Chapter 37

742 37 3
                                    

Somehow, love finds its own way to reconnect two souls in need of each other. 

Tungkol sa love at fate ang usapan sa FM radio na pinapakinggan ni Japs. 

Kagagaling lang niya sa birthday party ng kanyang kapatid, at laking gulat na lang niya nang bigyan siya ng kanyang ama ng isang sasakyan na para bang siya ang may kaarawan. 

Alam niyang pinaglumaan lamang ito ni Luis, ang kanyang kapatid na mas bata sa kanya ng dalawang taon, ngunit malaking bagay na ito para sa kanya dahil kahit paano, ramdam niyang inaalala pa rin siya ng kanyang ama. 

Nagkataon rin namang nagka-inuman ng kaunti kaya late na rin siyang nakaalis. At para mas mapabilis ang byahe niya ay nag shortcut na siya. Malamang nag-aalala na rin ang kanyang ina.

But although fate can lead you to where you should be, it still depends on the choices we make.

Ililipat na sana ni Japs ang radyo nang mahagip ng kanyang tingin ang isang babaeng may mantsa ng dugo sa kanyang damit.

Nananaginip ba 'ko?

Multo ito Japs, bakit ka huminto, tanga ka ba?

Ngunit binagalan lamang niya ang pag-andar hanggang sa tuluyan na nga siyang huminto sa tabi ng babaeng nakayuko, at may hawak pang maleta.

Paano kung kailangan niya talaga ng tulong at kung sinong loko pa ang kumuha sa kanya?

Ugh. Bahala na nga! Tatawag na lang ako ng pulis 'pag may nangyaring masama.

Nagdasal ito bago bumaba at sinigurong nasa bulsa ang kanyang phone. "Miss?"

"Tulong..." mahinang tugon ng babae.

Nahinto si Japs at dahan-dahang lumuhod. Pamilyar ang boses ng babae. Maingat niyang inangat ang ulo nito.

"Meryl..." hindi siya makapaniwala sa nakikita. "Good God, Meryl!" Agad niya itong niyakap at binuhat. Inupo niya ito sa front seat, at ang kanyang maleta sa likod ng sasakyan. 

Habang kinakabitan niya ng seatbelt ang dalaga ay hindi niya mapigilan ang sariling mapatingin sa kalagayan nito. "Meryl?"

Napaubo ito ng kaunti at may dugo nanaman tumulo mula sa kanyang bibig. Hindi sapat ang tissue na pinunas ni Japs, kaya inalis na lamang niya ang kanyang jacket at ipinatong ito kay Meryl.

Binuksan ni Japs ang isang bote ng tubig na nasa gilid ng sasakyan. "Meryl, tubig," 

Uminom naman si Meryl at nagawa pa ring dumilat ng kaunti, ngunit mas pinipili na lamang niyang pumikit dahil sa panlalabo ng kanyang mga mata.

Hinawakan ni Japs ang pisngi ng dalaga at maingat na hinalikan ito sa noo. Kinakabahan ito sa pwedeng mangyari, kaya kailangan niyang maging matatag.

"Japs," Pakiramdam lamang ni Meryl na si Japs ang kanyang kasama at tumutulong sa kanya ngayon, ngunit wala pa rin siyang kasiguraduhan. "Wag mo 'kong iiwan... please."

Hinawakan ni Japs ang kamay ni Meryl at pinisil ito. "I won't. I will stay with you Meryl, so stay with me too, huh?" 

Halos mabaliw na si Japs kakaisip sa kung ano ang nangyari. 

Halos mabaliw na siya kakaisip na kung hindi siya dumating sa ganitong oras ay baka hindi na niya naabutan pang buhay ang babae. 

Dahil sa hindi naman niya alam ang bahay ni Meryl ay dinala niya muna ito sa kanila kung saan mas mababantayan niya ito. Wala na siyang balak tawagan pa si Vince, dahil malakas ang kutob nitong siya ang may kagagawan kung bakit nasa kalagitnaan ng daan si Meryl ng ganitong oras. 

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Where stories live. Discover now