15

735K 8.5K 2.1K
                                    

ZAK’S POV

Nagising ako dahil pakiramdam ko nangalay na ang braso ko pero hindi ko alam kung bakit. Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang lampshade.

Teka, hindi naman ganito ang lampshade sa kwarto ko ah. Pati bakit ba ang bigat ng nasa braso ko –

O.o

Anak ng – nakalimutan ko, kasama ko nga pala si aswang. Nakahiga sya sa braso ko habang nakayakap sa’kin. At teka bakit nakayakap din ako? Inalis ko agad yung isa kong kamay at gumalaw sya. Nagkatapat yung mukha namin.

Ano ba ‘to? Bakit ako kinikilabutan na kinakabahan? Ngayon ko lang sya nakita ng ganito kalapit. Halos magkadikit na ang ilong namin. Nakakatuwa syang titigan, parang ang bait-bait. Akala mo anghel. Pero kapag gising naman sya parang halimaw na gutom. Lahat ng gagawin mo may sinasabi sya.

Bakit ba ako napapangiti? Di ba nga kaaway ko ‘tong aswang na ‘to? Tinitigan ko ang mukha nya. Ang ganda ng kutis nya. Malamang katulad din sya nung ibang babae na palaging nagpapafacial. Tss! Ang ganda din ng hugis ng mata nya, pati ng ilong nya. Hindi ko napapansin na bawat tinitingnan ko pala sa mukha nya eh itinuturo ng kamay ko. Ang cute din ng cheekbone nya. At ang pula ng mga lips nya. Ang tagal naming magkasama pero di ko naman syang nakitang nagretouch o naglisptick man lang.

Teka – lips. Bigla akong napalunok. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. May sakit ba ko? Siguro namana ko ‘to kay mommy. Pero bakit ngayon ko lang nararamdaman? Siguro dahil napagod ako kahapon.

Biglang nagflashback sa isip ko nung hinalikan ako ng aswang na ‘to. Hindi ko napansin na papalapit ng papalapit ang lips ko sa lips nya.

Zak ano bang ginagawa mo? Baliw ka na ba?

Napapikit na lang ako dahil konting-konti na lang mahahalikan ko na sya.

“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!”

*DUGSH

Aray! Bumagsak ako sa sahig dahil itinulak ako ng aswang na ‘to.

“Bakit mo ko tinulak?” tumayo ako hawak-hawak ang likod ko.

Nagpapanic sya. Kinakapa nya ang katawan nya at chinecheck ang damit nya. Ano bang iniisip nya? Wala naman akong ginawa sa kanya no! Kahit masama ako sa paningin nya hindi naman ako marunong manamantala ng babae.

Tumayo ako at nagdiretso sa CR para magshower. Mabuti na lang may mga gamit na dito. Kelangan kong magising at alisin sa isip ko kung bakit gusto ko sya ulit mahalikan. Hindi ko alam kung bakit. Pero sa tingin ko may lahi talaga syang aswang at may ginawa sya sa’kin. Teka, paninindigan ko ba talaga ‘tong aswang-aswang na ‘to? Tss. Ewan ko sa’yo Zak.

********************************

ALEXA’S POV

May damit pa naman ako at okay pa naman sa’kin mukhang walang nagalaw. Teka ano ba ‘tong iniisip ko.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon