Chapter 2 - On the Search

10.4K 380 106
                                    

Jace.
Lumabas ako sa pinagkukulungan ni Dal at iniwan sya roong mag-isa. Inutos ko kay Aiden na gamutin kahit papaano ang sugat nya. Paano ko sya masasaktan ulit kung pagbalik ko ay hinang hina na sya at nasa bingit na ng kamatayan dahil sa pagkakaubos ng dugo? Hindi pwedeng mangyari iyon. Hindi pa sya pwedeng mamatay agad dahil pahihirapan ko pa sya. Kailangan pa nyang pagdusahan ang lahat ng ginawa nila. Gusto ko syang magdusa. Gusto kong dumating sa punto na hihilingin nya sa Dyos na sana hindi na lang sya ipinanganak sa mundo. Pero yun eh kung may Dyos pa sya. Kung may Dyos pa na makikinig sa kanya.

Sinundan muli ako ni Aiden sa paglalakad. Gusto nya sanang sabihin sa akin ang magiging schedule ko para sa araw na ito pero bago pa man nya naibuka ang bibig ay mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad. Tapos na ang mga araw na nakokontrol nya ang buhay ko. Kung ano man ang mangyayari at gagawin ko sa araw na ito ako lang ang may hawak. Hindi ko na ito ulit hahayaan na hawakan pa nino man.

Pumunta ako sa isang restaurant kung saan ako makikipagkita sa mga gangmates ko. Pagdating ko roon ay isa-isa nila akong binigyan ng isang magalang na pagsalubong.

"Boss, wala na pong magsasalita sa gang na inutos nyo sa amin. Binura na po namin sila sa mundo kagabi lang din noong inutos nyo."

"May nakaligtas ba kahit isa?"

"Wala po boss at nakakasigurado ako sa inyo. Pulbos po sila."

"Good."

"Another drink, sir?" Iniangat ko ang tingin at nakita ang isang waitress sa tabi ko. Iniabot ko na lamang ang baso.

"Meron akong naririnig na mayroon na namang mga bagong gang na bumubuo ng alyansa para pabagsakin ako. Hanapin nyo bago pa sila tuluyang lumakas."

"Masusunod, boss."

"Si Dal, kayo ba ang nakahanap sa kanya?"

Nagkatinginan silang lahat sa isa't-isa.

"H-hindi po boss."

"Sino?"

"Ako, Jace." napahinto ako sa ginagawa ko. Hindi ko na kailangang lingunin kung kanino nanggaling ang boses dahil marinig pa lang ang boses nya kumukulo na ang dugo ko sa hindi malaman na kadahilanan.

Malakas kong sinipa ang upuan na nasa harapan ko bago ako tumayo at sinunggaban sya ng isang malakas na siko palikod na naiwasan nya. Kinuha ko ang mga kutsilyo ng mga kasama ko na nakapatong sa mesa at pinaghahagis sa kanya. Nagsihiyawan ang mga tao sa loob ng resto at nagsilabasan sa takot.

Opensa ako ng opensa samantalang ang kalaban ko ay puro depensa. Mas lalong umiinit ang dugo ko dahil sa pagiging duwag nya.

"Sinong nagsabi sayo na may karapatan kang pumunta rito at magpakita sa akin? Sumagot ka!"

"Jace, hayaan mo na akong tumulong. Gusto ko lang din namang tumulong na mahanap sa lalong madaling panahon si--"

"Itikom mo ang bibig mo, Julian. Ni wala kang karapatang sambitin ang pangalan nya hayop ka!"

Bumalibag ang lahat ng lamesa. Ang mga baso ay nagsisibasagan. Hinila ko ang baril na nasa bewang ko. Wala na syang ibang maatrasan kundi ang malamig na sementong pader sa likod nya. Nanlalaki ang mga mata nyang itinaas ang mga kamay sa hangin.

"Umalis ka na rito bago ko pa pasabugin ang bungo mo."

"Jace... isipin mo na lang na ginagawa ko ito para sa kanya. Hinanap ko si Dal dahil gusto kong bayaran ang lahat ng ginawa nya sa akin. Alam kong alam mo yun. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya...kung hindi dahil sa sakripisyo nya... wala na ako sa mundo ngayon limang taon na ang nakakalipas."

Listen To My LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon