Chapter 15: I Swear

10.4K 221 8
                                    

CHAPTER 15: I Swear

•°•°•°•

It's been two days since I last saw Lawrence's family. Naging busy ako sa exams at pagtatrabaho kaya hindi na rin kami masyadong nakakapag-usap. Alam ko namang busy rin siya dahil exam week ngayon.

Paminsan-minsan ay aksidente kaming nagkikita kapag break time or vacant time at kapag ganoon ang nangyayari ay sumasabay siya sa'min ni Em na kumain kahit na kasama niya ang mga kaibigan niya. At dahil si Em lang ang tanging nakakaalam ng sikreto namin, todo pa-sweet siya sa'kin kapag nandiyan ang mga kaibigan niya.

Ano pa bang magagawa ko? Ganoon talaga. We still need to show them that our relationship is real. Baka hindi namin alam, pinapasundan pala kami ng Daddy niya.

Nandito ako sa coffee shop ngayon para magtrabaho. Kakatapos lang ng huling exam ko kanina kaya okay sa'kin na mag-overtime ngayon bilang pambawi sa mga oras na na-late ako o kinailangan kong umuwi ng maaga para mag-review. I just hope na sana mataas ang mga makukuha kong marka sa exams.

Kakabigay ko lang ng order ng isang customer nang bigla kong narinig ang pagtunog ng pintuan, hudyat na may pumasok na customer. Napalingon ako doon at babatiin ko na sana ito pero bigla akong natigilan nang makilala ang taong pumasok.

Sa postura pa lang nito ay kilalang-kilala ko na siya. Inilibot niya ang paningin sa paligid at nang mahagip ako ng tingin ay agad niyang inalis ang shades na suot. She smiled.

Nahihiya akong ngumiti. "Mrs. Fontanilla..."

Lumapit siya sa'kin at sa paglapit pa lang niya ay kinabahan na ako. Why is she here? At bakit hindi man lang sinabi ni Lawrence na pupuntahan ako ng Mommy niya? Hindi ako ready! Anong sasabihin ko? At ano bang kailangan niya sa'kin? Paano niya nalaman kung saan ako nagtatrabaho?

Sinabi ba ni Lawrence? Patay talaga sa'kin si Lawrence nito!

"Hello, Lorraine," bati nito sa'kin.

Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya binati ko na muna siya.

"Hello po."

"I'm sorry if I went here without telling you. Actually, hindi rin alam ni Lawrence na pupunta ako dito. I just really want to talk to you. Well, that is if you're not busy," sabi niya.

Actually po, busy talaga ako kaya hindi niyo po ako pwedeng kausapin. Pero shucks! Hindi ko dapat sabihin 'yon! What should I do? Should I call Lawrence?

I smiled awkwardly. "Uhh… upo muna po kayo. Magpapaalam lang po muna ako sa manager ko. Do you want some coffee po?"

She smiled. "Yes, please. Sige. I'll wait for you here."

Umupo na siya sa isang upuang inilahad ko sa kanya. Pagkatapos ay nagpaalam ako saglit para kausapin ang manager ko. Pero bago ko gawin 'yon ay dapat ko munang tawagan si Lawrence.

Bago ko tawagan si Lawrence ay ipinaayos ko na muna sa kasama ko ang order ni Mrs. Fontanilla. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng locker room para tawagan si Lawrence. I don't know where he is right now but he really needs to come here as soon as possible! Maiihi na yata ako sa kaba dahil hindi ko alam kung anong sasabihin sa'kin ng Mommy niya!

Mga apat na rings pa ang narinig ko bago niya sinagot.

"Hello?"

"Lawrence!"

"Oh, Raine. Bakit ka napatawag? Saka bakit ka sumisigaw?" tanong niya.

Bahagya kong hininaan ang boses ko dahil baka may makarinig sa'kin mula sa labas.

UnrealWhere stories live. Discover now