Chapter 25

828 42 2
                                    

"Sh*t! Sh*t!"

Sunod sunod ang pagmumura ni Japs nang makita ang kalagayan ni Meryl. Hindi naka-lock ang pinto kaya agad itong nakapasok.

"Uy, Sisa! Gising!" Puno ng pangamba niyang sambit habang nakahawak sa balikat ng dalaga. Nang wala itong maramdamang pag-galaw ay minadali na lang niyang buhatin ito upang dalhin sa pinakamalapit na ospital.

***

"Sir, kami na po ang bahala, hanggang dito lang po kayo," wika ng nurse sa emergency room, "paki-hintay na lang po ang pasyente dito."

Napahawak sa ulo si Japs kasabay ng pag-upo niya sa waiting area. Hindi niya maiwasang mangamba at mag-panic sa dinatnang sitwasyon ng kaibigan. 

"Ano nanaman ba'ng nangyari sa'yo, Sisa?" bulong nito sa sarili.

Naalala niyang wala pa nga pala siyang masyadong alam kay Meryl, kung kaya't naglakas-loob na lang siyang tawagan ang kanyang ama. Mas may kakayahan naman itong kumuha ng impormasyon gayong direktor siya ng unibersidad.

"JP? Napatawag ka? Anong oras na?" May halong antok na sambit ng kanyang ama sa kabilang linya.

"Ah, sir kasi..." Minsan lang niya matawag na 'Tatay' o kaya 'Daddy' ang kanyang ama. Sa katunayan, hindi pa nga siya sigurado kung ano ba ang dapat itawag dito gayong hindi naman sila madalas mag-usap.

"Nasa ospital po 'yung kaibigan ko, e emergency po. Wala akong ibang alam tungkol sa kanya bukod sa pangalan niya. Baka ho pwede akong humingi ng tulong sa pag-contact ng parents niya."

"Pwede naman, kaya lang anong oras na ngayon, for sure tulog na 'yung sekretarya ko. Anyway, ano bang pangalan?"

"Jan Meryl Danes po,"

"Aah..." bahagyang napatigil ang direktor nang maalalang siya ang babaeng minsan nang niligtas ng anak. "Okay, I'll contact Ms. Reyes for her record. But I can't promise you na magagawa niya 'yun ngayong madaling araw. Siguro bukas ng umaga map-process 'yun agad at siya na mismo ang co-contact sa parents ng kaibigan mo."

"Sige po, I'll stay with her po muna. Thank you po,"

Ibinaba na rin ni Japs ang kanyang phone pagkatapos nilang mag-usap. Gusto man sana niyang bumalik sa dorm ni Meryl upang tignan ang kanyang ID ay hindi niya magawa. 

Mas pipiliin niyang manatili at hintayin ang magiging resulta ng operasyon.

***

"Apraxia, Mr. Danes. This is the worst neurological condition that your daughter can acquire." 

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Dr. Yago sa kanyang pakay. Pag-uwi niya sa Pilipinas ay si Levi kaagad ang tinawagan niya upang makipagkita sa isang coffee shop sa Manila. Dahil dito ay kinailangan din munang i-cancel ni Levi ang ilang appointments niya. 

"What kind of condition is that, Doc? Ang sabi mo may iba ka pang findings, ano ba 'yun? I want to know everything." 

Even though Levi never dreamt of becoming a doctor, a scientist, neurologist, or obtaining any degree of sort, his fate somehow makes him touch the field anyway. 

Hinalo ni Dr. Yago ang kape, uminom ng kaunti, saka muling nagsalita, "I'm pretty sure you know the two hemispheres of our brain. When the right hemisphere dominates the other, it produces creativity; the left hemisphere is dominant when the person is inclined to numbers, logic, science."

Tumango lamang si Levi. "Yes, yes... I'm aware of that, Doc. In fact, base sa observation namin ni Mia, Jan-- I mean Meryl, is more interested in science and logic."

"No, Levi. Your daughter uses both. You see, the mercy killing chip has activated Meryl's left brain the moment she was born. And what's in it? Logic, analytic thought. Apparently it was very dominant that she could only release 5% of her emotions. But the love chip I injected balanced the 100 billion neuron cells inside here, thus activating the right hemisphere, and the amygdala which is responsible for human's feelings.

The 10% brain use was considered a myth years before by scientists. It was later discovered that humans can actually use their brains as much as a hundred percent. But from my findings, Meryl exceeds to a hundred and five percent."

Napalunok na lamang si Levi at muling uminom ng kape. Bagama't nasusundan naman niya ang mga sinasabi ni Dr. Yago, hindi maalis sa kanyang isip ang pangambang maaari pa ring mamatay ang kanyang anak.

"A normal human being can only look at things, through the occipital lobe. But Meryl can move things."

"M-move... things?" Halos mabilaukan na si Levi sa kanyang narinig.

"Exactly." Sagot ni Dr. Yago, "but everytime she uses this, the strength exerted creates trigger between the chemicals of the two chip, which weakens her human body. 

And Levi, I think what I'm about to tell you is similar to Mia's case back then. The love chip only recognizes one person in both your daughter's heart and brain. That's Vince. If she doesn't get to be with him, the mercy killing chip will dominate, thus Meryl... will have the neurological disorder. "

Hindi na ito ang unang beses na marinig ni Levi ang consequence ng love chip. Ngunit ngayon niya lang nalaman ang lahat lalo na ang background findings ni Dr. Yago tungkol dito. 

"Is your daughter doing well?" Sumandal si Dr. Yago sa kanyang upuan at saka pinagpatuloy, "with Vince?"

"I believe so, Doc." Kampanteng sagot naman ni Levi. "Masaya naman siya nu'ng huling nakausap namin siya."

"That's good then, because that's the only way for this treatment to succeed."

***

Hindi na dumaan pa si Levi sa kanyang office at dumeretso na lang sa bahay. Alas singko na rin naman ng umaga, at pwede naman niyang ipadala na lang 'yung mga naiwan pa niyang gamit.

Wala pa halos siyang tulog sa dami ng workload; nadagdagan pa ng problema niya sa kanyang anak na si Meryl.

Pagka-park nito ng sasakyan ay muli niyang ni-lock ang gate at pintuan, saka umakyat sa kanilang kwarto at tinabihan si Mia. 

Isiniksik nito ang sarili at mahigpit na niyakap ang kanyang asawa. Bahagya namang nagising si Mia, umikot ng pwesto at marahang hinimas ang buhok ng lalaki.

"Alam mo para kang si Meryl, bigla-bigla na lang dumadating." Pabulong nitong sabi, half-asleep.

"Galing siya dito?"

"Mmhhm," tugon ni Mia, "tinanong niya kung posible bang magkagusto sa dalawang lalaki..."

Itinaas ni Levi ang ulo at tinignan ang asawa. "Dalawa...? Sino 'yung isa?"

"John Patrick daw 'yung pangalan. Hindi ko nga alam kung pa'no nangyari e,"

Umupo si Levi sa kama at napahawak sa kanyang ulo, na para bang isang malaking pagkakamali ang narinig. "Anong sabi mo?"

Sumunod din na bumangon si Mia, at isinandal ang likod sa headboard. "Sinabi ko sa kanyang isa siyang programmed girlfriend, na hindi siya pwedeng magkagusto sa iba."

"Hon naman, bakit mo sinabi 'yun? Alam mong iba mag-isip si Meryl! Sa tingin mo ba maiintindihan niya kung ano mang ibig sabihin ng programmed girlfriend na 'yan?"

"Hahayaan na lang ba natin siyang mamatay?" Naiiyak na tanong ni Mia. "Ano pa ba'ng dapat nating gawin, Levi?"

Agad namang lumabot ang puso ni Levi nang marinig ang mahinang paghikbi ng asawa. Tinabihan niya ito at hinagkan si Mia sa kanyang bisig. 

"We'll find a way, hon," tugon nito at hinalikan ang asawa sa kanyang noo. "Tayo pa ba?"

Alam ng mag-asawa na hindi magiging madali ang lahat, ngunit sa dami na ng mga pagsubok na nalagpasan nila, alam nilang makakaya't-makakaya nila ito lalo na't magkasama sila.

***

AN: Hi Guys! Nabasa niyo na ba ang kwento nila Mia & Levi? Kung hindi pa, P120 lang po sa National Bookstores ang Programmed Girlfriend <3 Hahaha.


The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Where stories live. Discover now