Chapter 16: Mommy Lorraine

11.7K 223 4
                                    

CHAPTER 16: Mommy Lorraine

•°•°•°•

Sinundo ako ni Lawrence sa coffee shop kinabukasan. Alas siyete ng gabi nang nag-out ako. Hindi na ako nagsuot ng dress at heels. Maliban sa kulang sa oras kapag nag-ayos pa ako, gusto ko ring ipakita sa parents ni Lawrence, lalo na sa Daddy niya kung gaano ako ka-simple.

Kaya naman nang makita ako ni Lawrence ay hindi maipinta ang pagmumukha niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka humalukipkip.

"Sigurado kang magpapakita ka sa Daddy ko ng ganyan ang suot mo?" tanong niya.

Tiningnan ko ang sarili ko. I'm wearing a simple white printed shirt, black pants and sneakers. Suot ko rin ang salamin ko ngayon dahil hindi ko dala ang contact lens ko.

"Bakit? Okay naman ang suot ko, ah? Sabi ng Mommy mo kahapon, 'Be yourself' daw. Kaya ayan, I'm being myself. Isa pa, gusto ko rin kasing ipakita sa Daddy mo kung gaano ako ka-simple. Tama na 'yong nagpapanggap akong girlfriend mo. Gusto ko namang ipakita kung sino talaga ako. Don't worry. Isusuot ko pa rin naman 'yong mga dress na binili ni Ate Louisse para sa'kin pero sa mga special occasions lang," mahaba kong sabi.

Napakamot siya sa batok. "Hindi naman 'yong mga dress ang inaalala ko."

"Alam mo, ang mabuti pa, umalis na tayo. Gabi na. Ayokong masyadong gabihin sa pag-uwi," sabi ko at nauna ng pumunta sa kotse niya.

Pinatunog niya ang sasakyan niya kaya dumiretso na ako sa front seat. Nang makapasok naman siya ay bumaling siya sa'kin.

"Are you sure about this? Kung gusto mong mag-back-out, pwede pa," sabi niya.

Actually, medyo kinakabahan ako. Iniisip ko kung ano ba ang gustong sabihin sa'kin ng Daddy niya. Natatakot akong baka may sabihin na naman siyang hindi maganda. Sa totoo lang, gusto ko ng umatras ngayon at umuwi na lang.

But at the back of my mind, nacu-curious din ako sa sasabihin ng Daddy niya. Isa pa, gusto ko na ring mawala ang kabang nararamdaman ko kaya mas okay kung tutuloy na ako.

I sighed. "Yes, I'm sure. Kaya sige na. Pumunta na tayo sa inyo."

Pinaandar naman niya ang sasakyan at umalis na kami papunta sa kanila.

Nang makarating kami sa kanila ay bumaba agad ako ng sasakyan. Sabay na kaming pumasok sa loob. Pero bago iyon ay pinakalma ko muna ang sarili ko dahil kanina pa talaga ako kinakabahan. Nang maayos na ako ay pumasok na kami. As usual, hawak niya ang kamay ko para mas kapani-paniwalang girlfriend niya ako.

Pagpasok namin ay napansin naming walang tao sa living room. Wala rin si Ate Louisse at parang ang tahimik ng bahay.

"Nasaan sila?" tanong ko kay Lawrence.

He shrugged. "I don't know."

Bigla naman kaming nakarinig ng nag-uusap sa kusina. Nagpunta kami doon at naabutan namin si Tita Lorna at Ate Louisse na may kinakalikot sa kusina. Bukod pa doon, nasa likod nila si Carla.

Bakit nandito ang babaeng 'yan? Pinapunta ba siya dito ng Daddy ni Lawrence para ipamukha ulit sa'kin na hindi niya talaga ako matatanggap kahit na anong gawin ko?

"Tita, I told you. Magpa-deliver na lang tayo," dinig kong sabi ni Carla bruhilda.

"Mom, what's going on here?" tawag ni Lawrence sa Mommy niya. Napalingon naman silang tatlo sa amin.

"Oh. Hi, Lawrence!" bati ni Carla. Napatingin naman siya sa'kin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Eww! Who the hell are you? Bagong maid?"

"Watch your mouth, Carla. She's my girlfriend," sabi ni Lawrence.

UnrealΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα