Chapter 17 - Red String of Fate

10.4K 331 171
                                    

Celestine.

Ilang araw na kaming palakad-lakad ni Cello sa daan. Akala namin ay may naiwan pa kaming pera ngunit lahat pala ng iyon ay nawala sa pagsabog na naganap. Yung bag ni Cello may butas, samantalang halos wala nang laman ang akin dahil sa may ilang beses itong nahulog. Tanging mga damit na lang at ilan sa mga gamit ang natira sa amin.

Sa madaling salita, isa na kaming mga palaboy sa lugar na wala naman kaming alam.

"Malapit na raw rito sa mapa yung bahay ni Magdaleine Lozada. Konting tiis pa Celestine."

"Pwede bang umupo muna tayo? Masakit na rin kasi ang paa ko."

"Mabuti pa nga."

Umupo kami sa isa sa mga upuang semento sa isang parke. Napakaraming tao. Napakarami rin ang nagbebenta ng pagkain sa paligid. Mula rito sa inuupuan namin ay naamoy ko ang nakakatakam nilang amoy. Tumunog ang tyan ko. Namumula ang mukha ko. Nahihiya ko itong tinakpan. "Pasensya na."

Tumingin sa akin si Cello. Tumunog din ang kanya.

Katahimikan.

Hindi namin napigilan ang pagtawa pagkatapos mapagtanto na nasa parehas lang kaming sitwasyon.

"Wala bang puno na masusungkitan dito?" Inilibot ni Cello ang mata sa paligid. Napaismid sya mayamaya. "Ito ang ayaw ko sa syudad, wala kang libreng prutas na makuhanan dahil halos wala ng puno sa paligid. Lahat dito may bayad. Konting kibot, may halaga na kailangang bayaran. Kulang na lang pati paghinga natin may presyo na. Buti pa sa probinsya, magutom ka maghanap ka lang ng puno may makakain ka na." Malungkot syang yumuko. Bumuntong hininga sya ng malalim. "Pasensya na talaga Celestine kasalanan ko ito. Kung hindi ko napabayaan yung bag ko eh di sana may pera pa tayong magagamit ngayon. Paano na tayo makakauwi nyan? Wala na tayong sapat na pamasahe pauwi?"

"Dalawa tayong pumunta rito kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Ako rin naman nagpabaya, kaya wag mong isisi ang lahat sa sarili mo. Hatiin mo rin ako sa problema mo. Dalawa tayo rito." Yumuko ako at hinanap ang mga mata nya. Ngumiti ako ng konti upang pagaanin ang sitwasyon. "Huwag muna nating isipin ang pamasahe pauwi. Ang kailan nating gawin ay mahanap yang pinapahanap ni Tatang. Mukha naman syang mayaman. Sana, bigyan naman nya tayo ng konting grasya kapag nagpakilala na tayo sa kanya at bigyan tayo ng sapat na pera pauwi. Pero sa ngayon," tumunog ulit ang mga bulate ko sa tyan. "Maghanap muna tayo ng kakainin kasi gutom na gutom na ako."

Inilibot ko ang tingin. Meron sa parke na ito ang tila ba pamilyar sa akin.

"Celestine may nakita pa akong natitirang barya sa bulsa ko dali!" Tuwang-tuwa na pagbibigay alam nya sa akin. Hinila nya ako sa braso. "Celestine dali na!"

"A-ah? Oo sige." Kunot noo kong binigyan ng huling tingin ang nga matatayog na puno sa isang tabi. Sinundan ko na rin si Cello pagkatapos.

"Kwek-kwek." Masayang iniabot sa akin ni Cello ang mga nakatuhog na itlog na nakalagay sa isang plastic cup. Sinamahan pa namin ito ng fishball at kikyam. Iyon lang kasi ang maabot ng pera namin."Tapos bili na lang tayo ng ice water sa tabi. May nakita ako."

Natawa ako noong nakita ko na puno ng sauce ang gilid ng mga labi nya. Para syang bata kung kumain.

Nanlaki ang mga mata nya.

"Hala. Tumatawa ka Celestine?!" Tanong nya sa exaggerated na tono. Napaikot na lamang ako ng mga mata.

"Anong akala mo aa akin? Robot?" Pabiro ko pang suntok sa balikat nya.

"Hindi. Hindi sa ganun." Mariin nyang depensa sabay iling. "Sa lugar kasi natin hindi ka naman tumatawa. Ngumiti nga hirap ka pa. Natatakot yung mga tao sa atin alam mo ba yun? Kaya nga walang gustong makipagkaibigan sayo. Palagi ka raw seryoso."

Listen To My LullabyWhere stories live. Discover now