Chapter 6

1.1K 49 0
                                    

"Wow, may sarili kang science lab? Paano nangyari...?" Tanong ni Jan na puno ng pamamangha.


"Kaka-ayos ko nga lang nito last week e. Nu'ng nalaman ni daddy na nagkaro'n ako ng interes bigla sa mga chemicals, pinaayos niya 'tong bakanteng kwarto."


"Talaga? Kaya pala mukhang bago. Ano naman ang gagawin mo dito?" Naalala tuloy ni Jan ang kanyang ama na si Levi. Mabait naman ito, hindi niya lang inaasahan ang ginawa nitong pagsampal. 


"May gusto lang kasi akong pag-aralan. Alam kong hindi magiging madali, pero susubukan ko pa rin. At kung tutulungan mo 'ko." Masayang wika ni Vince. Tinutukoy niya dito ang nabasang article tungkol sa mercy killing chip, at kung paano ito mapapawalang bisa.


"Oo naman," habang pinagmamasdan niya ang mga gamit ay pakiramdam niya, parte na ng pangarap niya ay natupad.


"You wanna see a magic?" Sa unang pagkakataon, na-excite rin ang binata na ipakita sa kanyang kaibigan ang nalalaman.


Kinuha nito ang isang volcano model na gawa sa clay, pagkatapos ay hinanda ang chemicals na kailangan upang maipakita ang kunwaring pag-erupt nito.


Patuloy naman na namamangha si Jan habang pinapanood ang ginagawa ng kaibigan. Parang batang audience ay napa-palakpak pa siya.


"Gusto mong matutunan?" Tanong ni Vince, na mas ikinatuwa naman ni Jan.


Iyon lamang ang pinagkaabalahan nila sa science lab, hanggang sa nang mapagod na ay naunang umupo si Jan sa sahig, at isinandal ang likod sa pader.


Dating gawi, tumabi si Vince sa kanya.


"Jan, aattend ka ng graduation 'di ba?" May pag-aalalang tanong ng lalaki. Hindi pa rin kasi niya maalis sa isip na maaaring mamatay ang dalaga anumang oras dahil sa mercy killing chip.


"Sana, kung makakauwi pa 'ko sa'min."


Hinawakan ni Vince ang kamay ni Jan. "Panigurado hinahanap ka na sa inyo. Hindi ko alam kung ano 'yung mga nagiging problema mo, pero alam kong nag-aalala na sa'yo 'yung mga magulang mo."


Isinandal na lamang ni Jan ang kanyang ulo sa balikat ng binata. Salamat kay Vince at tila mas gumaan ang pakiramdam ni Jan.


Nang hindi na umimik pa si Jan ay muling nagsalita si Vince, "Jan, pwede magtanong?"


"Hindi ba tanong na rin 'yan?"


"Yeah, pero 'yung itatanong ko kasi, medyo... uhm, weird."


Napatawa ng onti si Jan, ngunit curious pa rin itong malaman kung ano ang itatanong ng binata sa kanya. "Ano 'yun?"


"Uh, gusto mo rin ba 'ko? I mean, not just as a friend." Lakas loob niyang sabi.


Inalis ni Jan ang kanyang ulo mula sa balikat ni Vince, umayos ng upo, at tumitig dito.


Slowly, inilapit niya ang kanyang mukha at hinalikan ang lalaki.


Sa palagay niya ay mahal na nga talaga niya ito.


***


"Jan, anak!" Agad na niyakap ni Mia si Jan nang magbalik ito. Kakapasok lamang nito sa gate, at halos buong gabing hindi nakatulog si Mia kakaisip sa kanya.


"I'm so sorry, hinanap ka namin ng daddy mo kagabi, but we couldn't find you. Saan ka ba nanggaling?" 


Sumunod na lumabas si Levi para salubungin ang anak. Niyakap din nito si Jan at humingi ng tawad.


"Sorry, daddy, mommy. Hindi ko na po uulitin." Matipid na sagot ng dalaga, ngunit ano pa man ang sabihin niya ay nakapagdesisyon na ang mag-asawang ipadala ito sa States kung nasaan si Dr. Yago.


Kailangan nilang maging mas maingat, para na rin maprotektahan ang bunsong anak na si Jay-Jay.


The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Where stories live. Discover now