Chapter LIV-C

44.2K 1K 263
                                    

[A/N: I apologize sa sobrang tagal nitong update. Nabusy lang po sa FINALS namin. If you're willing, basahin nyo nalang ang last chapter kung di nyo na naalala. :) Pagpasensyahan nyo na rin ang mga wrong grammar ko dito.]

**

“What the hell are you talking about? I only have one child. Just one, and that’s Kai.

Ito na sigurado ang sinasabi nilang TRIPLE KILL sa Dota. First Blood ‘yong pag-reject ng mama ni Xavier sa akin kanina lang... tapos biglang maririnig ko naman ngayon na isa lang ang anak na itinuturing ng biological mother ko, mula pa mismo sa bibig nya.

“Mei.” Tinignan nya ako na parang nag-aalinlangan na sa pagbalik sa table matapos marinig ang sinabi ng ‘biological mother’ ko. Grabe ang boses nya, dinig na dinig namin kahit malayo pa kami.

Ginagap ko ang kamay nya sabay, “Halika na Xavier ko.” Nginitian ko pa nga sya para mawala ng konti ang pangamba nya. Subalit, pinigilan nya pa rin ako.

“I don’t want you to get hurt even more.”   

“Matagal na nya akong nasaktan. A few words from her couldn’t make it worse when it’s already at its worst.” Hinila ko sya at nakangiti ko pang sinalubong ang mga matang nakatingin sa amin, pero sa isang pares lang ng mga mata ako nakatitig.

I’m amused with the mix emotions I can read through her eyes.

Makilala nya kaya ako?

“Good evening--” At bago ko pa tuluyang matapos ang pagbati ko ay napatayo kaagad ang isang lalaki na katabi ng papa ni Xavier.

“Are you Lance Sandoval’s daughter? A girl version indeed!” Pabalik-balik ang tingin nya samin ni Papa na hangang-hanga talaga sa pagkakahawig namin.

As in magkamukha pala talaga kami ni Papa?

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi nya. Mas gugustuhin ko pang masabihang magkamukha kami ni Papa kaysa sa babaeng katabi nitong kumakausap sa akin ngayon.

Magsasalita na sana ako nang may sumingit.

“Yes, she looks like you Lance but not even a single trace of my genes. Tsaka hindi ako nanampal ng biglaan ng walang sapat na dahilan. I don’t have that kind of attitude.” Taas-kilay sya habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.

Oh~ So naaalala pala talaga nya ako. Good.

“Wait. She slapped… who?” takang tanong ng lalaking kausap ko.

“It’s me darling.” Sagot nya. Darling? In short, asawa nya? “She’s a btch.” Dagdag pa nya na agad na nagpa-anghang sa dila ko.

“Nagmana lang sayo.”Nalipat lahat ng atensyon nila sa akin sa mapangahas kong sagot. “And I thank God, ‘yon lang ang minana ko sayo.”

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Where stories live. Discover now