Chapter 24: Wife

11.6K 245 12
                                    

CHAPTER 24: Wife

•°•°•°•

Ilang araw na lang bago ang Pasko. December 24 nang yayain ako ni Lawrence na lumabas kasama si Arianne. Actually, dapat kami lang dalawa dahil nagpapatulong siya sa akin na mag-grocery para sa mga dadalhin namin sa Christmas outing kinabukasan. Pero nang malaman ng anak ko na lalabas kami, nagpumilit siyang sumama. Siyempre, matitiis ko ba naman ang anak ko? Isa pa, bago pa man ako pumayag, inunahan na ako ni Lawrence.

Hindi ko talaga alam kung bakit ako ang niyaya ni Lawrence na mag-grocery. Pwede naman kasing si Ate Louisse na lang o kaya iutos niya na lang sa mga katulong nila. Pero nang tanungin ko siya ay sinabi niyang busy daw kasi si Ate Louisse sa pagtulong kay Tita Lorna para sa salo-salo sa kanila mamayang bisperas. Ang mga katulong naman nila ay pinag-leave na muna nila para makasama nila ang kani-kanilang pamilya ngayong Pasko.

Niyaya pa nga kami ni Lawrence na sa kanila na mag-Pasko pero tumanggi ako. Ayoko naman kasing iwan na lang si Tita Meryll ngayong Pasko. Isa pa, magkikita-kita rin naman kami bukas. Nag-leave na rin ako ng isang linggo sa trabaho para naman ma-enjoy ko ang Pasko kasama ang anak ko.

Ngayon nga ay nandito kami sa isang mall. Dumiretso na kami agad sa supermarket para mag-grocery. Ang mga bibilhin namin ngayon ay mga pagkaing iluluto at kakainin namin sa outing ng tatlong araw. Ayon sa kanya, wala daw kasing pagkain sa beach house nila sa Batangas kaya kailangan naming mamili ng mga pagkain.

"Oh."

Napalingon ako kay Lawrence nang may iabot siya sa akin. Isa itong papel. Pagbukas ko ay listahan ito ng mga bibilhin namin. Karamihan sa mga ito ay gulay, prutas at karne. Sa pagbabasa ko ng mga bibilhin ay na-realize kong magba-barbeque kami. Napangiti ako. I love barbeque! Hindi lang ako kundi pati si Arianne.

"Bakit ka nakangiti?" dinig kong tanong niya.

Napaangat ang tingin ko sa kanya. "Kasi magba-barbeque tayo."

Napataas ang kilay niya at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "You like barbeque?"

"Hindi lang ako kundi pati si Arianne. 'Di ba, baby?" sabi ko at nilingon ko ang anak kong nakahawak sa kamay ni Lawrence. Nilingon naman siya nito.

“Yes, Tatay. Me and Nanay loves barbeque!”

Tumawa naman si Lawrence at ginulo ang buhok ni Arianne. Naglakad na kami at nagsimulang maghanap ng mga kailangan. Ibinigay ni Lawrence sa'kin si Arianne at siya naman ang nagtulak ng cart. Hawak ko pa rin ang listahan.

Habang kumukuha ng gulay ay naisipan kong tanungin si Lawrence.

"Bakit ba kasi ngayon mo lang naisipang mag-grocery? Bakit hindi mo pa isinabay noong nag-grocery sina Tita Lorna ng kakainin niyo mamayang gabi?" tanong ko.

"Matagal na silang nag-grocery ng ihahanda mamaya. Naisip ko kasing baka masira 'yong mga gulay kapag pinabili ko na agad. Mas okay na kung ngayon na lang," sagot niya.

Napatango-tango ako. May point naman siya. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkuha ng mga kailangan hanggang sa makumpleto na ang nasa listahan. Nang matapos naman ay bumaling ako sa kanya.

"Tapos na," sabi ko.

Tumango siya pagkatapos ay may kinuha sa bulsa niya. Napakunot-noo ako nang ibigay niya iyon sa akin. Papel na naman iyon. Pagbukas ko ay nakita kong listahan na naman iyon ng mga bibilhin.

"Meron pa?" tanong ko.

"Para sa condo ko 'yan. Wala na rin kasing laman ang ref ko," sabi niya.

UnrealDonde viven las historias. Descúbrelo ahora