Chapter LV (They don't know about us)

46.4K 1K 306
                                    


[A/n: Please play the song on the side. :) 

@PerkyAphrodite: Nagchange username ka ba? Di ko madedicate to sayo.]

**

“Sya ‘yong babae, diba? Kailan kaya sila nagsimula?”

“First year pa ah, ang landi na! Pano nalang sa mga next years nya dito?”

“Anak daw kasi ‘yan ni Mr. S! Kaya siguro ganyan katapang lumandi.”

 

Malakas kong hinampas ang ID ko sa Identification card recognizer kaya nahinto sila sa bulong-bulongan nila. Dumaan na ako nang mag-open ang entrance matapos ma-recognize ang id ko.

So, alam na pala nila ang tungkol sa pagiging anak ko ni Papa? E anong kinalandi ‘non? Inggit sila?

Litsi. Nakatingin silang lahat sakin. Alam kong maganda ako, pero wag naman sana nilang pa-halata na naiingit sila sa kagandahan ko diba?  

“Ang taray. Feeling sa kanya ‘to dahil lang anak sya ni Mr. S.”

 

 

Nagsimula ulit ang bulong-bulongan nila. Mga pota. Bumubulong pa e ang lakas naman ng mga boses! Pakamatay kayo.

Dumiretso na ako sa Department ko para kunin ang grades ko. Supposed to be, may online na para makita ang grades pero nasira at inaayos pa kaya para sa semester na ‘to kelangang kunin physically, pati na rin ang enrollment namin. Ang hassle!

“Go btches, gossip all you want.” Sabi ko habang naglalakad. Chin up syempre. At bakit hindi? I didn’t do anything to be ashamed of.

“Feeling Princess—Princess na malandi.”

“Uhuh, di na nahiya. Di man lang nagdala ng pantakip sa mukha nya.”

“Nagawa pang gumala dito. Di ko keri guts nya!”

 

Huminto ako, sa tapat mismo ng nagkukumpulang mga babaeng nanlilibak din sakin. “Excuse me, Ate.”

“Ate?! E pareho kaya tayong first year!” React nya kaagad sa pagtawag ko sa kanya ng Ate.

“Oh. I’m sorry. Mukha ka kasing 5th year e, too matured looking for your age.” Ganti ko sa kanya na may ngiti sa mga labi ko. Nganga sya sa sinabi ko pati mga kasama nya at mukhang na-speechless sya kaya dinagdagan ko pa. "And about what you said earlier, bakit affected ka sa paggala ko? Ikaw ba naman ang regaluhan ng ganitong  ganda, di mo ba irarampa?"

 

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at sinuri ang itsura nya. Hindi sa pagmamayabang, pero kahit di mo na kami ipagtabi… mas maganda talaga ako. “Oh, too bad. Mukhang hindi mo maiintindihan ang ibig kong sabihin. You understand what I mean, right?” Nginisihan ko sya at sinadyang banggain lahat ng babaeng kasama nya na nakaharang sa daraanan ko.

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon