Hindi alam ni Meryl ang sasabihin, lalo pa't ito ang unang pagkakataong si Vince ang unang lumapit sa kanya. 

"T-teka, ako, ihahatid mo?"

"Oo," mabilis na sagot ni Vince, "girlfriend kita, 'di ba?" Nang sabihin niya iyon at itinuon niya ang tingin kay Japs na para bang may gusto itong ipahiwatig.

Mas lalo namang bumilis ang tibok ng puso ni Meryl, ngunit nang lumakad na sila paalis ay nakaramdam ito ng lungkot habang pinagmamasdan si Japs. 

Habang naglalakad ang dalawa sa hallway, hindi maiwasan ng ibang estudyanteng ma-intriga lalo pa't kilala si Zayne bilang girlfriend ni Vince. 

At bago pa sila makarating sa room ni Meryl ay hindi inaasahang nakasalubong nila si Karen, at ang ex ni Vince na si Zayne. 

Napahinto ang binata sa harap ng dalaga, na hindi naman makapaniwalang ka-holding hands pa talaga ni Vince ang babaeng pinaniniwalaan niyang nang-agaw lang naman.

"Zayne, tara na," himok ni Karen dahil alam naman niyang masasaktan lang ang kaibigan. Ngunit bago lumakad paalis si Zayne ay malakas na sampal muna ang inabot ni Vince.

Hindi na kumibo pa ang lalaki, at muling hinila paalis si Meryl na para bang walang nangyari. 

"Vince!" Nang medyo nakalayo na sila ay tinigil ni Meryl ang paglalakad. Huminto din ang lalaki, binitawan ang kamay ni Meryl at bigla na lamang sinipa ang maliit na bato sa harapan. 

"Tama ba ang narinig ko kanina? Girlfriend mo 'ko?"

"Di ba yun naman gusto mo? Ang maging girlfriend ko?"

"Pero bakit ka malungkot? Bakit ka naiinis?"

Iniwas agad ng binata ang tingin nito mula kay Meryl, na malakas ang kutob na dahil ito kay Zayne. 

"Mahal mo siya?" Masakit marinig  ang totoo, pero sa hindi maintindihang dahilan ay gustong marinig ni Meryl ang sagot. "Mahal mo pa siya? Kaya ka ba nagkakaganyan?"

Walang kibo si Vince at napayuko na lamang. Naiinis siya sa sarili niya dahil mukhang nababasa ni Meryl ang kanyang emosyon. 

Hanggang sa mabigat na paghinga ang kanyang ginawa bago muling nagsalita, "Kaya mo ba 'kong tulungan?" Tanong nito at nagawa na muling tumitig. "Kaya mo ba 'kong tulungan na kalimutan siya?"

Humakbang palayo si Meryl at maingat na niyakap ang lalaki. Isinandal din nito ang ulo ni Vince sa kanyang balikat. 

Kalahati ng kanyang puso't isipan ay umaayon sa mga kinikilos niya, ngunit kalahati din ang hindi. "Kaya ko. Kaya ko, Vince."

***

"Meryl, anak!" Gulat na wika ni Mia nang buksan niya ang gate at makitang si Meryl pala ang kanina pa sa doorbell. 

Alas onse na rin kasi ng gabi, at wala pa ang kanilang kasambahay kaya walang nakapagbukas kaagad ng gate. Si Levi naman ay bukas pa ang dating mula sa isang business trip.

"Halika, pasok ka. Ano ba'ng nangyari? Bakit biglaan ang uwi mo?" Pagtataka ni Mia saka pinapasok ang anak. "May gusto ka bang inumin? Tubig? Juice?"

Nakaramdam ng kaba si Mia habang tinititigan ang anak. Ramdam nitong may mali dito at natatakot itong baka magkatotoo na ang findings ni Dr. Yago at ilang predictions nito sa kaso ni Meryl. 

"Mommy..." Mahinang tugon ni Meryl. "Pwede po bang mahati ang puso?"

Napakunot ng noo si Mia. Inilapag niya ang tubig sa lamesa  at saka umupo katabi ni Meryl. "Anong ibig mong sabihin Meryl? May nangyari ba?"

"Gusto ko po si Vince, mommy. Simula nu'ng magising ako, siya lang naman ang laman ng isip ko. Pero hindi ko alam kung bakit... kung bakit may iba akong iniisip ngayon."

"Sino 'yung iba? May iba ba bukod kay Vince?" Napalunok sa kaba si Mia habang hinihintay ang magiging sagot ng anak.

Tumango si Meryl. Sa lahat naman ng tao, kampante siyang sabihin ito kay Mia. "Baka po nalilito lang ako. Pero kasi kanina, nu'ng umiwas siya, sobra akong nalungkot. Nasanay kasi akong kausap at kasama siya."

"Pwede ko bang malaman kung ano'ng pangalan niya?" Tanong ni Mia. 

"Japs po, John Patrick. Siya nga po 'yung anak ng director namin, pero hindi yata sila close." Bahagyang napangiti si Meryl nang maalala nanaman niya kung pano siya ipagtanggol ng binata.

"Alam mo anak, hindi talaga maiiwasan ang minsang maguluhan pagdating sa pag-ibig. But I'm going to be honest with you here, Jan Meryl. For your own sake." Hinawakan ni Mia ang dalawang kamay ni Meryl na para bang nagmamakaawang pakinggan siya nito. 

"You're a programmed girlfriend. When you were in a coma, ginawa ang lahat ni Dr. Yago para sa treatment mo..."

"Kasama po ba 'yung pag-manipulate sa emotions ko? Kaya po ba kahit ayaw na minsan ng utak ko, sunud-sunuran pa rin ako kay Vince? Mommy, a lot of times I'm really not sure of what's going on with me. Hindi ko na nga po alam minsan 'yung kinikilos ng katawan ko. I know that something's off, and I'm too intellectual to figure it all. My heart may be programmed, but somehow a part of me still wants to be a real person. My mind thinks differently."

Tumayo si Meryl upang lumakad na papunta sa kanyang kwarto, habang si Mia ay napatulala na lang sa gulat. Hindi nito mabasa o maintindihan kung ano talaga ang iniisip ng kanyang anak, ngunit sa ngayon ay isang plano ang nangingibabaw sa kanyang isip. Kailangan niyang mapalayo si Meryl kay Japs sa kahit anong paraan. 

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon