Chapter 7: Kaibigan

10.9K 215 3
                                    

CHAPTER 7: Kaibigan

•°•°•°•

Tumingin ako kay Lawrence. Nahihiya man ako ay nilakasan ko na ang loob ko na sabihin sa kanya ang dapat kong sabihin.

"Uhh, Lawrence..."

"Hmm?"

"Pwede ba 'kong mag-advance?"

Napatingin siya sa'kin at napataas ang kilay. He looks amused.

"Hindi pa nga tayo nagsisimula, gusto mo na agad mag-advance? Bakit?" tanong niya.

Napalunok ako. "Uhh, kasi... exam na next week, 'di ba? So... kailangan ko ng magbayad ng pang-tuition fee. Hindi pa kasi ako sumusweldo sa coffee shop, eh."

Napatango-tango siya. "Okay," sabi niya at may kinuha sa wallet niya. "Magkano ba kailangan mo?"

"Magkano ba ibabayad mo sa'kin?"

Sinabi niya sa'kin kung magkano ang ibabayad niya. Sakto rin na ganoon kalaking halaga ang kailangan ko kaya sinabi kong kukunin ko na lahat. Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Ganoon kalaki agad ang kailangan mo? Aware ka naman siguro na kapag binigay ko 'yon lahat agad sa'yo, wala ka ng makukuha sa oras na susweldo ka na talaga sa'kin. Ayaw mo bang kalahati muna ngayon para kapag sumuweldo ka, may kalahati pa?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi na. Kailangang-kailangan lang talaga."

Okay lang naman talaga. Susweldo rin naman ako sa coffee shop kaya may pagkukuhanan pa 'ko ng pangkain namin. Kailangan ko lang talaga para sa anak ko.

"Teka. Bakit parang ang laki naman ng babayaran mo sa school? Ganito ba talaga kalaki ang tuition doon? Hindi ko kasi alam kung magkano, eh. Hindi naman ako ang nagbabayad ng tuition ko," sabi niya.

Napakagat-labi ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung magkano ang ibinabayad na tuition fee. Scholar nga ako, 'di ba? Kaya wala akong idea sa bagay na 'yon. Mabuti na lang din at hindi niya alam na scholar ako.

Umiling na lang ako. "Kasi... may mga... may mga babayaran din ako sa bahay. Hehe. Wala kasing trabaho 'yong Tita ko kaya ako ang sumusuporta sa'min. Alam mo na. Hehe."

Hindi ko alam kung maniniwala siya sa sinasabi ko pero sana naman. Ang hirap kayang mag-isip ng dahilan!

"What about your parents?"

Natigilan ako at napayuko. "Wala na sila."

"Oh, sorry."

Ngumiti ako ng pilit. "Hindi. Okay lang."

May kinuha siyang papel sa loob ng wallet niya. May isinulat siya doon pagkatapos ay ibinigay niya sa'kin. Tiningnan ko kung ano 'yon. Tseke pala iyon.

Napangiti ako at tumingin sa kanya. "Salamat."

Ngumiti rin siya. Napabuntong-hininga ako. Sa wakas, may ipambabayad na 'ko sa ospital.

Natigilan ako nang may bigla akong maalala. Tumingin ako kay Lawrence.

"Oo nga pala. Hanggang kailan nga pala tayo magpapanggap? Huwag mong sabihing hanggang graduation tayo ganito?" tanong ko.

Umiling siya. "Hindi naman. Siguro mga isa o dalawang buwan, pwede na. Kailangan ko lang masiguro na hindi na talaga ako pipilitin ni Daddy na magpakasal pa sa anak ng kaibigan niya."

Tumango ako. "Okay. Sige na. Aalis na 'ko. Gabi na rin, eh."

"Hmm? Hatid na kita."

Gulat na napatingin ako sa kanya. "Huh? Hindi na! Gabi na. Baka hinahanap ka na sa inyo."

UnrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon