Chapter 8: Contact Lense

11.7K 230 7
                                    

CHAPTER 8: Contact Lense

•°•°•°•

Nang makarating ako sa kanto kung saan kami magkikita ni Lawrence ay nakita ko agad siya. Nakasandal siya sa gilid ng sasakyan niya at kasalukuyang pinapanood ang mga nagba-basketball sa court na katapat ng kinatatayuan niya.

Lumapit ako sa kanya at kinalabit siya. Napatingin naman siya sa'kin.

"Tara na," sabi ko.

Napataas ang kilay niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napakunot-noo ako. Ibinalik naman niya ang tingin niya sa mukha ko.

"Ganyan na ang suot mo?" tanong niya.

Napatingin ako sa suot ko. Anong problema sa suot kong malaking white printed shirt, maong pants at sneakers? Maganda naman 'to, ah!

"Bakit? May problema ka sa suot ko?" sabi ko at napahalukipkip.

Napakamot sa pisngi. "Pasensya na, ha? Para ka kasing manang sa suot mo."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'to! Ako? Manang? Hindi ako manang! Porke't gwapo siya, sasabihan niya ako ng manang?

Sa inis ko ay binatukan ko siya.

"Aray! What was that for?" he asked.

"Grabe ka naman kasi makalait. Ako? Talaga? Manang?"

Tiningnan niya ako ng masama habang hinihimas ang batok. "Sorry naman. Iyon ang tingin ko, eh. Saka hindi mo ba pwedeng tanggalin 'yang salamin na 'yan? Hindi ka ba marunong mag-ayos?"

Inirapan ko siya. Nakakainsulto naman 'to. Hindi ko talaga alam kung paano ko siya naging crush. Ang sama-sama ng ugali. Gwapo nga siya, pero ang sama ng ugali.

"Sorry, ha? Kung kailangan mo naman pala kasi ng maganda, sana naghanap ka na lang ng ibang pwedeng magpanggap diyan. 'Yong maganda, sexy, hindi manang, at marunong mag-ayos," sabi ko at tumalikod.

Nakakainis! Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Kung tutuusin, tama naman 'yong sinabi niya, eh. Mukha akong manang at hindi ako marunong mag-ayos. Pero ewan ko ba! Inis na inis talaga 'ko!

Napahinto ako sa paglalakad nang bigla niyang hilahin ang braso ko. Napaharap ako sa kanya.

"Lorraine, I'm sorry. Sorry na."

Tumingin ako sa kanya. Mukha namang sincere ang pag-so-sorry niya. Napabuntong-hininga ako at umiwas ng tingin.

"Hayaan mo na. Okay lang. Alam ko namang totoo 'yon, eh. Masakit lang kasing marinig sa ibang tao. Pasensya na rin. Wala naman akong ibang damit para magmukhang disente sa harap ng pamilya mo. At hindi rin talaga ako marunong mag-ayos," sabi ko.

He smiled. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Tara. Bago tayo pumunta sa bahay, may gagawin muna tayo," sabi niya.

Napakunot-noo ako. "Huh?"

Hinila na niya ako papunta sa sasakyan niya at umalis kami sa lugar na 'yon. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero hindi na ako nagtanong. Feeling ko naman wala siyang gagawing masama sa'kin.

Mga ilang sandali lang ay nakarating kami sa mall. Nagtaka ako. Ano namang gagawin namin dito?

"Let's go," sabi niya at bumaba ng sasakyan.

Habang naglalakad ay tinanong ko siya. "Anong gagawin natin dito?"

Ngumiti lang siya sa'kin. Teka. Nalaglag yata ang panty ko dahil sa ngiting 'yon. Pakipulot naman. Hehe.

UnrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon