Chapter 40: Feelings

8.5K 192 6
                                    

CHAPTER 40: Feelings

•°•°•°•

Hindi ako nakapagsalita. Hinayaan ko lang na tumulo ang luha ko sa pisngi ko. Pero kahit na umiiyak ako, ramdam na ramdam ko ang kasiyahan sa puso ko. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya pero parang nawalan na ako ng pakialam. Those are the words that I've always wanted to hear from him. And hearing him say those words makes me the happiest girl right now.

Totoo man o hindi, wala na akong pakialam. Masaktan na kung masaktan. Saka ko na iisipin iyon. Ang mahalaga sa'kin ngayon, marinig ko siyang sinasabi sa'kin iyon.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at marahang pinunasan ang luha ko. Ang mga mata niya ay nanatiling nakatitig ng diretso sa akin. Iba't ibang klase ng emosyon ang naroon.

"Raine, I'm in love with you. I love you. I love you so much," paulit-ulit niyang sabi na para bang hindi ko iyon naririnig.

Paulit-ulit naman akong tumango para ipahiwatig sa kanya na naririnig ko siya. Pinilit ko ang sarili kong huwag maiyak sa harap niya. Hinintay ko lang ang mga susunod niyang sasabihin.

"It's true, Raine. I am really in love with you. I don't know how the hell that happened but I don't care anymore. I'm sorry for not telling you about my feelings. I chickened out. Noong sinabi kong crush kita, ang totoo, mahal na kita noon pa man. Kaya ko hiniling na gawin nating totoo ang relasyon natin ay dahil mahal na kita. Hindi ko lang sinabi agad dahil baka hindi naman pareho ang nararamdaman natin para sa isa't isa. Besides, it's written in the contract that we shouldn't fall in love with each other. I'm sorry, Raine. But I want you to know that it's true. I am really in love with you."

Hindi ko pa rin magawang makapagsalita matapos niyang sabihin iyon. Nakatitig lang ako sa kanya habang unti-unti na namang bumubuhos ang luha sa mga mata ko.

Ano ba?! Kailan ba mauubos 'tong luhang 'to? Hindi ako makapagsalita, eh!

Hindi ko na halos maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ramdam na ramdam ko ang sincerity niya nang sabihin niya iyon. Kitang-kita iyon sa mga mata niya kaya alam kong totoo ang sinasabi niya.

He's really in love with me!

"Hey. Babe, please say something," he said when he realized that I wasn't saying anything. "I know you're shocked but please know that what I feel for you is true. Hindi ko na nga halos maintindihan ang sarili ko, eh. Sa tuwing kasama kita, ang saya-saya ko. Kapag wala ka sa tabi ko, lagi kitang hinahanap. I can't even last a day without seeing you or hearing your voice. I feel crazy, Raine. If this is not love then I don't know what it is. This is new to me. I never felt something like this before. Sa'yo lang. Sa'yo ko lang 'to naramdaman."

Mas lalong bumuhos ang luha ko nang sabihin niya iyon. Napahagulgol na lang ako ng iyak dahil sa mga sinabi niya. Gusto kong takpan ang mukha ko para hindi niya ako makitang ganito pero hindi ko magawa dahil hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ang magkabilang pisngi ko.

Kitang-kita ko ang pagkataranta sa mukha niya nang makita niya akong humahagulgol.

"Raine… Raine, what's wrong? Why are you crying like that? Did I scare you? Mali ba na sinabi ko sa'yo ang nararamdaman ko? I'm sorry, Raine. I know this is sudden but I can't take it anymore. Gustong-gusto ko na talagang sabihin sa'yo 'to, eh. I'm sorry. I'm sorry for suddenly saying it to you," aniya.

Malakas ko siyang pinalo sa braso. Napabitiw siya sa pisngi ko dahil sa gulat. Hinimas niya ang braso niyang hinampas ko habang nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.

"Baliw! Bakit ka nagso-sorry? Wala kang kasalanan! Sinabi mo lang 'yong nararamdaman mo," sabi ko.

"Then, why are you crying?" he asked.

UnrealWhere stories live. Discover now