Chapter 20

910 39 0
                                    

"Hon, what's that?"

Agad na sinara ni Levi ang laptop nang lapitan siya ng kanyang asawang si Mia.

"Ah, wala, sinend lang ni Dr. Yago 'yung resulta ng treatment ni Jan."

"Kumusta? Wala namang complication, 'di ba? After all, mukhang okay naman siya."

Tumango lamang si Levi, at bahagyang napangiti habang nakatuon ang tingin sa sahig. "How's Jay-Jay?"

"Ayun, nakatulog na pagkatapos gumawa ng assignment. Halos hindi ko na nga kailangan pang turuan e. Matalinong bata." Napatigil sa pagkukwento si Mia nang mapansing balisa ang mukha ni Levi. "Hon, may problema ba? Tungkol ba ito kay Jan?"

Umiling si Levi. Hindi niya gustong mag-alala pa si Mia gayong mukhang ayos na ang lahat, ngunit alam din niyang hindi titigil ang asawa hangga't sabihin niya kung anong nasa isip nito ngayon.

Ilang segundo lang ang lumipas ay tumulo na ang luha ni Mia. Alam nitong may masamang balita.

"Levi, sabihin mo sa'kin, anong mali?" Pakiusap nito, ngunit hindi pa rin siya kinikibo ng asawa kaya ganu'n na lamang ang kaba nito.

Akmang kukuhanin n asana ni Mia ang laptop nang hawakan siya ni Levi upang pigilan ang binabalak.

"Mia, please,"

"Anak ko siya, Levi for God's sake!" Puno ng pag-aalalang sambit ni Mia. "Kung ayaw mong sabihin, I can read it myself. Bakit ba ganu'n na lang kung pigilan mo 'ko? Na parang hindi ko naman anak 'yung pinag-uusapan natin? Hindi ba dapat alam ko din kung ano 'yang kinababahala mo ngayon?"

Nang hindi pa din sumasagot ang asawa ay muling nagtaas ng boses si Mia. "Levi!"

"There's a huge possibility of her to acquire a neurological disorder. Naging successful 'yung treatment, but it was only for temporary." Napahinto ito at huminga ng malalim bago muling magsalita. Maging siya ay hindi na rin mapigilan ang maiyak nang malaman ang kundisyon ng kanilang anak.

"Ang sabi ni Dr. Yago, she'll live a normal life; until one day, without anyone's knowledge, she'll be in a lifeless body... and then she dies."

Napaupo sa kama si Mia. Tila nawala ang kanyang lakas sa narinig. Pakiramdam niya ay ngayon pa lang, siya na ang pinapatay sa sakit na dulot ng masamang balita. Hanggang sa lumakas ng lumakas ang paghagulgol nito, at wala nang nagawa pa si Levi kundi yakapin ang asawa.

***

Nakarating kay Japs ang balitang pinatawag ng school authorities si Jan Meryl. Malakas ang kutob nitong tungkol ito sa insidente kaugnay kay Professor Draco kaya naman nagmadali itong lumabas ng klase at tumungo sa Director's office.

Baka sakaling pagbigyan siya ng kanyang ama; baka sakaling kahit isang beses lang, ay magamit niya ang karapatan niya bilang anak ng director ng kanilang unibersidad, kahit pa anak sa labas lamang siya.

Pagdating ni Japs sa opisina ng university director, nakasalubong nito ang ex-girlfriend ni Vince na si Zayne. Bago muling humakbang at pumasok sa loob ay hinabol niya muna ang babae at saka hinarap upang kausapin.

Malakas kasi ang kutob nitong si Zayne ang nagsumbong kay Meryl.

"What do you get by doing this?" tanong niya.

"Revenge." sagot naman ni Zayne. Hindi na niya kailangan pang itago ang galit kay Meryl matapos nitong siraain ang relasyon nila ni Vince. "And the truth. Look JP, sa tingin ko naman alam mong maling pagtakpan ang isang criminal."

"Biktima lang si Meryl. Alam mo naman siguro 'yung ginawa ni Professor Draco, 'di ba?"

Napairap na lamang si Zayne. Para sa kanya, there's no way that she can sympathize with the girl who took Vince from her.

"Hindi ko kasalanang stupid siya. Who knows kung pati si Draco nilandi niya?"

"What? Pa'no mo nagagawang husgahan ang isanng tao ng ganyan. You don't even know her."

"Of course I don't know her! I don't f*cking know her that it drives me nuts to think that she's  Vince's girlfriend!" Hindi na napigilan pa ni Zayne ang muling pagtulo ng kanyang luha, habang si Japs ay hindi na lamang sumagot at hinayaan na siyang umalis.

Hindi nga naman niya masisisi ang dalaga sa ginawang pagsusumbong. There's no bad woman, ang sabi nga, until she feels pain. 

***

Tahimik na nakaupo lamang si Meryl habang nakikinig sa diskusyon ng mga awtroridad. Wala itong balak sagutin ang kanilang tanong lalo pa at halos wala nanaman siyang maalala.

"Ms. Danes, I'll ask you again, anong ginawa mo kay Professor Draco?" Tanong ng investigator, ngunit katulad kanina ay umiling lamang si Meryl. "That's it. Just call her parents."

"Wag," mabilis na protesta ni Meryl. Ayaw na niyang abalahin pa ang kanyang mga magulang. At isa pa, hindi niya maintindihan kung bakit tila may nagsasabi sa kanya na kapag umamin siyang siya nga ang pumatay kay Prof. Draco, muli siyang mapapalayo kay Vince.

"Gagawin ko po ang lahat, 'wag niyo lang silang ipatawag."

Nagkatinginan ang tatlong lalaki sa loob; si Mr. Hernandez, ang direktor ng unibersidad; si Dr. Gail, ang detective at forensic scientist ng kaso na hanggang ngayon ay walang makitang trace sa nabasag vase na naging sanhi ng pagkamatay ng biktima, at si Mr. Caliso, ang university investigator. 

"Aaminin mo na ba, Ms. Danes?" Tanong ni  Caliso. 

Ang sagot na lamang ng estudyante ang kanilang hinihintay upang makumpirma na din kung nagsasabi nga ng totoo si Zayne.

"Ako po, nando'n ako nu'ng nangyari ang insidente." 

Natigilan at napatitig ang lahat sa lalaking pumasok. Si Japs. 

Kumunot ang noo ng direktor na si Mr. Hernandez. Hindi nito inaasahan ang pagdating ng anak, at sa paraan pa na ikasisira ng kanyang pangalan.

"And who are you?" Tanong ng investigator. 

Umiwas ng tingin ang university director na si Mr. Hernandez, na tila pinapanalanging walang masabing masama ang kanyang anak sa labas.

"Kaibigan po ako ni Meryl. I am a witness, and the suspect. Hindi ko sinasadyang makitang may isang estudyanteng walang kalaban-laban na pagsamantalahan ng isang propesor. Hindi kakayanin ng konsensya ko kung iiwan ko na lamang siya at hindi ipagtanggol. Kung kayo ho ba ang nasa posisyon ko, hindi niyo man lang ba pipigilan ang rapist?" Napataas na ang boses ni Japs sa inis. 

Kung totoong iniimbestigahan nila ang kaso, dapat ay napag-alaman na din nilang hindi lang basta pinatay si Professor Draco ng walang dahilan.

Tumingin si Mr. Gail sa dalawang kasama. Pinapakiramdaman nito kung may gusto pa bang sabihin ang dalawa, dahil kung tutuusin, may punto nga naman ang binata.

"What's your name, hijo?" Tanong ni Mr. Gail upang ma-isama sa kanyang record. 

"John Patrick..." Bago nito ituloy ay sinadya niyang titigan ang kanyang ama sa mga balisang mata nito, "Hernandez."

"Are you related to...?" Hindi na natuloy pa ng investigator ang gustong sabihin dahil sa dating pa lamang ng direktor ay tila naaapektuhan na ito sa mga nangyayari.

"The two of you may go out. That's enough information. We'll sort things out for now." Iyon lamang ang matipid na sagot ng direktor. 

Ito ang kauna-unahang humingi ng tulong si JP sa kanya sa loob ng unibersidad, at nakikita niyang ang gamitin ang kanyang pangalan na lamang ang huling baraha ng anak upang maligtas ang kaibigan. 

"Do I have an assurance na wala ng kinalaman dito si Meryl?"

"You said it yourself. Ikaw ang nagligtas sa kanya, and she's only a victim. The only assurance I can give you is that she's safe. Her name's safe, and we may even compensate." Sagot ni Mr. Hernandez.

"We'll have to investigate you instead," sabi naman ni Caliso.

"For now, let's dismiss them. The three of us should talk."

Sumang-ayon ang dalawa sa desisyon ng direktor. Kung ang anak ba naman pala niya ang sangkot sa kaso, wala na silang magagawa pa kundi pagtakpan at ibaon na lang din sa limot ang nangyaring insidente.



The Psycho's Daughter (TagLish Novel)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن