Chapter 25 ~ Questions

7.1K 271 128
                                    


Chapter 25 


Raven

Tahimik akong nakadungaw sa mga batang naglalaro ng basketball sa labas noong may lumapit sa akin. Nakasandal ako sa harap ng kotse ko, nakahalukipkip at malalim ang iniisip.

"Ikaw ang nagdesisyon na huwag munang sabihin sa kanya ang totoo. Ginusto mo ito hindi ba? Anong ginagawa mo? Bakit ka nage-emote ngayon dyan?"

"Nagpapahangin lang."

"'Sus. Nagpapahangin nga ba o pinapakalma ang sarili para hindi mo masapak ang Cello na 'yun?"

Sinubukan nya akong abutan ng hawak na energy drink ngunit hindi ko ito tinanggap. Nagkibit-balikat na lamang sya at saka ito binuksan upang inumin. "Ginagawa na namin ang lahat katulad na rin ng inutos mo—ang hanapin kung saang lupalop man nanggaling 'yang si Cello Gonzalez. Pero wala talaga eh. Malinis lahat. Ni wala silang records, as in burado lahat bro." Ikinumpas pa nya sa harapan ko ang kamay upang ipakita ang nais nyang ipunto "Kahit sya ay hindi naman natin matanong ng maayos dahil halatang nag-iingat din sya sa sasabihin. We need to give him more time to trust us para makapag-open up sya sa atin. Sa ikalawang banda, sabihin na nating Gonzalez talaga sya. Sabihin na nating nagsasabi talaga sya ng totoo sa lahat ng sinabi nya. Pero hindi pa rin natin alam kung kakampi pa rin nga ba ang mga Gonzalez o hindi. Sobrang haba na ang panahon na lumipas. Sa sobrang haba no'n, sapat na iyon upang magbago ang isang tao. Sa mga nangyayari ngayon, sa dami ng napagdaanan natin, alam mo naman na pihikan na ako sa taong pinagkakatiwalaan. Trusting him is a risk for us. The question is, are we willing to take that risk?"

"Nakita mo naman hindi ba, Serene trusts him."

"Wala syang alam sa nangyayari. In her mind, she is Celestine and not Serene. So of course, her loyalty will be with them. Remember? She has amnesia?"

"Celestine or not, she is still Serene. Alam nyang kumilatis ng tao higit sa sino pa man." depensa ko sa kanya. "I trust her judgment."

"But what about yours? Babalik na naman ba tayo ulit sa puro kanya at hindi iyo?"

"It's not all about taking sides here Nathan, or whether I love her or because I let my heart took over again on making decisions. It's about making choices and taking risks. Wala tayong alam na kahit anong impormasyon sa mga Gonzalez. Magaling silang magtago. Magaling silang maglinis ng mga bakas upang masigurado na wala talagang makakaalam kung nasaan sila. Anong gusto mong gawin ko? Panoorin na lang ang lahat sa harap ko at walang gagawin? I need to choose, and I choose to trust him. Ngayon kung sisirain nya iyon, problema nya na iyon."

"Napakita mo na ba sa kanya ang mga larawan?" tanong nya sa akin.

"Kumukuha ako ng tamang tyempo. Kung tama nga akong si Agripino Gonzalez ang Tatang na tinutukoy nya noon, it means he is truly a legit Gonzalez."

"His twin though. His real twin I mean. Sino nga ba ang tunay na Celestine?"

"Nakausap mo na ba si Paul at Niel tungkol dito?"

Tumango sya sa akin at sumandal na rin sa kotse sa tabi ko habang nilalaklak ang natitira sa iniinom nyang lata. "Sila na raw ang bahala roon. Gusto kong maniwala na kilala ko na ang tunay na Celestine pero alam mo 'yun? Hindi pa rin ako makapaniwala. Para kasing oo pero parang hindi."

"They are identical. Iisa lang ang mukha nila. Anong nakakagulat doon?"

"I know. Hindi ko lang talaga maiwasang magulat. Have you called her?"

"No. But we are keeping an eye on her."

"Wala naman dapat ikabahala sa kanya, we have known her for years. Mataray lang sya at may pagkabaliw rin minsan pero alam kong mabuti syang tao."

Listen To My LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon