Chapter 38: Kiss

8.1K 176 19
                                    

CHAPTER 38: Kiss

•°•°•°•

Pagdating ng Linggo, maaga akong gumising para maghanda sa paglabas ko kasama si Raven. Alas diyes ng umaga kami magkikita sa isang malapit na mall. Hindi ko pa alam ang balak niyang gawin namin ngayon pero siguro ay hindi naman kami lalayo.

Hindi ko ipinaalam sa kahit na sino ang tungkol sa paglabas namin ni Raven. Ayoko lang kasi na mag-isip pa sila ng masama tungkol sa paglabas namin. Lalabas lang kami bilang magkaibigan. Sigurado kasi ako na iisipin nilang date iyon dahil babae ako at lalaki siya.

Ang alam ni Tita Meryll ay papasok ako sa trabaho ngayon. Sinabi ko sa kanya na kailangan kong pumasok dahil nagkasakit ang isang katrabaho ko at walang papalit sa kanya. Iyon din ang sinabi ko kay Arianne nang makita niya akong nagbibihis.

Napabuntong-hininga ako. Ngayon ko na-realize na ilang beses na pala akong nagsinungaling sa kanila mula nang maging kami ni Lawrence. Pero ngayon na lang naman ito. Pagkatapos ng kontrata, aaminin ko rin sa kanila ang lahat lalo na ang tungkol sa relasyon namin ni Lawrence.

Matapos kong magpaalam kina Tita Meryll at Arianne, umalis na ako ng bahay. Pero kakalabas ko lang ng gate namin nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag, nabasa ko agad ang pangalan ni Lawrence.

Napapikit ako. Ito pa ang isa. Nakaka-guilty pero kailangan ko ring magsinungaling sa kanya.

Sinagot ko na iyon. "Hello."

"Hi, babe! Good morning," bati niya. Napangiti ako.

"Good morning din. Ang aga mo yatang napatawag?"

"I just want to hear your voice. Kumain ka na? How's Arianne?"

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Yes. Kumain na 'ko. Arianne's fine. Ikaw? Kumain ka na?"

"Kakain pa lang," aniya. Nakarinig pa ako ng kung anong tunog sa kabilang linya. Baka nagsisimula na siyang kumain. "By the way, day-off mo ngayon, 'di ba? Gusto mo bang lumabas?"

Napapikit ako bago sumagot. "Uhm… Rence, pwede bang huwag muna tayong lumabas ngayon? Kasi… g-gusto ko sanang makasama muna si Arianne ngayong araw na 'to. Alam mo na, bonding lang naming mag-ina."

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na may trabaho ako dahil baka puntahan niya ako sa coffee shop. Knowing him, alam kong ganoon talaga ang gagawin niya.

"Ah, ganoon ba? Okay. Let's have a date next time, then."

"Yeah. Sorry talaga."

"It's okay, babe. Si Arianne naman ang kasama mo, eh."

Hindi ko maiwasang mapamura sa isip. Iyon na nga, eh. Hindi si Arianne ang kasama ko sa araw na ito. Pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya dahil baka magwala siya sa kabilang linya. Sasabihin ko na lang siguro sa kanya pagkatapos.

"Raine, are you still there?"

Napadilat ako nang marinig ko ang boses niya. "Huh? Ah, oo. Pasensya na. Medyo inaantok pa kasi ako."

"Okay. So, I'll see you tomorrow… at school."

"Yeah. See you."

Pagkatapos ng tawag ay nakahinga ako ng maluwag. My gosh lang. Hindi ko na talaga gagawin 'to sa susunod. Ngayon lang 'to, promise!

Sumakay na ako ng jeep para pumunta sa mall kung saan kami magkikita ni Raven. Medyo maaga pa naman kaya siguro ay wala pa siya doon. Hihintayin ko na lang siya.

UnrealWhere stories live. Discover now