Chapter 30: Thank You

9.7K 188 0
                                    

CHAPTER 30: Thank You

•°•°•°•

Nakatulog ako matapos kong patulugin si Arianne. Paggising ko ay wala na siya sa tabi ko. Pagtingin ko sa orasan ay alas kwatro na ng hapon. Ang tagal ko rin palang nakatulog. Marahil ay dahil puyat ako nang nagdaang gabi.

Tumayo ako at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay lumabas ako para hanapin kung nasaan si Arianne. Hindi ko alam kung okay na ba talaga siya pagkatapos ng nangyari kanina.

Pagbaba ko ay naabutan ko sa sala sina Tita Meryll, Tita Lorna at Tito Marcus na nagpapahinga. Nang makita nila ako ay napangiti sila.

"Gising ka na pala," sabi ni Tita Meryll.

Ngumiti ako. "Si Arianne po?"

"Nasa labas siya kasama si Lawrence. Don't worry, Lorraine. She's okay now," sagot ni Tita Lorna.

Ngumiti ako at nagpaalam na lalabas na muna para puntahan sila. Tumango sila at hinayaan na ako.

Paglabas ko ay nakita ko agad sa di-kalayuan sina Lawrence at Arianne na gumagawa ng sand castle. Napangiti ako nang makita kung gaano kasaya ang anak ko. Mukhang okay na nga siya.

Umupo ako sa bench sa harap ng rest house para panoorin silang dalawa. Hindi naman nila ako napansin. Mas mabuti na rin 'yon dahil ayoko silang istorbohin. Halata naman kung gaano sila kasaya kahit na silang dalawa lang. Kahit na gusto kong sumali sa kasiyahang iyon, mas gusto ko pa rin kahit na pinapanood ko lang sila.

Napatingin ako kay Lawrence. He looks so happy with my daughter, too. Bigla kong naisip ang sinabi niya noon na gusto niyang maging ama kay Arianne. Tinotoo niya iyon. Hindi lang siya basta ama kay Arianne kundi isa siyang mabuting ama. Mukhang hindi niya talaga pinagsisisihan na maging ama ni Arianne.

Natatakot lang ako sa mga mangyayari sa hinaharap. Paano kapag bumuo na siya ng sarili niyang pamilya? Paano na si Arianne? Kaya pa kaya niyang gampanan ang pagiging ama sa kanya? Siya na rin ang nagsabi na gusto niyang tumayong ama para kay Arianne kahit na dumating ang oras na kailangan na naming maghiwalay. Ayos lang sa akin iyon. Pero hanggang kailan niya iyon papanindigan?

Siguro ay kailangan ko talagang paghandaan ang pagdating ng araw na iyon. Kailangan ko ring ihanda si Arianne sa mga posibleng mangyari. I don't want her to get hurt. Pero alam kong masasaktan pa rin siya kahit anong mangyari. Hindi naman siya masasaktan kung hindi ko ipinakilala si Lawrence sa kanya. At hindi rin ako mapapamahal sa kanya kung hindi ko siya pinatuloy ng tuluyan sa buhay ko.

Pero kahit ganoon, hindi ko pinagsisisihang pinapasok ko si Lawrence sa buhay naming mag-ina. Nang dahil sa kanya, naging masaya kami ng anak ko. At kahit na pareho kaming masasaktan sa oras na iwan niya kami, at least there's still a point in our life that we felt happy.

Napailing ako. Ayoko na munang isipin ang lahat ng mga tanong sa isip ko. Alam kong darating rin ang panahon na iiwan niya kami. Pero sa ngayon, gusto ko lang munang i-enjoy ang bawat oras na kasama namin siya.

Natigilan ako sa pag-iisip nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Nilingon ko siya at napansin ko si Ate Louisse na nakangiti habang tinitingnan sina Lawrence at Arianne.

"Ang saya nila, 'no?" sabi niya.

Tumango ako at tumingin ulit kina Lawrence at Arianne. "Yeah."

"Bakit hindi ka sumali sa kanila?"

"Mamaya na lang siguro. Masaya na 'kong nakikita silang dalawa na masaya."

Mga ilang sandali kaming natahimik. Pinapanood pa rin namin ang dalawa na masayang-masaya habang gumagawa ng sand castle. Lawrence is teaching Arianne how to make a sand castle. Napapangiti ako kapag nakikita kong tumatawa ang anak ko.

UnrealWhere stories live. Discover now