Chapter 16 - Lost

8.1K 304 133
                                    

Jace.

Niyakap ko sya ng mahigpit. Ayoko syang pakawalan. Ang kamay nya ay nasa dibdib ko, kay lapit nya sa akin hindi ako makapaniwala. Nandito sya. Nandito sya. Tumitindi ang sidhi ng tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong sabik, gulat, pangungulila at saya. Pero ang maramdaman ang mainit nyang paghinga sa balat ko, ang maliit nyang pigura sa bisig ko, ang pakiramdam na sya ay nasa tabi ko... may parte sa puso ko na muling nabuhay at ang tanging hinahanap ay walang iba kundi sya.

Hinaplos ko sya sa mukha at tinanong kung bakit ngayon lang sya nagbalik. Parang isang dahon na papalapag sa lupa ay ang masuyo kong halik, sa noo nya, sa ilong, sa pisngi... hinahanap ng labi ko ang kanya. Pero pinigilan ko ang sarili.

"Hindi mo alam kung gaano katagal kong hinintay ito." I whispered in her slightly parted lips, teasing me.

Kahit anong gawin ko ay hindi ko maialis ang tingin ko sa mapupula nyang mga labi. Like in a sort of trance, I inhaled her scent. Nahulog na naman ako sa mahikang nakapalibot sa kanya ng hindi ko namamalayan. Because just by looking to her eyes, I know, I am captivated.

"Jace..." May narinig akong nagsalita. Ang tingin ko ay nasa kanya, naghihintay lamang sa sasabihin nya. "Jace..." May tila ba tumutulak sa akin. May nararamdaman akong marahang pagyuga. "Jace..." May humihila ng braso ko. Niyakap ko sya ng napakahigpit. Hindi. Wag. Ayoko. Hindi nila ako mailalayo sa kanya. "Jace!" Idinilat ko ang mga mata ko. Niyapos ko ang hawak ng aking bisig ngunit naalimpungatan noong mapagtanto na isang puting unan lang pala ang yakap-yakap ko. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Naguguluhan. Sa harap ko ay ang nag-aalalang mukha ni Nathan. Sya ang humihila ng braso ko kanina.

"Ayos ka lang? Gusto mo ng tubig? Akala ko hindi ka na humihinga kanina eh. Grabe naman 'tol, tinakot mo ako roon ah."

"Nasaan sya?"

"Sinong sya?"

"Nandito lang sya..." Pinagmasdan ko ang mga kamay ko. Inilibot kong muli ang tingin sa paligid. "Nathan nandito lang sya."

Kunot-noo nya akong tiningnan. "Sino bang tinutukoy mo? Ayos ka lang ba talaga?" Hinawakan ko ang isang braso nya. Hindi ko maitago ang panic na namamayani sa aking dibdib.

"Idala mo ako sa kanya. Saan nyo sya idinala?"

"Hindi kita maintindihan Jace--"

"Si Serene!" Hinawakan ko ang dalawang braso nya. Bakas ang pagmamakaawa sa aking mga mata. "Nathan saan nyo sya dinala? Idala nyo ako sa kanya."

May pumasok na doktor, kasama nito si Niel sa tabi nya.

"O, Mr. Alvarez I am glad you're awake! Looks like almost three days of undisturbed sleep and rest really helped you a lot. Gumagaling na ang ibang pasa mo sa mukha."

"Three days?" Naguguluhan kong nilingon ang doktor matapos marinig ang sinabi nya.

Tumango sya sa akin. "Basta tandaan mo lang na kumain sa tamang oras at kailangan pa ng maraming pahinga. Babalik na ulit ang lahat sa dati." May chineck pa sya sa hawak nyang file at pagkatapos ay nagpaalam nang umalis.

"Tinakot mo kami roon Jace." Umiiling na wika ni Niel. "Pero sabi ko nga kay Nathan walang mangyayaring masama sayo dahil isa kang masamang damo."

Tinanggal ko ang IV na nakatasuk sa braso at kamay ko. Tumayo ako mula sa higaan para lumabas, hinarang nila ako.

"Teka lang saan ka pupunta?" Tinanggal ko ang kamay ni Niel sa braso ko.

"Kung hindi nyo ako idadala sa kanya, ako ang pupunta sa kanya."

"Anong idadala sa kanya?" Naguguluhang nilingon ni Niel si Nathan.

"Si Serene raw."

Tinanggal ko ang hospital gown na suot. May nakita akong extra na damit sa tabi ng kama na sa tingin ko ay dala nila para sa akin. Mabilis ko itong isinuot.

Listen To My LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon