Chapter 23 - The Lost Clan

8.8K 316 187
                                    

Raven.

Tahimik ang daan papunta sa mga silid ng Balay pagkapasok ko. Madaling araw, hindi pa sumisikat ang araw sa itaas. Walang tao sa paligid. Nasa loob pa rin sila ng kanilang mga silid.

Ilang araw ko nang nililibot ang Main Headquarters, naghahanap, nagmamatyag, nagmamasid ng kahit ano mang kakaiba na magdadala sa akin sa hinahanap ko. Kung sino ang pitong myembre ng NL7. Ngayong araw na ito, dito naman ako sa Balay na tinatawag nila pumunta. Kung saan natutulog ang mga myembro. Parang isang dormitoryo. Sa unang palapag ang kwarto ng mga lalaki samantalang sa pangalawang palapag naman ang sa mga babae.

Tumingin ako sa paligid. Maingat kong binuksan ang isang pinto. Ayon sa mapang nakalap ni Paul sa kabuuan ng lugar, apat ang palapag ng kabuuan ng gusaling ito. Dalawa pa lang ang napasok ko. Ang natitirang dalawa ay isa pa ring palaisipan sa akin. Wala ni ano mang hagdan ang nagtuturo papunta sa pangatlong palapag. Kaya iyon ang hinahanap ko ngayon.

Ang pang-apat, sigurado akong underground.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto sa likod ko. Nag-iingat na hindi makagawa ng kahit ano mang ingay na magtuturo kung nasaan ako.

Diretso ang daan. Walang kasiguraduhan kung saan ito patungo kaya hinanda ko ang baril sa aking kamay. Sa dulo ay mayroong isang nakapadlock na pinto. Sa kaliwa ay isa na namang daan ngunit sa dulo ay mayroon ding pinto na may parehas na itsura at ganun din sa kanan.

Tatlong pinto. Saan ang tamang daan?

"May time bomb sa loob lalo na dyan sa padlock which connects it from the inside. Kung pasasabugin mo yan gamit ang baril mo, you will just blow all of our cover." Para ipakita sa akin ang punto nya, itinaaas pa nya ang nakasarang kamay sabay bukas. His mouth is creating a silent 'Boom!' sound.

"Wala akong maaalala na dapat kasama kita rito." Ipinasok ko ang baril sa tagiliran ko. "Sa Main Headquarters ang focus mo. Kung dalawa tayo sa iisang lugar, wala tayong magagawa pareho." Mataman ko syang tiningnan. Nagkibit balikat lamang sya.

"Nahalughog na natin iyon kahapon hindi ba? Wala tayong nakita. So I thought... you might need my help here."

"I don't need your help here." I snapped at him.

Itinaas nya ang mga kamay sa hangin. A sign of surrender. "Okay, okay. I did not mean to offend you. I am just being... honest."

Ngumisi ako. Napasinghal. "Yeah. Honesty. Why don't you start preaching that Julian?"

Hindi na sya nagsalita. Mabuti na rin iyon dahil alam nya na kapag sinimulan nyang depensahan ang sarili ay mauuwi lang ang usapan na ito sa walang katapusang bangayan.

"Jace—"

"It's Raven." Pagtatama ko sa kanya. "Nasa teritoryo tayo ng kalaban. Call me with my real name again and I will shoot you point blank range in the head."

Hindi pa rin kami ayos. But atleast we're civil with each other. Umiinit pa rin ang ulo ko sa tuwing nakikita ko sya pero ipinagsasantabi ko na lamang ito dahil ayokong masira ang plano namin. As long as he kept his distance from me, we're good.

Ibinalik ko na lang ang tingin sa padlock. "Paano mo nalaman ang tungkol dyan."

"Ganyan na ganyan ang ginagamit nila sa mga pintuan sa Main na gusto nilang ilayo sa mga myembro nila. Noong mga unang araw ko rito, I saw one member who were curious enough to see what's inside. Tuwing gabi pumupuslit sya. Nasa iisang dorm lang kami kaya sinundan ko sya. Sinubukan nyang sirain yung padlock sa pamamagitan ng martilyo. Isang pukpok ayun, BOOM! Bits and pieces. Hindi na nakilala ang lasublasob nyang katawan pagkatapos."

Listen To My LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon