Chapter 9 - Fight for the kill

6.7K 286 79
                                    

Celestine

Lumambitin ako sa isang bakal bago tahimik na bumaba sa sahig sa pinaka-unang palapag nitong barko. Pinaputukan ulit nila ako ng baril kaya daglian akong nagtago sa isang pader.

"Lumabas ka na! Huwag na kayong magtago. Sa amin na ang barko pati ang lahat ng laman nito! Wala na kayong magagawa." Narinig ko ang malakas nyang pagtawa. Tahimik akong umabante kung saan hindi nya ako makikita. Malapit lang sya sa akin. Nakasuot sya ng isang simpleng sando at shorts na halatang kupas na. Nangingitim ang balat nya sanhi ng matagal na pagbababad sa araw. Ang buhok nya ay kinulayan nya ng kulay mais. May hawak syang rifle na nakahandang iputok kung kinakailangan.

Minanmanan ko ang bawat galaw nya. Sa likod ng mga bakal na pader ay ang lugar kung saan ako tahimik na nagtatago. Noong magkaroon ng pagkakataon ay agad ko syang sinunanggaban. Nagpagulong-gulong kami sa sahig at nabitawan nya ang nag-iisa nyang armas. Mabilis kong ipinaikot ang hawak na arnis sa isang kamay. Hinampas ko ang kamay nya pati ang mga paa pero lumaban sya at itinulak ako upang muli syang makatayo. Tumakbo sya sa direksyon ng rifle nya ngunit sinipa ko na ito palayo. Wala syang nagawa kundi makipaglaban sa akin ng mano-mano.

Itinaas ko ang kaliwang kamay sa harap ko samantalang ang kanan ay nakahawak sa arnis na nakahanda na sa susunod nyang gagawin. Lumusob sya sa akin ngunit bago pa man makalapit ay hinampas ko na ulit sya sa kamay. Napaatras sya sa sakit. May inilabas syang kutsilyo mula sa kanyang bewang.

Para syang isang bulag na may hawak na kutsilyo habang sumusugod sa akin. Hindi nya alam kung paano gamitin ng tama ang dalang patalim kaya mabilis kong nahawakan ang kamay nya, binali, bago sinipa ang kutsilyo sa kamay nya palayo. Pumunta ako sa likod nya, pinaluhod sya habang hawak-hawak ang dalawang kamay nya sa isang posisyon na hindi sya makakawala. Itinaas ko ang isang kamay na may hawak na arnis at hinampas sya sa may batok.

"Marami pa sa taas Celestine. Huwag mong panggigilan ang isa."

Itinulak ko ang walang malay kong kalaban at lumapit kay Cello na alertong-alerto sa maaaring mangyari. Pinulot ko ang sinipang rifle kanina na nasa lapag. "Ilan nang napatumba mo?"

"Dalawa. Ibig sabihin may pito pa sa taas. Dalawa ang nakita kong nasa Main Control samantalang tatlo ang kasama ng Kapitan na nag-iikot sa loob upang hanapin pa ang iba pang kasama nila. May nakatutok na baril sa ulo nya."

"Ibig sabihin may dalawa pang nagpapatrolya sa paligid."

Tumango sya sa akin. "Ako na ang bahala sa dalawang nagpapatrolya. Mabuti pa siguro ikaw ang sumunod doon sa tatlo na kasama ng Kapitan. Huli kong narinig papunta sila sa Engine Room. Hindi nila pwedeng mapasakamay iyon dahil kung hindi, patay tayo."

Tumakbo na Cello upang gawin ang misyon nya ngunit bago pa sya tuluyang makalayo at tinawag ko ang pangalan nya. Bahagya syang humarap.

"Mag-ingat ka." Sabi ko sa tono na nagsasabi ng ibang emosyon na hindi ko masabi para sa kanya.

"Ano ka ba. Babalik ako. May dwelo pa tayo hindi ba?"

Bahagya akong tumango. Sumaludo sya sa akin pagkatapos ay wala na sya.

Huminga ako ng malalim at naghanap ng mapa ng barkong ito. Sa mga kamay ko ay ang rifle na mabilis kong kinasa. Dito na magsisimula ang tunay na laban.

Dumiretso ako sa Engine Room na sinabi sa akin ni Cello.

"Nasaan pa yung iba mong mga kasama? Ilabas mo na sila!"

"Sabi ko nga sa'yo hindi ba? Kami lang ng mga nasa taas ang tao sa barkong ito."

"Sinungaling! Wag ka nang magsinungaling kundi malilintikan ka sa akin."

Listen To My LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon