Chapter 29 - King and Queen

8.5K 300 221
                                    

Chapter 29

King and Queen

Celestine

"Anong ibig mong sabihing sinusugod na tayo? Nakapasok na ba sila sa loob?" Mahinahon ngunit seryosong tanong ni Niel sa taong pumasok.

"Nakapasok na sila sa teritoryo natin pero hindi rito sa main headquarter. Pero kahit pa gano'n, nagpa-panic na ang ilan sa mga miyembro natin. Ano raw ang dapat gawin? Paano raw kung pasabugin din tayo? Paano kung tuluyan nilang mahanap ang headquarters natin?"

"That will be impossible because we will not let them."

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko, dapat kasi talaga tinapos na natin ang mga siraulo na 'yun matagal na," asar na komento ni Nathan sa may tabi. "Nagiging sakit na sila ng ulo. Hindi na sila nakakatuwa."

"What is happening with the mission Raven?" tanong ni Paul sa kanya.

Umiling siya bilang sagot. "Negative."

Nagkaroon ng ilang pagsabog sa paligid. Nagsimula nang magbigay ng utos sina Niel at Raven sa mga tao na naroon. Gayunman, higit na napapansin kong pinakasinusunod nila ay si Raven.

"Niel kailangan ka na rin sa harap kaya kailangan mo nang pumunta roon."

"Will do." Tango niya.

"Nathan send me all of the information you can get from their main source. Ipitin mo sila kung kinakailangan. Enough with this bullshit of a game."

Ngumisi si Nathan. "Hay natauhan ka rin. Ang tagal ko nang hinihintay na sabihin mo 'yan eh."

Wala pang ilang sandali ay naglaho na ang mga tao sa harap namin. Kaming apat nalang nina Paul, Cello at Raven ang naiwan.

"Habang nandito pa kami anong maitutulong namin?" tanong ni Cello sa kanya mayamaya.

"Help Paul." Seryoso niyang sagot bago dumiretso sa pinto at muli itong binuksan. "Celestine, sumunod ka sa akin."

"Bakit--" hinila niya ang braso ko bago pa makapagsalita si Cello na tinawag ni Paul.

"Saan tayo pupunta? Teka sandali nga, sandali! Bakit ka ba nagmamadali Raven?" Pilit kong binabawi ang braso ngunit ayaw niyang bitawan. Huminto kami sa harap ng isang kotse noong makalabas kami sa isang panibagong lagusan. Binuksan niya ang pinto para sa akin.

"Sakay."

"Hindi ko iiwan si Cello." Tatakbo na sana ako palayo noong nahawakan niya ako sa may bewang at sapilitang ipinasok sa loob. Nahampas-hampas ko na siya ngunit tila wala siyang pakialam. Isinuot niya ang seatbelt sa akin at noong marinig ang pag-click nito, pumasok na rin siya sa loob ng driver's seat.

Galit akong humalukipkip. "Pwede ba kahit isang tanong ko man lang sagutin mo? Saan tayo pupunta?"

"Some safe place."

"Paano si Cello--"

"For once, can you stop talking about him?" He irritatingly snapped.

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw ang problema ko."

May biglang bumangga sa kotse na sinasakyan namin kaya halos mapatilapon ako at napahawak kay Raven. Mabuti na lang naka-seatbelt ako. Narinig ko si Raven na tahimik na napamura bago kumambyo at mabilis na iniliko ang sasakyan.

"Okay ka lang?" Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Oo. Ikaw?"

Tumingin siya sa akin saglit, mukhang hindi nakapaniwala na itatanong ko yun. "I'm okay."

Listen To My LullabyWhere stories live. Discover now