Chapter 46: Plans

9.1K 166 0
                                    

CHAPTER 46: Plans

•°•°•°•

Nagising ako nang maramdaman ko ang paghaplos ng kung sino sa buhok ko. I slowly opened my eyes and saw Lawrence looking at me while caressing my hair. He smiled when he saw me awake.

Pagkatapos ng nangyari kanina sa school, dinala ako ni Lawrence sa condo niya. Hindi na muna ako pumasok sa iba kong klase sa araw na ito at nagpasya akong huwag na rin munang pumasok sa trabaho ngayon. Bago ako nakatulog kanina ay tinawagan ko muna ang manager ng coffee shop na hindi muna ako makakapasok. Idinahilan ko na lang na masama ang pakiramdam ko.

Hiniling ko kay Lawrence kanina na huwag na niyang sabihin kay Tita Meryll ang nangyari dahil ayokong mag-alala pa siya. Kaya rin dito ako dinala ni Lawrence sa condo niya ay dahil siguradong magtatanong si Tita Meryll kung bakit maaga akong umuwi kung sa bahay ako dumiretso.

"You're awake. Are you okay now?" he asked. I nodded.

"Why are you watching me sleep?"

He shrugged. "I just love looking at your pretty face. And you look peaceful."

Ngumiti ako at isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. He pulled me even closer to him and I hugged him tighter. Amoy na amoy ko ang pabango niya habang nakasubsob ako sa dibdib niya. Bahagya akong umangat at mas piniling sumubsob sa leeg niya. Bahagya siyang natawa nang amuyin ko siya.

Ang bango talaga!

"Gusto mo diyan?" tanong niya sa'kin. Tumango ako. "Do I smell good?"

"Yeah. Gusto ko dito na lang ako. Ang sarap mong amuyin. Ang bango," sabi ko habang inaamoy-amoy ko siya. Tumawa na naman siya sa sinabi ko.

"I like what you're doing to me, babe, but I would just like to tell you that you're turning me on when you're smelling me like this," he said.

Natigilan ako sa ginagawa ko at bahagyang napalayo sa kanya. Nagtaas siya ng kilay nang makita ang ginawa ko. Ngumisi siya ng nakakaloko.

"Oh, ba't ka lumayo? Takot ka?" tanong niya.

Napasimangot ako. "Anong takot? Hindi, ah! Naalala ko lang na nagugutom pala ako. Pupunta muna ako sa kusina para maghanap ng pagkain."

Pagkasabi ko no'n ay mabilis akong tumayo. Pero bago pa man ako tuluyang makaalis ay hinila niya ako pabalik. Nang bumagsak ako sa kama ay niyakap niya ako agad.

"Lawrence…"

"Dito muna tayo. Mamaya ka na kumain. Don't worry. I won't do anything to you. Just forget what I said. I can endure it, babe. Just stay by my side," he said.

Napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi niya. Niyakap ko rin siya at hinalikan naman niya ang noo ko.

"But seriously, are you really okay now?" tanong niya. Bakas sa boses niya ang pag-aalala. Siguro ay iniisip pa rin niya 'yong nangyari kanina sa school. Ako rin naman pero pinipilit kong kalimutan na lang iyon dahil gusto kong maging okay para sa kanya.

Besides, he's here by my side. Sapat na sa'kin 'yon para kalimutan ang mga nangyari kanina.

"I'm really okay, Rence. Huwag ka ng mag-alala. Alam ko namang darating talaga ang araw na malalaman nila ang tungkol kay Arianne. Hindi rin naman maiiwasan na magsabi sila ng mga masasama tungkol sa'kin pero ano bang magagawa ko? Hihintayin ko na lang na makalimutan nila ang tungkol doon," I said and smiled to assure him that I'm fine. "Let's not talk about it. Iba na lang ang pag-usapan natin."

Napabuntong-hininga siya at tumango.

"Okay. Let's talk about our future, then," he said. "What are your plans after graduation?"

UnrealWhere stories live. Discover now