Epilogue

20.5K 397 34
                                    

Unreal
Written by: jglaiza

•°•°•°•

EPILOGUE

I silently went out of the room as soon as my class ended. It's already lunch time and I'm really starving. Nauna ng lumabas ang mga kaibigan ko at hindi man lang nila ako hinintay. Mga gago talaga. Kapag gutom talaga, wala ng pakialamanan.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang isipin ang napag-usapan namin ni Daddy kagabi. He wanted me to marry his friend's daughter. Hindi niya gusto ang pagiging casanova ko. Pakiramdam niya, wala na akong balak mag-seryoso sa isang babae kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan para makahanap ng mapapangasawa ko pagkatapos kong grumaduate.

Naiinis ako. Bakit kailangan niya akong pakialaman pagdating sa bagay na iyon? Magseseryoso naman ako kapag nakita ko na 'yong babaeng masasabi kong mahal ko talaga, eh. And what's with the rush? I still have a year before I graduate. Bakit kailangan niyang ipakilala na sa'kin ang sinasabi niyang mapapangasawa ko?

I sighed. I don't know what to do. May naiisip akong paraan pero hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon. Kailangan ko ng babaeng magpapanggap bilang girlfriend ko pero dapat ay hindi magkagusto sa akin ang babaeng iyon. Saan naman ako hahanap ng babaeng papayag sa gano'n? Sa pagkakaalam ko, maraming nagkakagusto sa akin at lahat sila, kung hindi katawan o pera ko ang gusto, gusto naman ng serious relationship. I know I'm not ready for that.

I shook my head and tried to stop thinking about it. I was silently walking through the hallway when something caught my attention. May isang papel sa sahig na mukhang nakatupi. Napalingon-lingon ako sa paligid para tingnan kung kanino iyon pero parang wala namang pakialam ang mga ito.

Pinulot ko iyon at nagpasyang buklatin para malaman kung kanino iyon. Maybe someone dropped this. Maybe I'll try to give it back. It might be important.

Pero nagulat ako nang pagbuklat ko ay nakita ko ang pangalan ko. It was a letter... a letter for me. Binasa ko iyon.

Dear Lawrence,

Siguro hindi mo 'ko kilala. Siguro nakikita mo ako o nakakasalubong pero hindi mo napapansin. Okay lang, sanay na 'ko. Simula first year, sanay na 'ko. Oo, simula first year, lihim na kitang pinagmamasdan. Oo, simula first year, crush na kita. Pero hanggang doon lang 'yon. Sigurado akong hindi na lalagpas pa doon ang tingin ko sa'yo. Bukod sa busy ako sa buhay, wala rin akong panahon para pagtuunan pa ng pansin ang nararamdaman ko.

Gusto ko lang malaman mo na gusto kita, at lihim akong humahanga sa'yo. Hindi ko alam kung bakit. Alam ko namang casanova ka. Ang dami mo ng naging girlfriend, pero crush pa rin kita. Siguro dahil gwapo ka, at gustong-gusto ko ang ngiti mo. Pero hanggang doon lang 'yon. Hanggang crush lang kita.

Pero alam mo, minsan naiisip ko, ano kaya ang pakiramdam na mapansin mo? Kahit man lang isang 'Hi' or 'Hello', okay na. O kaya, kahit man lang malaman mo ang pangalan ko. Okay na sa'kin 'yon. At least, kilala mo ako at hindi ako invisible sa paningin mo. Hindi ko naman hinihiling na magustuhan mo rin ako. Wala akong kahit anong hinihinging kapalit. Ang gusto ko lang, makita mo ako.

Sana nga mapansin mo 'ko. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman masakit sa mata kapag nakita mo 'ko. Hindi naman ako pangit. Naka-salamin ako pero hindi naman ako tulad ng iba na may salamin, may braces at hindi marunong magsuklay. Pero hindi rin naman ako masyadong maganda. Katulad lang din naman ako ng mga taong nakasalamin pero bagay sa kanila.

Pero kung hindi mo ako mapansin, okay lang. Patuloy pa rin akong lihim na susulyap sa'yo. Alam kong hindi mo naman mababasa 'to dahil wala akong balak ibigay sa'yo pero... sana nga, kahit isang tingin lang sa'kin, okay na.

UnrealWhere stories live. Discover now