Chapter 32

750 44 0
                                    

Maingat na inalis ni Japs ang kanyang pagkakayakap mula kay Meryl. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang kanilang katahimikan. 

"Japs..." tugon ni Meryl habang nakatitig kay Japs na sinasadyang yumuko upang umiwas ng tingin. 

"Shh, don't say a word, Meryl. Please." Pilit nitong pinipigilan ang sarili umiyak. Isa siyang lalaki, at para sa kanya, isang kahinaan ang magpakita ng luha sa harap ng babae. "I get it now, kung bakit hindi mo ko kayang piliin. The same manner that I can't love you."

"Ano bang sinasabi mo, Japs? Diba... diba magkaibigan tayo?" 

Muling lumakad paatras si Japs, huminga ng malalim, kasabay ng pag-angat ng kanyang ulo. Napatingin ito sa padilim na kalangitan. 

"Oo, magkaibigan tayo," sagot niya at sa pagkakataong ito, ibinaling na ang tingin kay Meryl. "Kaya bilang kaibigan mo, gusto kong humingi ng pabor. Please don't look for me anymore. Hayaan mo sana na maayos ko muna 'tong nararamdaman ko. At kung okay na 'ko, baka pwede na. Baka pwede na ulit tayong maging magkaibigan."

Hinintay ni Japs ang sagot ng dalaga, ngunit nakatulala lamang ito. Nakatitig sa kanya, at parang walang nararamdamang kahit ano. 

Pinunasan niya ang kanyang mga mata, dahil pakiramdam niya ay anumang oras ay tutulo ang kanyang luha.

"Tara?" Inabot ni Japs ang kanyang kamay kay Meryl upang alalayan ito sa pagbaba. Ngunit ang walang kibong dalaga ay bahagya lamang tumango, tumalikod, at saka naunang lumakad.

***

Madaling araw na nang nagising si Meryl sa kanyang kwarto. Dahil nga kalalabas niya lang ng ospital ay sa bahay muna nila siya tumuloy at hindi sa dorm.

Umupo ito sa kanyang kama. Mga limang minuto din siyang nakatitig lamang sa pader, hanggang sa may narinig siyang ingay na nanggagaling sa kusina. Tumayos siya, at maingat na lumakad pababa.

"Anong ginagawa mo?"

"Aahh!" Dahil sa gulat ay muntik nang mahulog ni Jay-Jay ang hawak na baso ng tubig. "A-ate... nauuhaw po kasi ako." Limang taong gulang pa lamang si Jay-Jay, ngunit dahil sa hindi naman sila madalas magsama o magkita ni Meryl ay nahihiya pa rin ito sa kanya.

"Sabihin mo nga sa'kin, bakit tayo pinaghihiwalay ng mga magulang natin?" Tanong ni Meryl, animo'y kaedaran niya lang ang kausap.

Inupo ni Jay-Jay ang sarili sa upuan na hindi kataasan pagkatapos ipatong ang tubig sa lamesa. Tulad ni Meryl, sadyang ipinanganak ding matalino ang bata. "Di ba ate, hindi ka naman tao?"

"Anong sabi mo?" Gulat na tanong ni Meryl.

"Kasi multo ka. Hahahaha!" Napahawak si Jay-Jay sa tyan dahil sa sariling biro. 

Ngunit dahil sa wala naman sa utak ni Meryl ang pagbibiro ay inangat nito ang basong hawak ng kapatid gamit ang kanyang mga mata at akmang bubuhusan sana si Jay-Jay nang bigla na lamang bumalik ito sa kanya.

Siya ang natapunan at nabasa ng tubig, hindi ang kapatid niya.

"Ate, alam mo kung anong pinagkaiba natin?" Nakangiti pa ring tanong ni Jay-Jay habang seryoso at may bahid na galit pa rin ang tingin ni Meryl. "Kaya kong magmahal ng totoo. Kaya kong magpagalaw ng bagay kasi ang sabi ni Dr. Yago, hanggang one hundred ten percent kaagad ang kayang gamitin ng utak ko. I'm also a product of two chips, ate."

"Nakausap mo si Dr. Yago?" Pagtataka ni Meryl. Hindi nito lubos maisip na ang isang batang tulad niya ay magkakaroon kaagad ng interes sa kanyang pagkatao.

Bahagya itong umiling nang tila may mga imahe ng nakaraan nanaman siyang naalala. Bata pa lang din siya simula nang kuwestyunin niya ang kanyang sarili. Naalala nanaman niya kung paano niya niligtas ang isang bata nang muntik na itong makagat ng aso.

Tumango si Jay-Jay at muling nagsalita, "Nalaman ko din na mas nangibabaw pala sa'kin ang epekto ng love chip. At ikaw,"

"Tumahimik ka!" Sigaw ni Meryl at dahil sa hindi na niya nakontrol ang sarili, gamit ang kanyang utak ay tinulak nito ang upuan ni Jay-Jay hanggang sa maabot nito ang pader. Nahulog si Jay-Jay at muntik pang mauntog ang ulo sa sahig.

"Matagal na kitang dapat pinatay, alam mo ba 'yun?!" 

Hinawakan niya ang kapatid sa leeg at walang awang sinakal ito. "Hindi ako papayag na may isa pang tulad ko ang mabubuhay dito. Hindi ako papayag na may magmana pa ng sumpa natin!" 

"Ate! Tama na!" Iyak ng limang taong gulang na bata. Namumula na ang mukha nito at konti na lang ay mawawalan na ng hininga, hanggang sa dumating ang kanilang mga magulang.

Agad na hinila ni Levi si Meryl mula sa kapatid, habang niyakap ni Mia ang bunsong anak. Tila parehong nabingi ang magkapatid sa bilis ng pangyayari. 

"Jan Meryl! Ano nanaman ba 'to?!" Sa galit ay muling nasampal ni Levi ang kanyang anak. Napaupo si Meryl sa sahig; at unti-unting nawalan ng malay dahil na rin sa hilo.

"Baby? Okay ka lang ba? Jay-Jay?" Patuloy si Mia sa pag-iyak habang pinagmamasdan ang kanyang bunso. Nanumbalik naman ang maayos na paghinga nito, ngunit hindi pa rin ito tumatahan sa pag-iyak.

Hinawakan naman ni Levi si Meryl at sinandal ang ulo sa kanyang bisig. Medyo kumalma ito nang makaramdam pa rin ng pulso. 

Nagkatinginan ang mag-asawa. Napakadaming bagay ang gumugulo sa isip nila ngayon, ngunit laking pasasalamat na lang nila at naabutan pa nila ang mga anak na buhay.

"I'll just bring her to her room." Tugon ni Levi, binuhat si Meryl, at saka umakyat na. 

***

Naunang pumasok si Levi sa kwarto nilang mag-asawa. Umupo muna ito sa kama, at ilang sandali lamang ang kanyang hinintay bago naman pumasok si Mia.

Tinabihan niya si Levi.

"Hon, maghiwalay muna tayo." Tugon ni Mia. Isang mapait na luha ang tumulo mula sa kanyang mata. 

Tumango si Levi at ipinunas ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. "Mabuti pa nga. Mabuti pa nga na maghiwalay muna tayo. I'll take Meryl. You stay here, with Jay-Jay."

"I'm sorry, Levi," pahikbi-hikbing sambit ni Mia, "sorry for dragging you into this. Ako 'yung may kasalanan kung bakit hanggang ngayon, miserable ang buhay mo. Hindi mo na sana ako niligtas nu'ng araw na 'yun. If I only died..."

"Shh, Mia..." Hinila ni Levi ang asawa at mahigpit itong niyakap. "Don't say that, please. I don't regret saving you that time, and if I have to do it once more, I'll do it again. I don't regret taking you as my wife. We'll get through this, okay?"

"I love you," bulong ni Mia at hinalikan ang asawa sa labi.

In between their kisses ay sumagot naman si Levi, "I love you too... and our children." 

***

AN: Vote & Comment please <3 


The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Where stories live. Discover now