Chapter 5: Sick

12.3K 228 5
                                    

CHAPTER 5: Sick

•°•°•°•

"Huh? Nababaliw ka na ba?" tanong ko.

Napabuntong-hininga siya at tumingin sa paligid. "Can we talk somewhere else? Somewhere private?"

Napakunot-noo ako. "Private? Ayoko nga. Baka mamaya kung anong gawin mo sa'kin, eh."

He smirked. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Kakasabi ko lang na hindi kita type, 'di ba?"

Napairap ako. "Tss!"

"Doon na lang tayo sa sasakyan."

Sumunod ako sa kanya pabalik sa coffee shop. Dumiretso na kami sa sasakyan niya na nasa parking lot mismo ng coffee shop. Pagkasakay namin ay tinanong ko agad siya.

"Oh, sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin dahil kailangang-kailangan ko ng umuwi. Marami pa akong gagawin." Kailangan pa 'ko ng anak ko.

"Okay. I want us to make a deal."

Napakunot-noo ako. "Anong klaseng deal ba 'yang sinasabi mo?"

"Tulad ng sinabi ko kanina, gusto kong magpanggap ka bilang girlfriend ko," sabi niya at tumingin sa'kin.

Napataas ang isang kilay ko. "At bakit?"

He sighed. "Okay. I'll explain."

Umayos ako ng upo at nakinig sa kanya.

"Alam mo naman sigurong wala akong sineseryosong girlfriend, 'di ba? Every month, nagpapalit ako ng girlfriend. Nalaman 'yon ng Dad ko. At natatakot siya na baka pagdating ng panahon, hindi na ako magseryoso sa buhay at hindi na mag-asawa."

"And?"

He sighed. "So, he told me last month that I need to marry his best friend's daughter after graduation."

Tumawa ako ng mahina. "Wow. May ganyan pa pala ngayon sa panahong ito. Oh, tapos?"

"I figured out I need someone to be my pretend girlfriend and tell my father that I'm serious so he won't push through with the wedding. And I want that someone to be you."

Natigil ako sa pagtawa at tumingin sa kanya.

"Teka, bakit ako? Saka third year ka pa lang naman. May isang taon pa bago ang graduation. May isang taon ka pa para maghanap ng taong mamahalin mo. Bakit kailangan mo pa ng magpapanggap bilang girlfriend mo?"

Napakamot siya sa ulo niya. "Hindi pwede. Next week, ipapakilala na sa'kin ni Daddy 'yong anak ng kaibigan niya. Kaya kailangan, next week, may girlfriend na 'ko."

"Bakit ba kasi ayaw mong pumayag? Malay mo maganda naman 'yong mapapangasawa mo," sabi ko.

Napailing siya. "Ayoko. Hindi ko naman 'yon mahal, eh."

"Aba. Naniniwala ka pala sa love?" tanong ko.

Napakunot-noo siya. "Siyempre naman. Anong akala mo sa'kin? Hindi naniniwala doon?"

"Hmm... ang dami mo kasing hindi sineseryosong babae kaya akala ko hindi ka naniniwala sa love," sabi ko. Totoo naman. Ang isang katulad niyang casanova, mukhang walang sineseryoso, ay mukhang hindi naniniwala sa love.

"Tss! I'm just playing because I want to. Pero naniniwala ako doon. Teka nga. Bakit ba diyan napunta ang usapan? Ano na ba? Pumayag ka na."

Inirapan ko siya. "Huwag ka ngang demanding. Saka bakit ba kasi ako? Bakit hindi na lang 'yong mga naging girlfriend mo dati?"

He looked at me intently. "Alam mo, sa lahat ng nakilala kong may gusto sa'kin, ikaw lang 'tong halos ipagtabuyan ako. Sila nga, gusto pang magkaroon ng serious relationship kasama ako."

"Iba naman kasi ako sa kanila. Saka isa pa, crush lang kita. Hindi kita mahal. At ang crush, paghanga lang. Kadalasan, kapag crush mo ang isang tao, na-aattract ka lang dahil sa physical appearance nila," sabi ko.

Ngumiti siya ng nakakaloko. "So, crush mo ako... dahil gwapo ako?"

Napairap ako. "Para namang hindi mo nabasa 'yong letter ko. Huwag ka ngang conceited."

"So, ano nga? Pumapayag ka na ba?" tanong niya ulit.

"Bakit nga kasi ako? Bakit hindi na lang 'yong iba diyan?"

"Ang hirap kasing maghanap pa ng ibang babae, eh. Ayoko naman ng kung sino-sino lang. Kahit papaano, gusto kong pumili ng babaeng pasok sa kagustuhan ng mga magulang ko. At sa buong oras na tinitingnan kita kanina, tingin ko naman matino ka kaya ikaw na lang ang pinili ko. Mukha namang masipag ka, mabait at walang arte sa katawan."

Nag-init ang pisngi ko nang marinig iyon mula sa kanya. Pero nanliit ang mata ko sa kanya nang maisip na baka inuuto niya lang ako para pumayag sa gusto niya.

"Huwag mo nga akong utuin," sabi ko. "Alam mo, nabasa ko na 'to, eh. May nabasa na 'kong ganito. Magpapanggap na mag-boyfriend at girlfriend tapos in the end, magkakatuluyan sila. Gusto mo bang ganoon ang mangyari, ha? Aminin mo, may gusto ka sa'kin, 'no?"

Alam kong masamang mag-assume pero malay ko lang naman, 'di ba? Pero nagulat ako narinig ko ang malakas na pagtawa niya.

"Huwag ka ngang assuming. 'Di ba sabi ko hindi nga kita type? Kaya imposibleng mangyari 'yon. Baka nga ikaw 'tong ma-in love sa'kin, eh. 'Di ba nga crush mo 'ko?"

Naningkit ang mata ko. "Hoy. Kahit crush kita, hinding-hindi ako mai-in love sa'yo. Masyado akong maraming iniisip para intindihin pa ang bagay na 'yan. Tss!"

He shrugged. "Okay. So, for the nth time, I'm gonna ask you. Pumapayag ka na ba?"

Nagpanggap akong nag-iisip. "Hmm... no."

Napakunot-noo siya. "Wait, what? No? Bakit ayaw mo?"

Tumingin ako sa kanya. "Kasi masyado akong maraming ginagawa at pinagkakaabalahan."

"Sige na. Pansamantala lang naman. Saka babayaran naman kita, eh."

Natigilan ako. Tumingin ako sa kanya ng masama.

"No, thank you. Hindi ako bayarang babae. Maghanap ka na lang ng iba diyan," sabi ko at mabilis na lumabas ng sasakyan niya.

"Lorraine!"

Mabilis akong pumara ng tricycle at sumakay doon agad. Hindi ko na siya pinansin pa kahit na paulit-ulit niya akong tinatawag.

Tss! Bayad? Babayaran niya 'ko? Anong tingin niya sa'kin? Bayarang babae? Hindi ako ganoong klase ng tao. Kung gusto niya ng magpapanggap na girlfriend niya, maghanap na lang siya ng iba.

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong dumiretsong pumasok. Napakunot-noo ako nang mapansing walang tao sa sala. Nasaan sila?

"Tita Meryll?"

Bigla akong nakarinig ng mga yapak ng paa. Nakita ko si Tita Meryll na tumatakbo pababa ng hagdan papunta sa'kin. Napakunot-noo ako.

"Tita?"

"Lorraine, mabuti naman at dumating ka na. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Si Arianne, inaapoy ng lagnat!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto kung nasaan si Arianne. Pagpasok ko ay nakita kong nanginginig ang anak ko. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Arianne? Baby?"

Hinipo ko ang leeg niya at naramdaman kong sobrang init niya.

"Tita, ano po bang nangyari sa kanya?" tanong ko kay Tita Meryll.

"Hindi ko alam. Kaninang tanghali, naramdaman kong nilalagnat na siya. Akala ko naman normal na sakit lang at bababa din agad. Kaso hanggang ngayon ay inaapoy pa rin siya ng lagnat. Tapos kanina, suka siya ng suka."

Agad kong binuhat si Arianne. "Dalhin na po natin siya sa ospital."

Tumakbo kami palabas at agad na nagtawag si Tita ng taxi. Pagkatapos ay agad kaming umalis at nagpahatid sa ospital.

UnrealWhere stories live. Discover now