Chapter 38

771 38 3
                                    

Pagkatapos mag-almusal ay kinailangan na din lumabas ni Amanda para magtrabaho sa daycare. Bagama't may sustento naman si Japs mula sa kanyang ama, hindi pa din siya komportableng umasa lang doon. 

Si Japs na ang naghugas ng kanilang pinagkainan. Palagi namang ganito ang scenario lalo na't mas maaga ang pasok ng kanyang ina. Maya't-maya ang silip ni Japs kay Meryl. Nakaupo lamang ang dalaga sa lamesa at walang kibo. 

"Japs?"

Halos mahulog ni Japs ang plato nang bigla na lamang itong magsalita. Nabibingi na kasi siya sa katahimikan nila simula nang iwan muna sila ni Amanda.

"Hindi ka ba papasok?"

"Ah, may isang oras pa naman ako. Ikaw ba?" Nakasuot na naman siya ng shirt at pants 'di tulad kanina, ngunit hindi pa rin niya maiwasan ang mailang; ito kasi ang unang beses na may dalhin siyang babae sa kanyang maliit na tahanan.

Napakagat sa ibabang labi si Meryl at yumuko. Wala itong balak lumabas, umalis, o umuwi sa kanila. Gusto na lamang niyang ituloy ang matagal nang pinaplano.

Ang planong hintayin na lang ang araw na mawalan ng bisa ang treatment. 

Napansin ni Japs na hindi pa nga pala siya nakakapagpalit ng damit. Iyong may mantsa pa rin ang kanyang suot. 

"Suotin mo muna 'to," tugon nito pagkatapos pumasok sa kwarto at kumuha ng t-shirt.

"May dala naman akong damit. Kukunin ko na lang sa maleta ko." Nang masabi iyon ni Meryl ay agad siyang tumayo upang magpalit sa loob ng kwarto.

"Ano nanaman kayang problema niya?" Bulong ni Japs sa sarili. Naalala niyang hindi pa nga pala niya natatanong kay Meryl ang buong istorya, kung bakit bigla na lamang niya itong natagpuan sa daan.

Sakto namang pagkatapos niya sa kanyang mga hugasin ay bumukas na din ang pinto sa kanyang kwarto. Palabas na din sana si Meryl pero humarang si Japs sa kanyang daanan.

"Let's talk." Seryoso niyang sabi.

Pareho silang umupo sa kama.

"Thanks Japs, for helping me again." Wika ni Meryl habang hawak-hawak ang namantsahan niyang damit kasama na ang jacket ni Japs.

"Anong nangyari? Alam ba ng mga magulang mo?"

Umiling lamang si Meryl at hindi na muling kumibo.

"Then, what? Anong ginagawa mo sa daan na may dalang maleta at may dugo sa damit ng ganu'ng oras? Si Vince ba?"

"Japs, pwede ba'ng dito muna ako? Ang alam naman nila mommy at daddy, na kela Vince ako kaya hindi nila ako agad hahanapin. At kung hanapin man nila ako, pwede kong sabihing nasa dorm lang ako."

"Tumira ka kela Vince?" Alam naman niya ang kalagayan ni Meryl, ngunit masakit pa ring marinig na nagkasama sila sa iisang bahay. "Anyway, wala ka pang sinasagot sa mga tanong ko."

"Later. I'll tell you later. Pero mas pinili kong lumayo na lang." 

Humarap si Japs kay Meryl upang mas makita ang mukha nito. "P-paanong lumayo? Nakipag-break ka ba?" 

How can you break up with someone you need the most? Naguguluhan niyang tanong sa sarili. 

He's supposed to be happy and rejoicing na sa wakas, mas may pag-asa na siya sa puso ni Meryl. But that's not the case. Hindi niya kayang maging masaya pagkatapos sabihin ni Mia ang lahat. 

Bigla na lamang yumuko ang babae at hinayaang tumulo ang kanyang mga luha.

"Uy... Sisa," Hinawakan ni Japs ang balikat ni Meryl. "Kung ano man ang naging problema niyo, handa akong makinig. Pwede naman kitang tulungan ulit, 'di ba?" 

Sa totoo lang ay nahahati ang puso niya. Kung si Vince ang may kagagawan sa nangyari kay Meryl, baka mapatay na niya ang lalaki 'pag nagkita ulit sila. Sa kabilang banda naman ay inaalala pa rin niya ang sinabi ni Mia.

"Gusto kitang makasama, Japs." Habang humihikbi, patuloy siyang nagsalita, "Palagi kitang iniisip, at sa tuwing... tuwing nagkakasalubong tayo tapos hindi mo 'ko pinapansin, sobra akong nalulungkot. Hindi ko kaya na," bago pa matuloy ni Meryl ang mga gustong sabihin ay hinalikan ni Japs ang kanyang labi. 

Nasasaktan na si Japs. Nasasaktan itong marinig ang paghikbi ni Meryl, at siya ang dahilan nito. How he wished that he didn't leave and fought for his love. But somehow, he also wished that they never met. Kasi kung hindi sila nagkakilala, malamang si Vince lang ang nasa puso ni Meryl ngayon at hindi na maapektuhan ang kanyang kundisyon.

But can he even turn back now? Can they even turn the time back, when everything just seems so right when they are together?

Mahigpit na niyakap ni Japs si Meryl, pulling her body closer to his as they nibble on each other's lips. Maingat na hiniga ni Japs si Meryl. There was a hint of anxiety and awkwardness; but their hearts driven with passion would tell that they both long for each other's touch. 

Napalunok si Japs habang nasa ibabaw ng babae. Pinunasan niya ang mga luha sa mukha ni Meryl, at dahan-dahang hinalikan ang mga ito, pababa sa kanyang leeg. Ipinasok ni Meryl ang kanyang kamay sa ilalim ng shirt ng lalaki. She wants to feel his warmth, and so is he. Japs kissed her, and slowly, removed her clothes until she's bare under him. 

"I don't want to lose you, Meryl," 

"Then don't, don't lose me." 




The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Where stories live. Discover now