Chapter 31

815 38 1
                                    

Habang inaayos na ni Levi ang discharge papers ng kanyang anak ay tinawag muna ni Mia ang kaibigan ni Meryl na si Japs. Sinabi nitong magpapatulong lang siyang dalhin ang mga gamit sa sasakyan, ngunit ang totoo niyan ay gusto lang talaga niyang makausap ito ng one on one.

"Thank you JP ha, sa pagbabantay sa anak ko," sabi ni Mia pagkatapos mailagay ni Japs ang bag ng mga gamit ni Meryl sa likod ng sasakyan.

"Wala po 'yun. Isa pa, andu'n naman po si Vince." sagot nito habang napapakamot sa kanyang batok. 

Sa katunayan ay puno ng kaba ang kanyang dibdib dahil sa ina ni Meryl ang kasama niya ngayon.

"JP, kaya kita tinawag, kasi gusto rin talaga kitang makausap."

"P-po?" hindi ito inaasahan ni Japs. Halo-halong tanong tuloy ang umiikot sa kanyang isip.

May nagawa ba 'kong mali?

Alam na kaya niyang gusto ko si Meryl?

Itatanong ba niya kung sino ako? Anong klaseng pamilya meron ako?

Pakiramdam niya ay mas nakaka-kaba pa ito kaysa sa isang pagsusulit.

"May kailangan kang malaman tungkol sa anak ko. Kay Meryl." Sigurado si Mia sa kanyang desisyong sabihin ang totoo kay Japs, kung ito na lamang ang paraan para mapaghiwalay ang dalawa.

Napalunok si Japs.

"Isang araw, umamin siya sa'kin na may iba siyang nagugustuhan bukod kay Vince. Ikaw 'yun, JP."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Japs. Bagamat dapat niyang ikatuwa iyon, pakiramdam niya ay wala pa rin siyang karapatan lalo na't mukhang tungkol dito ang kanilang pag-uusapan.

Gusto ako ni Meryl, pero ayaw ako ng mga magulang niya? Muli niyang naisip. 

"Gusto ko si Vince para sa anak ko. Kaya nakikiusap ako sa'yo, pwede bang layuan mo na sila?" 

Wala namang bahid ng galit sa boses ni Mia, at ang mga paluha pa nitong mga mata ang nagsasabi kay Japs na totoo at importante ang mga salitang binitawan niya. 

"Uhm... tita, hindi ho ba si Meryl lang naman ang makakasagot niyan?" Mahinahon nitong sagot. Naniniwala pa rin siya na posibleng siya pa rin ang piliin ni Meryl sa dulo. 

Ngayon pa ba siya susuko?

Umiling si Mia at bigla na lamang lumuhod sa harapan ng binata.

"Tita!"

"My daughter...is a programmed girlfriend of Vince." Pahikbi-hikbing tugon ni Mia. "Tatlong taon siyang na-comatose para labanan niya ang dati niyang sakit. And now that she's back, her heart recognizes only one person, that's Vince. At kung hindi iyon matutupad... she will die."

Bukod sa gulat at pagtataka, nakaramdam din ng takot si Japs. Hindi niya gaanong maintindihan ang sinasabi ni Mia. 

"Tita, hindi ko po talaga maintindihan..." sagot nito at tinulungang tumayo si Mia. Mas lalo lang itong nahihiya dahil may mga tao na ring napapatingin sa kanila.

"Hindi mo talaga maiintindihan kasi hindi mo alam kung gaano kakomplikado ang kalagayan niya. Hindi ordinaryong tao ang anak ko, JP. Alam mo bang bata pa lang siya, nagawa na niyang pumatay?" Hindi na napigilan ni Mia na sabihin pati ang nakaraan ng anak. 

"Una naming nalaman na may kakaiba na sa kanya ay nu'ng nakapatay siya ng aso. Apat o anim na taong gulang yata siya noon... hindi ko na matandaan. Basta sobrang bata para gawin ang ganu'ng bagay. Ni hindi nga namin alam kung paano."

Si Meryl 'yung batang nagligtas sa'kin? Hindi na halos makapagsalita pa si Japs sa narinig. 

"Tapos nabalitaan na lang namin na sinunog niya 'yung kamay ng kaklase niya sa mababaw na dahilan. At bago siya pumunta sa States, muntik na niyang patayin ang kanyang kapatid na si Jay-Jay. Kaya simula nu'n, hindi na namin sila pinaglapit." 

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon