Chapter 1 - The Real One

12.2K 433 152
                                    

Jace.

Lumulubog ako sa ilalim ng tubig. Palubog ng palubog. . .

Pinigilan ko ang sarili na huwag huminga. Sa isip ko ay lumulutang ako sa dagat at nagpapaalon-alon sa tubig. Parang isang tangkay ng kahoy na mabagal ang pag-ugong, lumulutang sa kawalan. Sa dagat na puno ng misteryo, hindi mo alam kung saan ka patungo. Walang kasiguraduhan kung lulubog ka sa kawalan o aahon upang makita ang panibagong pagsikat ng araw.

Idinilat ko ang mga mata ko.

Sa ilalim ng tubig ay para akong nasa loob ng isang bula. Tahimik. . . wala akong ibang naririnig kundi ang ang marahang pagtibok ng puso sa aking dibdib.

Mayroong mga imahe ang nagbabalik sa isipan ko. Mga masasakit at mapapait na ala-ala. . . wala akong ibang magawa kundi ikuyom na lamang ang mga kamay ko.

Umahon ako sa tubig na kanina ko pa pinagbababaran. Isang malalim na pagbuga ng hininga ang pinakawalan ko mula sa paglubog na ginawa.

May naghagis ng twalya sa ulo ko. Nakita ko na pumasok si Niel sa loob.

"Sabi ko na nga ba nandito ka. Ilang beses mo bang kailangang gawin iyan ng paulit-ulit bago ka makuntento? " umiling sya, hindi aprubado sa ginagawa ko sa sarili ko.

Tumayo ako mula sa bath tub. Sa ginawa kong pag-ahon ay bumaba ang tubig mula sa mataas na lebel nito.

"Magpalit ka na. Marami ka pang gagawin."

Isinara ni Niel ang pintuan at sa pangalawang pagkakataon ay naiwan akong mag-isa sa loob ng banyo.

Humarap ako sa salamin at isinandal ang dalawa kong kamay sa may lababo. Wala akong suot pantaas. Ang twalya na inihagis sa akin ni Niel kanina ay nakasabit at maayos na nakapulupot sa bewang ko. Malabo kong nakikita ang aking repleksyon dahil sa hamog kaya pinunasan ko ito gamit ang isa kong kamay.

Dalawang pares ng malalamig na mata ang bumungad sa akin pagkapunas na pagkapunas ko ng salamin.

Tumatagaktak ang tubig sa noo ko mula sa basa pa ring buhok na hindi ko pa napupunasan. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Para akong nakikipagbunuan ng tingin sa aking sarili. Wala sa sarili kong hinaplos ang mukha ko. Mula sa noo, mga pisngi na mas lalong naging prominente ang hugis mula sa ilang taon na lumipas, hanggang sa may taas ng labi ko at sa may baba na ilang beses ko nang inahit dahil sa hindi mapigilang pagtubo ng bigote't balbas dito.

Sino ka? Gusto kong itanong sa harap ko.

Sa repleksyon ko ay isa nang mama, hindi na isang bata na hindi na maibabalik ang nakalipas na gulang.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakahanda na ang lahat ng isusuot ko sa may higaan. Sandali kong sinipat ang oras sa may dingding. Alas-syete imedya na ng umaga. Wala na akong sinayang na oras at dinampot ang unang saplot na maabutan ng kamay ko. Matapos ang ilang sandaling metikulosong pag-aayos sa sarili, humarap ako sa salamin. Isa na lang ang hindi ko pa naayos, ang kurbata sa may dibdib ko. Lumabas ako at hinayaan itong nakasabit ng hindi naayos. Samantala, ang blazer ko ay nakapatong sa isa kong braso.

Sinalubong ako ni Aiden pagkatapak na pagkatapak ko sa may pinto. Sa tabi ko ay ang sunod sunod nyang ibinahagi sa akin ang magiging schedule ko para sa araw na ito. Diretso ang tingin ko sa harap, tuwid ang pagkakalakad at ang tindig ay sumisigaw ng respeto at kapangyarihan.

Lahat ng madaanan ko ay napapayuko. Bumabati sila ng isang magandang umaga bagay na sinuklian ko ng isang matipid na pagtango at marahang pagngiti.

Karamihan ng mga kababaihan ay pasimpleng napapatili. Agaw pansin ang atensyon na ipinupukol ko sa kanila. Samantala, kapansin pansin ang inggit na nakikita ko sa mga kalalakihan. Sa mga nangungusap nilang mga mata ay ang pagkadisgusto. Sa likod ko ay ang masasakit at mapanirang bulungan ngunit ipinagsasawalang bahala ko na lamang ang mga ito.

Listen To My LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon