Chapter 37: Comfortable

8.5K 140 6
                                    

CHAPTER 37: Comfortable

•°•°•°•

Bandang alas onse na ng gabi nang ihatid kami ni Lawrence sa bahay. Ayaw pa nga sana ni Ate Louisse na pauwiin kami pero may pasok pa kasi kinabukasan kaya kailangan naming umuwi. Isa pa, baka kasi naghihintay na si Tita Meryll sa bahay.

Kinabukasan, late na akong nagising. Nagpasya akong huwag na munang pumasok dahil dalawang subject na ang hindi ko naabutan. Siguro ay dahil na rin sa pagod sa pagtatrabaho kahapon at pagpa-party kagabi kaya napasarap ang tulog ko.

Nagpasya na lang akong pumasok ng maaga sa trabaho ngayon kahit na mamaya pa talaga ang shift ko. Okay lang naman siguro. Kakausapin ko na lang ang manager ng coffee shop. Sayang din kasi ang oras at sweldo kung mamaya pa ako papasok.

Habang sakay ng tricycle papuntang coffee shop, narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Nang tingnan ko iyon, nakita kong si Lawrence ang tumatawag. Oo nga pala. Hindi niya alam na hindi ako pumasok. Baka hinahanap na niya ako.

Sinagot ko iyon agad.

"Hello?" panimula ko.

"Raine, where are you? Hindi ka pumasok?"

Umiling ako kahit hindi naman niya nakikita. "Hindi, eh. Tinanghali kasi ako ng gising. Papunta ako sa trabaho ko ngayon. Bukas na lang ako papasok. Paano mo pala nalaman na hindi ako papasok?"

"Sasabay sana ako sa inyong mag-lunch ni Em. Pero sabi niya, absent ka daw at hindi naman niya alam kung bakit. Akala ko tuloy nagkasakit ka kaya hindi ka pumasok."

"Ganoon ba? Pasensya na kung hindi ko agad nasabi."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya mula sa kabilang linya. "It's okay. Sige. Susunduin na lang kita mamaya pagkatapos ng klase ko."

"Okay."

Matapos naming magpaalam sa isa't isa ay ibinaba ko na rin ang tawag. Sakto namang malapit na ako sa coffee shop nang ibaba ko iyon. Pumara na rin ako agad nang tumapat na ito doon.

Pagkatapos kong magbayad ay naglakad na ako papasok sa coffee shop. Pero bago pa man ako makapasok ay may humarang sa akin sa may pinto. Nang iangat ko ang tingin ko ay nakita ko si Raven na nakangiti habang nakatingin sa akin.

"Hi, Raine," bati niya.

Tipid akong ngumiti. "Hello. Anong ginagawa mo dito?"

"Dinadalaw ka. Bawal ba?" tanong niyang hindi ko nasagot. Bahagya kaming gumilid nang may pumasok sa coffee shop. "Papasok ka na ba sa trabaho?"

"Oo," sabi ko saka tumango. Napakamot naman siya sa batok at parang bumagsak ang balikat niya nang sabihin ko iyon.

"Ganoon ba? Sayang naman. Sige. Hihintayin na lang kitang matapos sa shift mo," aniya.

Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. "Uhh… Ano bang kailangan mo? Mamayang gabi pa kasi ang tapos ng shift ko kaya baka matagalan. Sabihin mo na lang ngayon."

Umiling siya at tipid na ngumiti.

"Balak ko kasi sanang makipagkwentuhan sa'yo, eh. 'Di ba nga gusto kitang maging kaibigan? I want to know you better," sagot niya.

Napatango-tango ako. I can really see the determination and sincerity in his eyes. Para bang gustong-gusto talaga niyang maging magkaibigan kami. I suddenly wondered why. Bakit nga ba ako ang napili niya para maging kaibigan?

Napabuntong-hininga siya. "So, hihintayin na lang kitang matapos."

Tumalikod na siya pero naisipan kong pigilan siya. Tutal mamaya pa naman talaga ang shift ko, okay lang sigurong hayaan ko siyang kausapin ako.

UnrealWhere stories live. Discover now