Liham 2

6.8K 308 34
                                    

My Dearest Serene,

     Marami akong gustong sabihin sayo kaya idadaan ko na lamang ito sa isang sulat tulad nito. Alam ko balang araw ay mababasa mo rin ito. Wala ka man ngayon sa tabi namin, gusto kong malaman mo ang mga nangyayari sa amin habang wala ka.

     Kami na ni kuya Paul ang tumatayong pinuno ng Ellipses. Si Aziel ang kanang kamay namin. Maayos ang lahat sa gang natin. Ipinagpapatuloy namin kung ano ang nasimulan mo. Kahapon nga ay nagkaroon kami ng salu-salo. Nagkaroon ng konting kainan at inuman. Nakipagkwentuhan ako sa mga gangmates natin at natutuwa akong malaman ang mga kwento nila. Alam ko hindi normal ang ganitong pagtitipon sa ibang mga gang. Subalit tulad ng isang presidente sa kanyang mga empleyado, hindi ba't maganda kung malaman at makilala ko rin ang ibang myembro ng gang kahit gaano pa kaliit ang papel nila sa gang natin? Naniniwala kasi ako na hindi mabubuo ang gang natin ng ganito katatag kundi dahil sa kanila. I'm just giving back the favour they have done for us.

     Naaalala mo pa ba ang pagsugod natin sa kampo ni The Highest kung saan sya namatay? Naroon din sila. Nakikipaglaban kasama natin. Nakakatuwa na malaman na may ganitong mga taong loyal sa atin at sa gang kahit hindi naman natin sila lubusang kilala. May mga ganun pa palang tao noh? Kaya walang hanggan akong magpapasalamat sa kanila.

     Inimbitahan ko rin si Jace sa salu-salong iyon ngunit hindi sya pumunta. Hindi pa man natatapos ang salu-salo ay nagpaalam na ako kanila kuya Paul at Aziel. Pumunta ako sa condo ni Jace upang makita kung bakit hindi nya sinasagot ang mga tawag ko.

     Tulad ng inaasahan ko, walang tao ang kwarto nya. Umupo na lamang ako sa isa sa mga sofa at nanood ng tv para hintayin sya. May kailangan din kasi akong sabihin sa kanya. Noong nagsawa ako ay napagpasyahan ko na lamang na mag-ikot ikot sa loob. Alam mo ba kung ano ang nakita ko Serene? Yung violin mo na matagal na naming hinahanap sa private room mo sa Princeton. Noong natapos ang aksidente at nawala ka, nawala rin ang violin mo sa estante na pinaglalagyan ni Kelly. Alam mo ba na takot na takot si Kelly noon? Iyak sya ng iyak dahil akala nya nawala na nya ang violin mo na pinatago mo sa kanya. Wala namang nagsalita. Ang tagal-tagal namin itong hinanap at heto, narito lang pala sa kwarto ni Jace.

     Dahan-dahan kong kinuha ang violin na maayos na nakalagay sa paglagyan nito. Pinagmasdan ko ito at hinawakan ang strings. Sa estado ng strings nito pati na rin ang bow, masasabi kong hindi ito napabayaan. Sigurado rin akong hindi lamang ito itinago upang kalimutan.

     Itinutugtog ito ni Jace.

     Kaya pala. Kaya pala nitong mga nagdaang taon ay masyado syang nahuhumaling sa mga violin music. Gusto nyang matuto. Pinag-aralan nya ito upang tumugtog. At ang ginagamit nyang violin ay walang iba kundi ang sa'yo.

     Umiinom ako ng tubig sa may sala noong may narinig akong dumating. Babatiin ko sana sya ngunit ganun na lamang ang gulat ko noong makita ang itsura nya.

     "A-anong...anong nangyari sayo?" napaubo ako ng konti. Muntik na akong mabulunan.

     Duguan ang damit nya si Serene at hindi lang iyon, pati na rin ang mukha nya pati ang mga kamay ay mayroong mantsa ng dugo.

     Dugo.

     Oo. Iyon na nga. Sino pa bang normal na tao ang papasok sa loob ng isang mataong gusali ng ganyan ang itsura? Hindi ko napigilan ang galit ko Serene. Nasuntok ko pa sya sa mukha upang magising na sya sa kahibangan nya.

     Nagkaroon ng sagutan sa pagitan namin. Pinakalma ko na lamang ang sarili dahil alam ko na walang mangyayari kung sasabayan ko lang ang init ng ulo nya.

Listen To My LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon