Chapter 33: Surprise

8.9K 179 2
                                    

CHAPTER 33: Surprise

•°•°•°•

Nagising ako nang may maramdamang gumalaw sa tabi ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ang mukha agad ni Lawrence na natutulog ang bumungad sa akin.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Oo nga pala. Dito ako natulog sa condo niya. Specifically, sa tabi niya. Hindi ko akalaing mangyayari 'to. Ang sarap sa feeling na nagising ako sa tabi niya. Sa tabi ng lalaking mahal na mahal ko.

Naramdaman ko ulit ang paggalaw niya at nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Nahigit ko ang hininga ko nang makitang kaunti na lang ay magdidikit na ang mga mukha namin.

Nawala na ang pagkakakunot ng noo niya. He looks peaceful while sleeping. Sa mga pagkakataong tulad nito ay parang ang sarap haplusin ng mukha niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko namang gisingin siya.

Habang pinagmamasdan ko siya ay naalala kong nilalagnat nga pala siya kahapon. Umusbong ang pag-aalala sa akin kaya agad kong dinama ang leeg niya kung okay na ba siya. Pero mukhang mali ang ginawa ko dahil napagalaw siya at tuluyan ng nagising.

Nang imulat niya ang mga mata niya ay napakurap-kurap siya na para bang inaaninag niya kung sino ang nasa harap niya. Bahagya akong lumayo para mas makita niya akong mabuti.

"I'm sorry. Nagising yata kita. Tiningnan ko lang kung may sakit ka pa. Are you okay?" tanong ko.

Nagulat ako nang ilapit niya ako sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"I'm more than okay. It feels so good to wake up with you by my side," he said.

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Pakiramdam ko nga ay namumula na ako ngayon dahil sa sinabi niya. Tumikhim ako at hinarap siyang mabuti.

"So, gusto mo ng kumain? I'll cook breakfast," sabi ko at hindi na pinansin ang sinabi niya kanina. Mabilis naman siyang umiling na ikinakunot ng noo ko.

"Mamaya na. Let's stay like this for a while. I still want to feel you. You're so warm."

Napabuntong-hininga na lang ako at hinayaan siya sa gusto niya. Nakatitig siya sa'kin habang nilalaro niya ang dulo ng buhok ko. Napanguso ako na ikinakunot naman ng noo niya.

"Stop pouting. It makes me want to kiss you," he said.

Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. Natawa naman siya sa reaksyon ko. Napatakip ako sa labi ko dahil sa kahihiyan.

"You're blushing, babe. Para talagang ang sarap mong halikan, eh. Do you want me to kiss you?" he asked. Mabilis akong umiling.

"Hindi pa 'ko nakakapag-toothbrush," sabi ko habang nakatakip pa rin ang isang kamay ko sa labi ko.

Bigla kong na-realize ang ibig sabihin ng sinabi ko nang bigla siyang tumawa ng malakas. It's like I'm indirectly saying that he can kiss me. Dahil doon ay inangat niya ang kamay niya at pilit na tinanggal ang kamay kong nakatakip sa labi ko.

Dahil mas malakas siya kaysa sa'kin, madali niyang natanggal ang kamay kong nasa labi ko. O baka naman hinayaan ko na lang siya sa gusto niya dahil ang totoo ay gusto ko ring halikan niya 'ko? Ah, basta!

Tumigil siya sa pagtawa at tinitigan ako.

"Rence, hindi pa 'ko nakakapag-toothbrush. Baka—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong bigyan ng mabilis na halik sa labi. Sa sobrang bilis ay parang nabitin ako sa halik na iyon. Is it my fault that I'm already addicted to his kisses? He's the one who made me like this so I think it's his fault.

UnrealWhere stories live. Discover now