Chapter 27: Body Shot

11.1K 257 1
                                    

CHAPTER 27: Body Shot

•°•°•°•

Sinulit namin ang araw na iyon sa pagsu-swimming. Kapag sobrang init ay saka lang kami nagpapahinga. Pagkatapos ay nagsu-swimming ulit kapag hindi na masakit sa balat ang init ng araw.

Pagdating ng gabi ay ako na ang nag-prisintang magluto ng hapunan. Sinamahan naman ako ni Lawrence sa kusina para tumulong kahit na sinabi kong huwag na. Dahil mapilit siya ay hinayaan ko na lang. Iniwan na muna namin sila sa sala na nanonood ng TV.

Kasalukuyan akong naghihiwa ng gulay habang siya naman ay nakatitig lang sa ginagawa ko. Hindi ko naman maiwasang mapairap. Kanina lang, ang sabi niya ay tutulungan niya ako pero ngayon naman, pinapanood niya lang ako.

Nang matapos kong hiwain ang gulay na isasahog ko sa menudo ay sinamaan ko siya ng tingin. Napakunot-noo naman siya.

"Problema mo?" tanong niya.

"Wala!" sigaw ko sa kanya at saka siya tinalikuran para magsimula ng magluto. "Huwag kang kakain, ah!"

Narinig ko naman ang tunog ng upuan hudyat na tumayo siya. Akala ko ay aalis siya pero nagulat na lang ako nang nasa tabi ko na siya. Nakasandal siya malapit sa stove samantalang ako naman ay nagluluto.

"Bakit hindi ako pwedeng kumain? Anong problema? May nagawa ba 'ko?" sunod-sunod niyang tanong. Nilingon ko siya at halata sa mukha niya ang pagkalito.

Inirapan ko siya at ipinagpatuloy ang pagluluto. "Bakit kaya hindi mo tanungin ang sarili mo?"

"Huh? Why? Is it because of what I did earlier? Hey, come on. I already said sorry. Okay ka na rin naman, 'di ba?"

Bahagyang nag-init ang pisngi ko nang ipaalala niya iyon. Grabe siya! Pinipilit ko na ngang huwag alalahanin tapos ipapaalala pa niya? Huwag ko kaya talaga 'tong pakainin?

"Hindi 'yon! At huwag mo na ngang ipaalala iyon," sagot ko.

"Eh, ano nga?" tanong niya habang napapakamot sa batok. "Hindi ba talaga ako pwedeng kumain? Gusto kong matikman 'yong luto mo."

Sumulyap ako sa kanya at napakagat-labi ako para mapigilan ang sarili kong ngumiti. Para kasi siyang batang natatakot sa magulang dahil pinapagalitan. Joke lang naman 'yong hindi ko siya pakakainin pero dahil sa itsura niya ngayon, parang ang sarap niyang asarin.

"Hindi pwede. Isipin mo muna kung ano 'yong ginawa mo. Kapag naisip mo, papayagan na kitang kumain ng luto ko," sabi ko habang nagpipigil ng ngiti.

Ipinagpatuloy ko ang niluluto ko habang siya ay tahimik lang sa tabi ko at nag-iisip. Pasimple akong napangiti. Talagang kina-career niya ang pag-iisip, ha? Ang sarap niyang pag-trip-an ngayon.

Mga ilang sandali ay narinig ko na lang ang boses niyang mukhang hirap na hirap sa pag-iisip. Napangiti ako nang makita ang naaasar niyang mukha.

"Ugh! Wala talaga akong maisip, eh. Ano ba kasi 'yon? Sabihin mo na, please?" pilit niya sa akin.

Dahil hindi ko na mapigilan ay tumawa na lang ako. Ang cute kasi talaga niyang maasar. Para siyang batang hindi makuha ang gusto. Bakit ba ang cute ni Lawrence?

"Why are you laughing?" nakakunot-noong tanong niya.

Umiling ako habang tumatawa. "Huwag mo ng isipin 'yon. Joke lang na hindi kita pakakainin. Ang sarap mo lang talagang asarin."

Nanliit ang mata niya sa akin. Bahagya akong napaatras nang mapansin ko ang ngiti niya. Para bang may gagawin siya sa'kin na hindi ko magugustuhan.

UnrealWhere stories live. Discover now