10

833K 10K 1.7K
                                    

“Ayos ka lang ba talaga?” sabi ni Jezhi habang hinahaplos ang likuran ko.

Nandito kami ngayon sa bahay at sumusuka ako ngayon sa sobrang sakit ng ulo ko. Kumuha ako ng gamot sa medicine cabinet at ininom ko agad. Bumalik ako sa kwarto at humiga habang may nakalagay na ice bag sa ulo ko.

“Ayo slang ako sis. Pwede ka nang umuwi.” Nanghihina kong sabi sa kanya habang nakapikit. Naramdaman kong umupo sya sa bed ko.

“Uuwi ako kung ikukwento mo lahat sa’kin!” dumilat ako ng konti at nakita kong nakasimangot sya at nakacross arms pa.

“Ano bang sinasabi mo?” eh hindi ko naman talaga sya maintindihan. Of all people na magiging matanong eh si Jezhi ang pinakalast na taong naiisip kong gagawa nun. Well aside from boys at shopping lang ang laman ng utak nya eh halos isip bata pa sya. Magulo, tamad, matigas ang ulo, matapang at lahat-lahat na. Hindi ko nga alam bakit naging kaibigan ko ‘tong babaeng ‘to eh.

“Alexa Ciesla Andrade I’m waiting.” Kinuha nya yung ice bag sa ulo ko at inihagis sa floor.

“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo! Isa pa wala akong sasabihin dahil hindi kita naiintindihan!!” kinuha ko yung isa kong unan at itinakip ko sa mukha ko. Ngayon pa nya napiling  magtanong ng kung anu-ano kung kelan ang sama ng pakiramdam ko.

“Fine! Siguro niloloko lang talaga ko nung Val na yun! Kumag sya! Gagawin nya lahat makipagkita lang ako sa kanya!!” naramdaman kong tumayo si Jezhi sa bed pero napaupo naman ako sa narinig ko.

“Val? Yung boyfriend mo? I mean yung nakadate mo na sinabi mo ayaw mo ng idate?” ako na din ang madaming tanong. Hindi ko kasi maintindihan kung anong itatanong ni Jezhi sa’kin at involve pa si Val.

“Yes. Yung Val na yun.” Umupo sya ulit sa tabi ko. “This past few days kasi palagi nya kong kinukulit na makipagdate sa kanya eh sa ayoko na nga di ba? Pero kanina nagtext sya sa’kin sinabi nya na may alam daw sya sa’yo at kay Zak. Syempre hindi ako naniwala nung una kasi knowing you never kang makikipagkaibigan sa kahit na kaninong lalaki especially them.” Napahawak sya sa ulo nya. “Pero nung sinabi nya na nagkita daw kayo nung iniwan kita dun lang ako naconvinced na makipagkita sa kanya. At ang dami kong nalaman. Alam mo hindi ko alam kung anong totoo kaya nga ikaw yung tinatanong ko di ba? We’re bestfriends at dapat sa’kin ka nagsasabi!!” halos maiyak na sya habang nagsasalita.

Nakokonsenya tuloy ako. Balak ko naman talagang sabihin kay Jezhi kaya lang naisip ko na hindi din naman nya maiintindihan. Tsk. Dapat kasi sinabi ko na agad sa kanya. Sya na nga lang yung kaibigan ko tapos naglilihim pa ko sa kanya. Eh sino bang hindi maglilihim eh sa tuwing kelangan ko sya bigla-bigla syang nawawala. Anong gusto nyong gawin ko di ba?

Lumapit ako sa kanya at binigyan sya ng isang hug. “I’m sorry sis.” Umupo ako ng ayos sa harapan nya at ikinwento ko lahat ng nangyari at kung paano ako napasok sa problema with Zak.

Syempre pinagtawanan nya muna ako at mga pinaulit nya ang ng sampung beses yung kwento with so many follow up questions bago nya magets agad. I knew it. Ganito kahirap magkwento sa kanya. Sana pala hindi ko na inipon lahat para hindi na ko nahirapang magkwento. Buti na lang umipekto na yung gamot at nawala na yung kirot ng ulo ko.

Perfect Haters Book 1 (Part 1 Published under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon