Chapter 44

782 35 2
                                    

"Mommy, hayaan niyo na po si ate. Matagal na po niyang gustong maging masaya."

Natigilan si Mia sa mga salitang tinurang ng kanyang anak na si Jay-Jay. Kanina pa kasi balisa si Mia simula nang umalis si Levi upang puntahan ang anak sa bahay nila Vince. Tumawag kasi ang binata na hindi nito mahanap si Meryl simula nang na-ospital si Richard, ang kanyang ama.

"A-anong sinasabi mo, Jay-Jay?"

"Euthanasia. Nabasa ko po na karamihan sa mga may sakit na wala ng gamot, mas pinipili na lang tapusin ang kanilang buhay para hindi na sila mahirapan. At para hindi na rin mahirapan 'yung mga taong nakapaligid sa kanya."

Bago makasagot si Mia ay agad natuon ang kanyang pansin sa bumukas na pinto. Dali-dali siyang tumayo mula sa sofa upang salubungin ang kanyang asawa, at si Vince na bahagyang nakayukong pumasok. 

"Vince? Anong nangyari sa anak ko? Na-report mo na ba sa police?" Tanong ni Mia. Ngunit hindi nito inaasahan ang biglang pagluhod ni Vince sa kanyang harapan. 

"Sorry po, sorry..." paulit-ulit na humihingi ng tawad ang binata.

"Bakit? A-anong nangyari?" Napatingin si Mia kay Levi, ngunit wala rin naman itong alam sa kung ano ang gustong sabihin ni Vince.

"Ako po 'yung anak ni Richard Fermano. Gusto ko pong humingi ng tawad... on behalf of my dying father." pahikbi-hikbing sambit ni Vince habang nakaluhod pa din.

"Richard...?" Malamang hindi makakalimutan ni Mia ang pangalang iyon. "Anak ka ni Richard?" 

Halos mabaliw siya sa narinig. Hindi ito makapaniwala na ang lalaking ilang beses na siyang tangkaing patayin, ay may anak na siyang susi sa buhay ni Meryl. 

"O-opo... alam ko po walang kapatawaran 'yung ginawa niya kasi hindi lang kayo 'yung naapektuhan. Pati ang anak niyo, si Meryl."

"Nasa'n ang anak ko? Nasaan si Meryl?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Mia. Natural lang na mas pagtuunan niya ito ng pansin kaysa isipin pa ang galit nito kay Richard.

"Umalis po siya nu'ng gabing sinugod si daddy sa ospital. Pero tita, hayaan niyo po akong makabawi. I'll find her and bring her to you, safe and sound." Pakiusap ng binata.

"Hayaan niyo na si ate! Wag niyo na siyang hanapin!"

Napatingin ang mag-asawang Danes sa kanilang bunsong anak na puno ng pagtataka. 

"What are you saying, Jay-Jay?" Tanong ni Levi?

"Anak, please, just go to your room. Hindi ka dapat nakikialam sa usapan namin." Sambit ni Mia, tired and weary.

Tumayo na lamang si Jay-Jay at tahimik na pumunta sa kanyang kwarto. Simula kasi noong mag-away sila, tumatak na sa kanyang isipan na gusto na nitong mawala ang sumpa sa kanilang pamilya. And by that, she meant herself. Because she considers herself a curse. 

Pinaupo na ng mag-asawa si Vince sa sofa upang mas maayos itong makausap. 

"Vince, I can't let my daughter die." 

"Iyon din naman po ang gusto ko. Ayoko po na mawala si Meryl... and I do regret those times that I took her for granted." Paliwanag ni Vince, "Kaya I'm willing to risk everything. Hahanapin ko po siya, at gagawin ko po ang lahat mabuhay lang siya."

"Thank you," naiiyak na sagot ni Mia. "Thank you, Vince. I won't ask you to pay for your father's sins. After all, it's not yours. Sapat nang minahal mo ang anak ko, at sapat na rin na malaman naming tutulungan mo kami." 

***

Dahil sa lakas ng ulan ay mas lalong naipit sa traffic sila Japs. Bandang Cavite pa lamang sila, kung tutuusin, ilang minuto na lang ay makakarating na sila ng Tagaytay. 

"Argh, may naaksidente pa yata. Nakakainis naman 'tong bagyo na 'to. Bakit ngayon pa?" Iritableng sambit ni Japs at nahampas na lang ang manibela. 

Sinilip nito si Meryl. Tahimik lang itong nakaupo sa front seat habang nakadungaw sa bintana. 

"Meryl, pwede ka namang matulog muna. Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo." Sabi ni Japs dahil simula nang umalis sila ng bahay ay hindi na ipinikit ng dalaga ang kanyang mga mata.

"Okay lang ako," mahinang tugon ni Meryl, tsaka tinuon ang paningin sa binata. "Kanina pa 'ko natutulog e."

Sinamantala na ni Japs ang traffic upang hawakan ang kamay ni Meryl. He then played with her fingers and kissed the back of her hand. Meryl smiled at the gesture. 

Hanggang sa umandar ang sasakyan ay hawak pa rin nito ang kamay ni Meryl. He just didn't feel like letting go. 

"Sisa, bakit ba ang lamig ng kamay mo?" Tanong nito kahit na may ideya na naman siya kung bakit. After all, this isn't the first that this has happened to her.

Huminga ng malalim si Meryl at muling humarap sa bintana. The truth is, everything in her is hurting that she just feels like shutting down all at once. Gusto na niyang bumigay, but she cares to the person beside her so much. Ayaw pa niyang iwan si Japs, at mas lalong ayaw niya itong makitang naaapektuhan sa hirap na dinadanas. 

"Japs... malayo pa ba?" Ipinikit na niya ang kanyang mga mata, ngunit pilit na nilalabanan ang antok.

"Uhh, nalagpasan na natin 'yung nagbanggaan kaya mukhang tuloy-tuloy na 'to. Pagod ka na ba?" 

Again, Meryl couldn't utter a word. But she kept herself awake despite her eyes tightly closed. Inisip na lang ni Japs na nakatulog na ito kaya hinayaan na muna niya ang dalaga. 

Pasado alas singko ng hapon na sila nakarating sa Tagaytay. Japs knows a certain place perfect for Meryl. 

"Sisa? Andito na tayo," wika nito. Bumaba siya mula sa sasakyan at saka naman binuksan ang pintuan sa kabila. 

"Meryl? Gising na, you do not want to miss it," 

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang pag-nginig sa kanyang boses. He knows he's feeling anxious, but he simply wants this to be a happy day. For them. For Meryl. 

Maingat niyang inalis ang seatbelts ng dalaga. Wala namang pinagbago sa noo ni Meryl nang hawakan niya ito. Malamig pa din, although he's more than thankful now that she's still breathing.

"Meryl..." Napahigpit nanaman ang hawak niya sa kamay ng babae, this time, he held both hands. "Can you wake up for me? Please?"

Please wake up for me, Meryl. Please...

Like a chant, paulit-ulit itong sinasabi ni Japs. And he's very much willing to wait. 

The Psycho's Daughter (TagLish Novel)Where stories live. Discover now