Chapter 13 - Mistake

8.9K 304 151
                                    

Jace.

Pabalik na ako sa loob ng kotse noong makita si Rico na humahabol. May ilang beses nyang isinisigaw ang pangalan ko. Napakalaki ng ngiti sa kanyang mukha.

Kunot-noo at taas kilay ko syang nilingon. "Anong ginagawa mo rito Rico?"

Hingal syang huminto sa harap ko. Napayuko at napahawak sya sa may tuhod pero ang laki ng ngiti sa mukha nya ay hindi pa rin nawawaglit. "Hello Jace!" mabilis nyang kaway. "Ang bilis mo namang maglakad! Napagod ako roon ah."

"Hindi naman halata." Binuksan ko ang kotse ko.

"Wait lang!" hinarang nya ito bago pa ako makapasok. "Ano ba yan kadarating ko lang aalis ka na agad?"

"May kailangan pa akong puntahan." Pinapaalis ko sya pero ayaw nyang magpatinag. "Rico, alis."

"Jace naman lagi ka na lang may pinupuntahan. Hindi ka na nakakapaghang-out kasama namin." Naghalukipkip sya na parang bata. "Minsan na nga lang akong umuwi rito sa Pilipinas kung hindi kita pupuntahan hindi na kita mahahagilap." Sumimangot sya ng napakahaba. Patagilid ko syang itinulak sa may ulo. Nauumay ako sa kaartihan nya. "Aray ko naman!"

"Ayaw mo kasing umalis." Umupo ako sa driver's seat pero hindi ko pa rin tuluyang naisara ang pinto dahil iniharang nya ang paa. Mula sa paa nya ay iniangat ko ang tingin. He is grinning from ear to ear.

"What?" inis kong tanong.

"Sama ako."

"No." Isinara ko ang pinto pero iniharang naman nya ang braso nya. "Isa. Aalis ka o puputulin ko 'yang kamay mo?"

"Harsh." Sambit nya roon na parang may nakakatuwa sa sinabi ko. "Anong ginagawa mo rito? Nandyan ba sina Niel sa loob?"

"Ikaw ang dapat kong tanungin nyan. Anong ginagawa mo rito sa Ellipses Headquarter? Hindi ka dapat pumupunta rito. Alam mong delikado para sa'yo na hindi myembro."

"Eh kasi," kamot nya sa may batok. "binilin sa akin ni my loves na kamustahin ko raw from time to time si kuya Paul at kuya Niel nya. You know, ang hirap lang kasing tanggihan kaya nandito ako."

"Yun pala eh, pumasok ka sa loob. Nandoon ang mga hinahanap mo." Sinubukan ko ulit na isara ang pinto pero hinarang nya ulit ito. Napapikit ako ng mga mata dahil sa kakulitan nya. "Rico, isa pa tatamaan ka na sa akin."

"Eeh, samahan mo ako. Sige na." Pakiusap nya.

"Ang tanda mo na. Kaya mo na 'yan."

"Jace alam mo naman na ang daming pasikot-sikot sa loob. Maliligaw ako katulad noong dati!" takot nyang pag-amin. Naalala ko tuloy bigla ang araw na iyon. Minsan syang isinama ni Nyree papunta rito dahil sa isang selebrasyon. Hindi ko alam ang buong kwento pero nahiwalay raw sya kay Nyree noong araw na 'yon dahil sa sobrang dami ng myembro ng Ellipses ang dumalo. Naligaw si Rico at ilang oras din namin syang hinanap. 'Yon pala na-trap na sya sa isa sa mga patibong sa loob na sikretong itinago ng Ellipses para sa mga taong hindi myembro na magtatangkang pumasok. Mabuti na lang nakita namin sa cctv kung saan sya nagtungo kundi baka hanggang ngayon nandoon pa rin sya.

"Tawagan mo si Niel at magpasundo ka sa kanya."

"Hindi nya sinasagot." Reklamo pa nya. "Ikaw na lang. Ikaw naman ang nandito eh."

"Kagagaling ko lang sa loob. Ayoko nang bumalik."

"Ang daya! Ay... ano 'yan?" bago ko pa makita kung ano ang tinutukoy nya ay naramdaman ko na lang na kinuha nya ang larawan na ibinulsa ko sa bulsa ng damit ko. Sinubukan kong agawin pero nailayo na nya ito. Itinaas nya ito palayo sa akin upang makita ng maayos. "Aww ang cute naman. Ang daming babies! Wait, mama mo ba ito Jace? At si Lady Magdaleine nandito!"

Listen To My LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon