Chapter 39: In Love

8.1K 200 8
                                    

CHAPTER 39: In Love

•°•°•°•

Alas dose na ng madaling-araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. Kanina pa tulog si Arianne sa tabi ko samantalang ako ay dilat na dilat pa rin hanggang ngayon. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina.

Huminga ako ng malalim pagkatapos kong makitang tumatawag na naman si Lawrence. Hinayaan ko lang ito at hindi ko ito sinagot. Naka-silent na ito kanina pa para hindi magising si Arianne.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na siyang tumatawag sa akin magmula pa kanina. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko na itong hindi sinasagot. Sa totoo lang, gustong-gusto ko na itong sagutin. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil ayoko munang marinig ang sasabihin niya.

Pagkatapos ng nangyari kanina, iniwan ko si Lawrence doon at hindi na siya nilingon pa. Sobra akong nasaktan sa mga sinabi niya. Hindi ko pa kayang kausapin siya dahil doon.

Mabuti na lang at hindi naman napansin ni Tita Meryll na may problema ako. Mabuti na lang din at hindi na sinabi ni Lawrence na wala ako sa coffee shop kanina. Ayoko ng madamay pa sila sa away namin.

Hindi ko maiwasang maisip ang mga nangyari. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit ni Lawrence sa ginawa ko. Well, okay. Nagsinungaling ako sa kanya kaya may karapatan siyang magalit. Nakita niya rin kaming naghahalikan kaya malamang magagalit siya. Pero kailangan ba talaga niyang sabihin sa'kin ang mga masasakit na salitang iyon?

Kung tutuusin, wala rin naman talaga siyang karapatang magalit kahit na totoo ang relasyon namin. Yes, our relationship is real but with no feelings involved. Kaya bakit siya magagalit?

Pero sino bang niloloko ko? Kaya nga niya ginawang totoo ang relasyon namin ay para magkaroon siya ng karapatan sa akin. Para maipagdamot niya ako sa iba. Kaya kahit papaano, may karapatan siyang magalit sa bawat maling nagagawa ko.

Ugh! Hindi ko na alam. Kasalanan ko rin naman kasi talaga. Kung sana sinabi ko sa kanya ang tungkol sa paglabas ko kasama si Raven, hindi sana kami aabot sa ganito. Hindi sana siya magagalit sa'kin at hindi niya sana masasabi ang mga masasakit na salitang iyon sa akin.

Pero galit pa rin ako sa kanya. Nasasaktan pa rin ako sa sinabi niya sa'kin. Kung alam lang niya, bumalik ang takot na naramdaman ko noon nang pilit akong hinalikan ni Raven kanina.

Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog. Nagising na lang ako nang marinig ko ang boses ni Arianne na tinatawag ako. Dahil alam kong hindi na naman ako titigilan ni Arianne hangga't hindi ako bumabangon, pinilit ko na lang na bumangon kahit na inaantok pa talaga ako. Isa pa, papasok pa ako sa school.

Habang papunta ako sa school ay bigla kong naisip si Lawrence. Siguradong makikita ko siya mamaya. Siguradong hindi siya titigil hangga't hindi niya ako nakakausap. Paggising ko nga kanina ay nagulat ako dahil naka-120 missed calls siya! Hindi ko nga alam kung natulog pa ba siya o hindi na.

Mayroon ding message doon pero iisa lang.

From: Lawrence
Babe, I'm sorry. I didn't mean to say that. Please, forgive me. Please, talk to me. Raine...

Napabuntong-hininga na lang ako. Kahit papaano ay humupa na ang galit ko sa kanya ngayon. Hindi ko rin naman talaga siya matitiis, eh. Mahal na mahal ko siya kaya paano ko siya matitiis?

Kaya lang, hindi ko pa siya magawang reply-an o kausapin dahil natatakot ako sa sasabihin niya. Baka kasi may sabihin na naman siya na hindi ko magugustuhan na maging dahilan para magalit na naman ako sa kanya. Ayoko ng magalit sa kanya. Hindi ako sanay na magkagalit kami.

UnrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon