Chapter 43: Valentine's Day

9.6K 183 1
                                    

Featured Song: Let The Love Begin – Kyla, Jerome John Hughes

**

CHAPTER 43: Valentine's Day

•°•°•°•

Kasalukuyan kong tinuturuan ang anak ko kung paano magsulat. Sabado ngayon at nag-leave ako sa trabaho sa araw na ito para makapaghanda ako mamaya. Mamayang gabi na kasi ang college night.

It's February 14, Valentine's Day. Hindi lang iyon. Ngayon din dapat ang huling araw ng contract namin ni Lawrence. Pero alam kong wala ng kontrata kaya wala ng dapat na itigil mamaya. Siguro sa mga susunod na araw, sasabihin na namin sa kanilang lahat ang totoo.

Excited naman ako sa mangyayari mamayang gabi. It's my first school party. Hindi kasi ako nakapunta noong high school ako sa JS Prom namin dahil fresh pa sa akin ang masamang nangyari noon sa akin. Natakot akong umuwi ng gabi noon kaya nagpasya na lang ako na hindi ako a-attend.

Napatigil ako sa pagtuturo kay Arianne nang marinig ko ang pagtawag ng kung sino sa labas at ang pagkatok sa gate namin. Nagkatinginan kami ni Tita Meryll na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV. Sumenyas siya na siya na ang magbubukas ng pinto kaya tumango na lang ako.

Sino naman kaya iyon? Baka si Lawrence? Pero wala naman siyang sinabing pupunta siya ngayon.

Maya-maya lang ay pumasok na rin si Tita Meryll at sa likod niya ay nakasunod si Ate Louisse. Tumayo ako para salubungin siya. Nagpaalam naman muna saglit si Tita Meryll para maghanda ng meryenda. Pagkaalis niya ay saka ako bumaling kay Ate Louisse.

"Ate Louisse, napadalaw ka," bati ko. She smiled at me and waved.

"Hi, Raine," bati niya bago bumaling kay Arianne na ngayon ay nakatayo na rin sa tabi ko. "Hi, baby Arianne."

"Hello po, Tita," bati naman ng anak ko. Lumapit siya kay Ate Louisse at humalik sa pisngi nito. Napangiti ako sa ginawa niya.

"Ang sarap naman no'n," nakangiting sabi ni Ate Louisse bago bumaling sa akin. "It's your college night later, right? I'm here because I want to be the one to do your hair and make-up."

Napakamot ako sa batok at nahihiyang ngumiti. "Ate, hindi mo naman kailangang gawin 'yon. Pero thank you."

Ngumiti siya at tinapik ako sa balikat.

"Of course, you're my future sister-in-law. I want to do this for you. Isa pa, dapat talaga magandang-maganda ka mamayang gabi para hindi maalis ang tingin ni Lawrence sa'yo. Alam mo na, siguradong maraming magandang babae mamayang gabi kaya dapat talbugan mo sila. Dapat hindi nila makuha ang atensyon ni Lawrence."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya.

"Alam ko namang hindi ko sila matatalbugan, eh. Pero subukan lang ni Lawrence na tagalan ang titig sa kanila, tutusukin ko 'yong mata niya," biro ko na ikinatawa din niya.

Pero deep inside, ayoko rin talagang tumingin sa iba si Lawrence. Okay lang tumingin, huwag lang matagal. Natatakot akong mabaling ang pagtingin niya sa iba at iwan na niya 'ko kapag nagsawa siya.

Nag-meryenda na muna kami doon habang hinihintay namin ang tamang oras para makapagsimula na si Ate Louisse na ayusan ako. 8PM pa naman ang party at 7PM naman ako susunduin ni Lawrence. Nakipaglaro na muna si Ate Louisse kay Arianne.

Bandang alas kwatro ng hapon nang maligo na ako. Ayon kay Ate Louisse, balak niyang kulutin ang dulo ng buhok ko kaya kailangan ko itong patuyuin. Dahil wala kaming blower, itinapat ko na lang ito sa electric fan. Tinulungan naman ako ni Ate Louisse na patuyuin ito.

UnrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon