Chapter 32 - His Twin

9.3K 345 216
                                    

Chapter 32

Celestine

Hinintay ko ang pagdating ni Cello. Hindi ko siya nakita magmula pa kahapon kaya nag-aalala na ako kung saan nagpunta ang lalaking iyon. Wala naman sigurong ginawa si Jace sa kanya hindi ba? Kaya rin naman ni Cello ang sarili niya kung sakali.

Hanggang ngayon ay nasa Black Savage Headquarters pa rin ako. Nakiusap sa akin si Jace noong nagkausap kami kahapon, pumayag naman ako dahil sa totoo lang ayoko na ring makipagtalo. Masaya rin ako na hindi na siya gaanong nagtanong pa sa kung ano ang naaalala ko. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko dahil kahit ako ay naguguluhan pa sa sarili.

"Sino ang hinihintay mo riyan Serene?" kulang na lang ay mapatalon ako sa gulat noong makita si Aiden na nakatayo sa tabi ko. Para siyang multo na bigla na lang sumulpot. Narinig ko siyang tumawa dahil sa reaksyon ko. May sandaling alaala ang pumasok sa isip ko, nakita ko siya na kausap ko ngunit nakakunot-noo siya at mukhang galit. Kabaliktaran ng nakikita ko ngayon. Nakakapanibago sa pakiramdam. "Hinihintay mo ba si Jace? Maaga siyang umalis kanina. Dumiretso siya sa Ashez Corporation para tulungan si Nathan."

Umiling ako. "Hinihintay ko si Cello."

"Nakakapanibago."

"Ang alin?"

"Nakakapanibago na marinig mula sa'yo ang pangalan ng iba bukod kay Jace. Wala kang ibang bukambibig noon kundi puro Jace eh. Dati naririndi ako dahil nakakairita. Ngayon, nakakapanibago pala."

Hindi ko maitago ang pamumula ng mukha ko. Ano ba ang alam ng lalaking ito sa akin at pati na rin sa amin ni Jace?

Tumalikod na siya at pinagpatuloy ang paglalakad pero parang may nagtutulak sa akin na kausapin siya.

"Aiden?" Huminto siya at tinaasan ako ng isang kilay. "Kaano-ano ka ni Jace?"

"Ah, so I've heard. Inamin na raw niya sa'yo ang tunay niyang pangalan. That's good." Huminto siya saglit. "Before I answer your question, can I ask you something first?"

Marahan akong tumango, hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"What about I tour inside the headquarters? You can ask me anything you like while walking. Nakakatamad kasi kung nakatayo lang dito. Mas gusto kong naglalakad."

Katulad ng sinabi ni Aiden, inilibot niya ako sa loob ng headquarters ng Black Savage. Mula sa entrance, sa interrogation room, back garden, main office hanggang sa tulugan ng mga miyembro, lahat ng iyon ay pinakita niya sa akin.

Sinagot niya rin ang tanong ko kanina habang naglalakad kami. Sabi niya, kanang kamay raw siya ng ama ni Jace pero noong namatay ito, sa kanya na pinagkatiwala ang mga anak nito. Siya ang tumayong trainer, mentor at kuya ng dalawa hanggang sa kaya na nilang tumayo sa kanilang sariling mga paa. Ngayong nabanggit niya ang pangalan ni Nathan, hindi pa rin ako makapaniwala na may kapatid si Jace lalo na ngayon na naaalala ko na siya. Ni minsan wala siyang nabanggit sa akin tungkol doon.

"Ilang taon ka na Aiden?" tanong na bigla na lang pumasok sa isip ko. Sa tuwing pinagmamasdan ko siya, mukha naman siyang kasing edad namin. Ngunit sa tuwing pinapakinggan ko siyang magsalita, parang marami siyang alam na hindi naaayon sa edad na akala kong edad niya.

Tumawa siya bago ako pinagbuksan ng isa na namang panibagong kwarto na gusto niyang ipakita sa akin.

"Alam mo hindi lang ikaw ang nagtanong sa akin niyan. Ilang taon na ba ako sa palagay mo?"

"Twenty-eight? Twenty-nine?" Umiling-iling siya sa akin. "Early thirties?" pagbabasakali ko pa.

Ngumisi siya sa akin, yung ngisi na may halong pagka-proud sa sarili dahil hindi ko mahulaan ang edad niya.

Listen To My LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon