Chapter 26 - Memories

8K 262 109
                                    

Jade's Corner:

Hindi ko na pahahabain pa ang author's note na ito. Pasensya na sa wrong spelling, wrong grammar o kung ano pang wrongness na makikita nyo rito dahil hindi ko na nadouble check. Matutulog na talaga ako. Enjoy kayo sa pagbabasa! OLE! :) 


-wistfulpromise


///


Chapter 26

Huminto ang sinasakyan naming kotse sa harap ng isang pamilyar na gate. Ayoko mang ipahalata ngunit puno ako ng kyuryosidad. Pakiramdam ko kasi ay nakapunta na ako rito.

"Pasok na tayo," aya sa amin ni Niel. Binuksan nya pa ang pintuan ng kotse para sa akin, nakaabang ang naghihintay nyang kamay.

May dumating na isa pang panibagong kotse sa may tabi. Bumaba ang isang lalaki, 'yung parehas na lalaking naghatid kay Cello sa coffee shop patungo sa akin. Kasunod nyang lumabas si Raven sa tabi nya. Parehas silang nakasuot ng kulay itim na shades kaya hindi ko makita ang mga mata nila. Gayunman, sa anggulong ito, mukha silang magkahawig.

Magkapatid ba sila?

"Ayos lang ba kayo?" tanong pa nito sa amin. "Nagawan na naming ng paraan ni Raven na mailigaw sila para hindi makasunod dito. Meron pang ibang nakatakas pero si Kuya Paul na raw ang bahala."

"Ayos lang kami. Mabuti na lang naki-cooperate 'yung may-ari ng coffee shop dahil kung hindi baka may bakbakan pang naganap." Sagot ni Niel para sa amin.

Nag-usap pa sila saglit pero ang mga mata ko ay nakatuon lang sa lalaki na kausap nya. Sa pagngiti nya lalong-lalo na kung paano sya tumawa na tila ba puno ng bilib sa sarili, parang nakita ko na iyon dati. Nalingat ang tingin nya sa akin kaya agad kong inalis ang mga mata sa kanya dahil sa hiya. Nahuli nya akong nakatitig sa kanya. Wala na akong ibang hiling ngayon kundi lamunin ng lupa.

Nakatitig ako sa mga paa ko, itinatago ang pamumula ng aking mukha nang makita ko ang isang pares ng sapatos sa baba, sa mismong harapan ko. "How rude of me, hindi pa pala ako nagpakilala?" Noong iniangat ko ang mga mata ay naroon na sya, nakaangat ang isang kamay para sa isang pagpapakilala. Ang ganda ng ngiti nya, labas ang mga puting ngipin. Mas lalong lumalabas ang kagwapuhan nya lalo na at pansin ko ang kasiyahan sa mga mata nya. "Nathan. Call me Nathan. O kung ayaw mo no'n, pwede rin mo rin naman akong tawaging Pogi. Poging Nathan."

Hindi ko alam sa sarili kung bakit ako napasinghal ng tawa sabay paikot ng mga mata. "Mayabang ang loko." Hindi ko namalayan na nasabi ko na pala ito ng malakas. Akala ko maiinis sya sa akin ngunit hindi ko napaghandaan ang malakas nyang pagtawa.

"Namiss ko 'yan." Naniningkit pa ang mga mata nya sa pagtawa habang marahan akong tinuturo-turo dahil sa sinabi ko. "Namiss kita." Dahan-dahang humupa ang pagtawa nya at malungkot na ngumiti sa harap ko.

Nagulat ako noong bigla na lamang nya akong niyakap ng napakahigpit.

"Bumalik ka na sa amin. Ang tagal ka na naming hinihintay. Kahit para sa kanya na lang, kahit hindi na para sa amin." Bulong nya pa sa tenga ko. Marahan pa nyang tinapik ang likod ko habang tinatanggal ang pagkakayakap. Ngumiti sya sa akin bago nagpaalam na may kailangan pa raw syang gawin. Kinuha nya ang susi kay Raven at pinaandar ang sasakyan. Naiwan ako roon na nakatulala.

Maluwang at malaki ang buong bahay. Hindi sya 'yung sobrang garbo ngunit naroon ang pagkakaroon nito ng class kahit simple lamang ang mga ornamento pati na rin ang mga kasangkapan na ginamit sa loob ng bahay. Pinaupo kami ni Niel sa sofa na nasa sala at iyon na yata ang pinakamalambot na upuan na naupuan ko sa tana ng buhay ko.

Listen To My LullabyWhere stories live. Discover now